C H A P T E R 8 - invisible.

14 2 0
                                    

ROXANNE POV.

Yung huling salitang binitawan ni Lexter, bigla nalang akong naglaho. Ngayon ko lang yun alam. Na may kakayahan pala kong maglaho..

At..

May kakayahan rin pala kong maging invisible kahit iisa 'kong kaluluwa.

Ang galing. Pero wala ko sa mood na magsaya. Masakit parin sa loob ko na ako ang sinisisi ni Lexter sa nangyari kay Ryle. Ang babaw lang ng dahilan niya. Pero I understand naman, malungkot lang talaga siya 'non.

Papasok ako ngayon sa school. Gamit ang kakayahan kong maging invisible. Para na 'to sa kahilingan ni Lexter. Babantayan ko siya ng hindi niya ko nakikita.

Napapaisip ako kung bakit pako pumapasok samantalang hindi naman ako nakikinig at wala ring saysay yung pag aaral ko. Pero yun nalang ang paraan pala mabantayan ko si Lexter. Hindi naman ako makakapasok sa mansion nila.

Hindi ako makakapasok sa mansion nila ng walang permiso, kailangan sila ang magpapasok sakin then kapag napapasok na nila ko sa bahay nila, welcome nako dun everytime. Ang galing ulit no?

T- teka, bakit kasama niya yung si Airah?

A- at.. Nakangiti siya? Ooh!

I can feel myself slowly fading from your mind...

Ganon na lang ba? Kahapon lang ako nawala, nakalimutan na niya ko. Ang sakit. Napaiyak nalang ako, ayos lang, walang nakakakita sakin kung sino man ang may third eye.

"Yan, yan ang bagay sayo Lexter. Ang nakangiti. Ingiti mo lang ang problema mo." Parang tanga kong sabi. Nagsasalita ako kahit alam ko naman na walang nakakarinig.

Parang hindi na niya ko matandaan bilang kaibigan..

LEXTER POV.

"Hahahaha. Ang dami mo na palang pinag daanan. Hahaha." Tawa ko habang nagkukwento si Airah. Ewan, ang gaan na ng loob ko sakanya.

"Makatawa ka naman grabe. Nasaktan na nga ko nung elementary days e kung makatawa parang wala nang bukas." Sagot niya. Eh sa nakakatawa naman kase.

"Hahahah. Eh nakakatawa talaga e."

"Ang gwapo mo kapag nakangiti."  Sabi niya.

Nawala yung ngiti nayun 'nong maalala ko kung sino ang nagsabi sakin non.

Si Roxanne..

"Ah. May nasabi ba kong mali Lexter?" Tanong niya. Umiling nalang ako.

I don't know pero, miss ko na siya.

Umupo na kami sa upuan namin. Napansin ko yung upuang bakante ni Ryle.

"Wag mo munang masyadong isipin si Ryle. Diba nga, nandito ako para pasayahin ka? Para makalimutan mo yung mga problems mo? Diba nga friends na tayo?" Nagnod ako. Siya ang nagpresinta niyan.

Dumating na yung teacher namin. Na isang oras akong kinikilabutan. Diko alam kung baket. Di naman ako tinatawag ng kalikasan ey. Di rin naman malamig. Di naman ganon kalakas ang aircon.

Naalala ko tuloy yung picture na nakita ko kahapon. Yun nga ba talaga yung nangyari sakanya? Pero parang hindi naman e. Masyadong malala yun...

WILFREDO POV.

"Ooh. What a small world Ryle?" Sabi ko kay Ryle.

"Lexter not Ryle." Ay, Lexter pala, sorry, kapag di kase importante, diko na tinatandaan yung name.

Accidentally Inlove With A GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon