Her First Strategy.

116 7 2
                                    

Para ito kay _iCe51_ na nag-comment sa Author's Note ko. XD Sabi senyo mag-s-spoil talaga ako eh. At least alam kong may nagbabasa. XD

---

Alenya's POV

"Xavier."

Bakit ganito siya umasta?

Parang kinakabahan.

Di kaya ...

OH MY freaking GUACAMOLE!!!

Ang Game Of Lies!

Nawala sa isipan ko.

Paano na ito? Nasabi ko na ang tunay kong pangalan sa kanya.

Halata naman hindi Xavier ang pangalan niya.

Nagsisinungaling toh.

"Miss? Okay ka lang ba?" Nagsalita si Xavier. Oh kung sino man siya ...

"Ah .. Eh .. Oo."

"Screen name mo lang yun diba?"

Eto na. Magsisimula na ang tunay na laro.

The Strategies:

Kapag sinabi kong OO, iisipin niyang sinungaling ako. So, malalaman niyang hindi ko talaga screen name ang Alenya at iyon ang totoo kong pangalan.

Kapag sinabi ko namang HINDI, liar pa rin ako. Iisipin niyang screen name ko talaga ang Alenya at tinatago ko sa kanya ang totoo.

Anong magandang strategy?

.

.

.

.

.

.

.

.

.

*Ring. Ring. Ring.* All freshman students, go to the field for the introduction of your initiation right now. Thank you!

I was saved by the bell.

Buti naman!

Hayaan ko nalang siyang mag-isip. Good strategy.

"Tara na Alenya." Yinaya niya ako.

Di ko siya pwedeng pagtiwalaan. Di ko alam kung sino ba ang nagsasabi ng totoo at ng hindi. So for now, no one is an exception. Lahat sila ... cannot be trusted. Dahil lahat kami .... liars.

"Okay."

"Masaya akong makilala ka. At least, may kaibigan na ako." Tumingin siya sakin.

Sinungaling ...

"Ako rin." Ngumiti ako.

Xavier's POV

"Ako rin." Yung mukha niya, so ...... genuine. Imposible tong kasali sa Game Of Lies. Mukhang wala nga siyang idea eh. Alenya, sana di ka liar. Sana ...

Nagsimula na kaming maglakad papunta sa field nang biglang ...

Plush ...

Natapunan ako ng coffee.

"Sorry po kuya. Sorry talaga." Nagkatinginan kaming dalawa. Isang cute na babae. Yung suot niya, isang simpleng flowy dress na kulay puti. "Sorry ... sorry po talaga."

"Ah. Ayos lang, may pampalit pa naman ako."

"Carla?" May nagsalita sa gilid ko.

Carla's POV

Haaayy, May natapunan na naman ako ng coffee. Nakakahiya. Ang clumsy ko talaga. Gosh!

Eto na naman ako, sorry ng sorry. Kasi naman.

"Carla?"

Tumingin ako sa kasama ng kuyang natapunan ko ng coffee.

Si Alenya? Ang kababata ko! Totoo ba ito?

Waaaaaaahhhh!? Magsasama muli kami. Yes!

"Butoy!!! Miss na kita!" Yumakap ako sa kanya nang mahigpit.

Naramdaman kong hinigpitan niya rin ang pagyakap sakin.

"Look at what I met here? Isang magandang reunion. Una muna ako girls, magbibihis lang." Nagsalita si kuya. Ang pogi niya pala, may pagkachinito. Maputi at makinis ang balat. At bagay sa kanya ang fire engine-red hair niya. Isa toh sigurong performer. "Bye, nice to meet you butoy." Tumawa siya.

"Ano ka ba naman kasi Carla! Sabing wag mo na akong tawaging butoy eh. Yan tuloy!" Namumula si Alenya.

"Yieeee. Basta, ikaw pa rin ang butoy ko!"

"Kadiri ka talaga." Sabay kaming nagtawanan.

???'s POV

"Nasa school na ang lahat ng contestants Master. At mayroon na akong nakitang nagkita"

"Sa first day palang? Mukhang maganda toh ah. Sinu-sino yan?" Na-excite ako.

"Si Xavier at si ..."

---

#GameOfLies

---

Musta po? Ano ang tingin niyo sa Game Of Lies? I-comment niyo na po. At vote for the story too if you want.

Kung kayo ang nasa posisyon ni Alenya, anong strategy gagawin niyo? Hmmm.

Game Of Lies (The Best Liar ... Wins.) [Haunted]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon