Find Your Soul.

72 8 3
                                    

Alenya's POV

Habang naglalakad ako papunta sa kwarto, may naramdaman akong kakaiba. Pakiramdam ko may mangyayaring masama. Kaunti palang ang tao. Tatlo lang na estudyante ang nakita ko simula kanina maliban kay Carla.

Maaga kasi ako pumasok. Ayoko kasing malate. Tsaka para good yung image ko sa mga instructor namin. English ang first class ko ngayon. Eto siguro ang magiging favorite ko na subject! Sa malamang...

Tumingin ako sa bago kong kulay pulang relo. Yung dati ko kasi, parehas kami ni Carla. Pinalitan ko ng bago hindi dahil galit ako sa kanya. Nakakasawa lang... talaga.

NAGULAT ako sa nakita ko. Yung salamin ng relo... basag.

Hinubad ko nalang yung relo.

PANIGURADO. May mangyayaring masama.

Nasa harapan na ako ng pinto namin. Ramdam kong ako yung unang dumating. Hinawakan ko ang door knob na may pagkaluma na tingnan. Dahan-dahan ko itong inikot pakaliwa.

Bukas na.

Teka!!!

Ano toh!????

SHH*******TTTTTTTTTTTT!

Law's POV

"Antagal mo namang kumilos Lea! Mauuna na ako!" Sigaw ko sa aking napakaarteng kapatid. Maliban sa pag-arte, puro paganda lang ang alam.

Buti nga may SAA pa. Kung wala siguro, mapipilitan siyang tumigil sa pag-aaral kasi walang eskwelahang tatanggap sa kanya. Hahaha. Biro lang. Mahal ko yang kapatid ko.

Ako nga pala si Law. At isa din akong Souler. Parehas kami ni Lea.

Hulaan niyo kung anong field ako magaling...

Oh sasabihin ko na?

Syempre. Ano pa ba?! Eto sa pagsusulat. Law ang pangalan ko diba. Masyadong redundant. Mahilig din ako magbasa. Yung pinakapaborito kong genre eh yung suspense. Maganda kasi, lalo na pag may patayan.

Sabi nga nila ang layo daw ng personality ko sa hilig ko. Binansagan nila akong Happiest Emo in the world. Contradicting diba? Hayaan mo na nga.

"Antayin mo ko kuya. Saglit nalang."

"Teka...Ano na bang ginagawa mo?"

Hindi ko na inantay yung sagot niya. Binuksan ko na agad yung pinto. Huling-huli!!!

"Anong oras kang babangon diyan sa kama mo? Bahala ka. Mauuna na talaga ako. Bye!"

"Excited kasing masyado!!!" Umalis na nga ako.

Nagboboard lang kami ng kapatid ko. Yung mga magulang namin nasa ibang bansa nagtatrabaho. Pinapadalhan lang kami ng pera. At ako ang humawak nun. Dati si Lea, pero di tulad ng ibang magkakapatid. Ako, na isang lalake, ang pinagkakatiwalaan. Baliktad diba?

Magastos kasi si Lea. Muntikan niya na ngang gamitin yung pera sa pagpapa-plastic surgery niya. Panget daw kasi siya. Diba kalokohan? Hahaha.

Ako naman, alam ko kung paano magtipid. Dati kasi hindi talaga kami mayaman. At hindi naranasan ni Lea ang buhay na yun. Yung tipong dadamihan mo yung kain bago pumasok sa eskwelahan para di ka na magutom at makatipid. Naaalala ko din yung habang kumakain yung ibang bata nang masasarap, ako nakatingin lang. Lahat ng yun kakalimutan ko na...

On the positive side though, 3 years old palang, nagsimula na akong mag-aral. Di kagaya ng ibang bata, mas mabilis ako matuto. English, yun ang favorite kong subject. Actually, magaling naman daw ako sa lahat, sabi nila. Pero, sa kasamaang palad, kinailangan kong huminto ng pag-aaral dahil sa kawalan ng pera.

At dahil dun, nasa iisang year kami ngayon ni Lea at natutuwa ako dun. Bakit? Dahil nababantayan ko siya... Ayokong maranasan niya ang naranasan ko noon... Walang pwedeng manakit sa mahal kong kapatid...What an irony.

Marison's POV

Paniguradong ako na ang mananalo sa laro...

Hawak-hawak ko ang papel na napulot ko habang naglalakad papunta sa aking first class.

---

Liar#3

Relax. Ending. Done. Have you gone to a show? See him there.

---

Hhmmm. Sino kaya toh? Show pala ha? Agad akong dumiretso sa bulletin board para tumingin kung may papalapit na show sa campus. Sakto...

---

Soul Talent Showcase 2014

Auditions are starting tomorrow, 5pm at the gymnasium.

Sign up now! See ya Soulers.

---

Yun. Aabangan ko toh.

Nagsimula na muli akong maglakad. Halos walang tao. I mean, wala pang tao dito... maliban sa akin.

"Sinungaling..." May narinig akong boses galing sa isang may edad na lalaki.

Agad akong nagtago sa likod ng pader. Nakakatakot yung boses niya. Ano tong nangyayari?

"A-a-ano yan? Teka. W-wag." Isang babae. Humihingi ng tulong. Tutulong ba ako? O aalis? Teka. Pamilyar sakin ang boses na ito ah. Parang kilala ko toh.

Puso: Tulungan mo Marison... Paano kung ikaw yung nasa lugar niya?

Utak: Umalis ka na habang may oras pa. Baka ikaw pa ang mapahamak. Tick.. Tock..

Aalis na sana ang mga paa ko. Nang biglang tumahimik. Wala na sila...

Dahan-dahan akong naglakad patungo sa narinig kong boses kanina. Nang ilang hakbang nalang ang layo ko sa kanila, sinubukan kong sumilip muna.

"Pssstt.." May kumalabit sa likod ko.

Lilingon na sana ako nang naalala ko ang napansin ko kanina bago mangyari ang lahat, wala pang tao dito... maliban sa akin.

Alenya's POV

---

Liar#9

The one who writes the most, lies the most. Beware...

---

Ayan ang nakasulat sa whiteboard. Sino pa ba ang ibang tinutukoy niyan? Diba ako lang naman? Takte!!!?

Buti nalang at ako palang ang tao dito.

Agad kong binura yung nakasulat sa pisara at may bigla akong naisip...

Ako pa nga lang ba ang tao dito?

Baaammmmm.

May tao sa likod ko. Lagot na.

Lagot ka, Alenya.

---

#GameOfLies

---

Hi. :) Salamat sa mga nagbabasa. Don't forget to vote and comment. Hehe.

PLEASE COMMENT. 520+ reads na!! Lol.

Feeling niyo, sino ang nasa likod nina Marison at Alenya? Hmmm.

Game Of Lies (The Best Liar ... Wins.) [Haunted]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon