C H A P T E R 10 - miracle.

7 1 0
                                    

ROXANNE POV.

Nandito ko sa harap ng bahay nila Lexter, hinihintay siyang lumabas. Syempre gamit parin ang invisible power's ko. Oha pak.

Matagal tagal ko na ring hindi nabibisita si Ryle. Kahit hindi naman akong tinuturing na kaibigan ni Ryle, dahil nga hindi naman niya ko kilala, pero kaibigan parin ang tingin ko sakanya, pati na rin syempre kay Lexter.

Speaking of Lexter... miss ko na siya, kahit di niya ko miss.

Halata naman kaseng masaya siya... na wala ako.

Pagkalabas ng kotse'ng sinakyan niya, syempre sunakay narin ako. Gamit parin ang power's ko.

"Manong sunduin po natin si Airah, dyan lang po sa kabilang village." Sabi niya habang nakatingin sa cellphone.

Nagkakamabutihan? Hmm.

"Osige po." Sagot ni manong.

Mga ilang minuto lang nakarating narin kami sa village nung Airah nayun. Infairness, yayamanin tong alalay, este kaibigan ni Lexter. Sana lang kaibigan yung turing niya sa kaibigan ko, kung hindi.. nakoo.

"Goodmorning ^_^ " bati niya kay Lexter.

Sumakay din siya sa tabi ni Lexter sa backseat, opppppss, naupuan niya ko. Hihihi. Sige, mangilabot ka lang. Charot.

"Geez. Ang lamig." Sabi niya. Hihihi, nilamig nga.

"....masyado yatang malakas yung aircon." Dagdag niya. Di rin no!

Pinahina naman ni Lex yung AC. Tss.

Nang makarating na e, sabay parin sila. Anong meron dito? Nawala lang ako, pinagpalit nako ni Lexter. Tss ulit.

Nakakamiss din.

Yung pagkakaibigan namin, yung lagi kaming magkasama kahit saan..

"Bisitahin pala natin si Ryle mamaya sa hospital. Sama ka?" Tanong niya. Nagnod namin si Airah.

"Tss." Sabi ko. Naiinis ako. Sila ba? May namamagitan ba sakanila? Diko gusto si Airah para kay Lexter no. Mas deserve niya yung ibang babae na walang arte. Tss.

LEXTER POV.

Magkasama kami ngayon ni Airah papuntang school. Katabi ko siya sa backseat. Nagtataka siguro kayo kung bakit masyadong kaming close?

* Flashback *

"Tara nga sa taas" sabi ni Airah. Actually, hindi ako lasing. Yes, hindi ako lasing. Sinusubok ko lang si Airah, like the other girls, pag nalasing yung lalake may ginagawa yung babae. Alam nyo na yun.

Baliw na kung baliw, kase medyo wala kong tiwala sa kanya. But this time, malalaman ko na kung ano nga ba yung itinuturing niya para saken. Malay nyo diba? Like dun sa tv series na napapanood ko, pinaplastic lang nila yung bida. Tss.

"Bakit ba kase naglalasing ka?!" Sigaw niya.

And, kaya nalaman kong may party dito kasi kakakilala ko lang nun sa bar kay Ian. Inaya niya ko kung gusto kong sumama sa party nila. Then, eto na.

Di ako sumagot. Nandito kami ngayon sa taas, sa kwarto niya.

"Dyan ka lang ah? Kukuha lang ako ng pampunas. Wag kang makikialam ng gamit diyan." Pero dahil nga sa makulit siguro ako, tinignan ko yung mga gamit niya dito pag alis niya.

Tss. Puro naman pang babae yung gamit nito.

Syempre babae yun!

Ano kayang pwede kong makita dito? Tss. Unless naman kung may sikreto siya dito, kung meron man, sana makita ko.

Pero sa ilang minuto kong pag iikot sa kwarto niya e wala pa rin. Para ba kasing may nagtutulak sakin na dapat may malaman ako tungkol sakanya.

Narinig ko agad na may yapak galing dun sa hagdan. Humiga ako dun sa kama niya tsaka pumikit. Sana lang magaling talaga akong um- acting nuh?

"Tss." Problema non?

Pinunasan niya ko. "Lasing lasing kapa kase." Sabi niya. "... mukang tulog kana." Bulong niya.

Pero hanggang sa hinatid niya ko sa bahay namin, wala siyang ginawa or wala man akong nakitang mali sakanya. Ewan koba, parang ang baliw ko lang. Kaibigan ko tapos pag aakalaan kong may masama siyang ugali? Tss.

* End of Flashback *

Wala talaga siyang ginawa sakin. Kampante na ko sa ganun.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
After a month ago..

RYLE POV.

Halaaaaa! Bat ang puti? Nasan ako? Nasa impyerno? Ayon kase sa mga nababasa ko maputi din daw sa ibaba e. Ewan ko lang ah.

Pero, patay nako? Yun din kasi yung nga napapanood ko e. Pero, pano si Lexter? Sino nang magbabantay sakanya? Gayon delikado pa man din siya. Pero mabalik tayo, ang puti talaga ditoooooo. Lumalabo yung paningin ko dito, masyadong malinis, di tulad ng kwarto ko hehehe.

May nakita kong malaking gate, tapos sa taas niya rainbow. Wow! Malapitan na rainbow, i liked it!

"Tuluyan ka bang papasok riyan? O aatras ka palayo diyan sa gate na iyan para mabuhay?" Eeeeh? Biglang may nagsalita? San galing yun?

Nagpalinga linga ako. Wala namang tao, tanging ako lang, eeeeh nasa langit baka o impyerno? Hihihi sagutin nyo ko!

Nasa moon ka!

Ay ganon. Tss.

"Bilisan mo ang iyong pagpili. 1 minuto nalang at maaari ka nang mamatay at hindi mo na makikita pa ang iyong pamilya." Ay, kala nagjojoke lang yung nagsasalita.

Teka, hindi na makikita ang pamilya? I- ibig sabihin ay.. patay na ko at, kung hindi pako 'ko mamimili hindi nako mabubuhay pang muli?

Ay, na 'gets niya! Bigyan ng jacket yan!

Eh anong pipiliin ko? Parang maganda kasi sa langit e, makakababa ka parin siguro sa lupa yung nga lang, hindi ka makikita ng pamilya mo. Pero si Lexter makikita parin ako non!

Sa langit nalang kaya? Kaso--

"50 seconds.." sabi niya.

Di 'to makapaghintay! Tulungan nyo ko nu ba! Aatras ba 'ko? O d'deretsuhin ko yung gate na yun? Arrrgh!

"..40" dagdag niya. "Wait lang po! Huhuhu" di ako makapamili!

"....34" ih! Aatras nalang siguro ako? Ay hindi, dederetso nalang ako. Wala namng pakialam sakin yung mga magulang ko.

Dederetso nalang ako. Tama. "..22 seconds.... pagdesisyunan mong mabuti yan..." eeeeh? Nakikita niya ko? Grabehan lang a!

LEXTER POV.

Kasalukuyang pina pump ng doctor si Ryle. Ryle! Gumising ka! Kailangan ka namin! Ikaw nalang ang bestfriend ko, iiwan mo pa 'ko?

"Ssshhhh. Gigising si Ryle. Wag ka nang umiyak." Sabi ni Airah. Wag umiyak? Paanong di iiyak kung makikita  mo yung kaibigan mong nag aagaw buhay?

Di nalang ako sumagot. Diko kayang magsalita. Nakakaramdam din ako ng pangingilabot. Kadalasan multo yung nararamdaman ko pag ganyan pero, wala akong makita.

Ilang saglit pa..

Lumabas yung doctor. "He's okay. And base doon, it's a miracle. Sabi kasi ng nurse kanina, gumalaw ang kaniyang daliri tapos maya maya nag aagaw buhay na talaga siya. Maybe later, gigising na siya." Sabi ni Doc. Napaupo nalang ako sa sahig. Yung magulang naman ni Ryle umiiyak parin katulad ko.

Thank's God!


♡ Don't forget to Vote, Comment, and Share. Kamsahamnida. ♡ =*

Accidentally Inlove With A GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon