Ms. Paranoid

99 6 0
                                    

Marison's POV

"Marie?" Alam kong dito na sila nag-aaral. Kaya, dito na rin ako. Pero sa totoo lang, meron akong tatlong rason kung bakit sa SAA ako pumasok.

1. Dahil sa kanila...

2. Gusto kong ma-improve ang mga talent ko.

3. Game Of Lies.

Tama kayo ng nabasa. Versatile daw ako sa lahat ng bagay, all-rounder ba. At alam kong magaling ako magsinungaling. Bestfriend ko si Marie simula pa nang dati. Kaso lang, nasira ang lahat dahil kay Carla na mapagpanggap! Oh ako talaga yung mapagpanggap? Si Carla na umaarteng mabait. Oh ako yung umaarteng  mabait? At si Carla na walang kwenta!!! Walang kwenta? Ako ba yun?

M&M, yun ang tawag sa amin ni Marie nung 1st year highschool kami. Sikat kaming dalawa dahil salit-salit lang kami sa mga Beauty Contest. Pero nagbago ang lahat ng dumating si Carla, bihira nalang sumama sakin si Marie. Narealize niya daw na drawing at pagsusulat ang hilig niya (ganun din kay Carla) at hindi ang pagiging Beauty Queen. Meron din siyang sinabi saking mga kataga.

"Ang field na yan kasi... Uhhm...Puno nang kasinungalingan."

Fake daw lahat. Fake ang mga naggagandahang ngiti at tindig ng mga kasali. Fake ang mga hosts at judges na halatang biased. Ang proseso ng contest ay peke rin daw, scripted. At higit sa lahat, fake ang palakpakan ng audience. Dahil sa likod nito ay nagbabagang inggit. Iilan lang naman kasi ang pwede sa field na ito diba? Hindi lahat, pwedeng sumali. Kahit gustuhin niyo pa...

Nagselos ako kay Carla, siya nalang parati. Pinapasama rin naman nila ako. Pero most of the time, di ko na sila maintindihan. Di ko naman hilig yun eh. Sometimes, I just fake a smile as if I'm into them.

Namimiss ko unti-unti si Marie pero parang wala talaga akong magawa.

Pakiramdam ko lagi nila akong pinag-uusapan. Lagi akong sinisiraan ni Carla kay Marie!!! Nagpapanggap lang siyang mabait. Hindi pwede toh! Hindi pwedeng hayaan ko lang siya! Ako ang biktima sa aming dalawa. Kailangan kong ipaglaban ang aking sarili. Yan ang mga nasa isip ko nun.

Isang araw...

Nakita kong papunta si Carla sa banyo. So, pumasok din ako. Nauna akong lumabas sa kanya. Ooopss. Ang alam ko pala nun eh nauna na siya sakin. Ang alam ko, wala nang tao sa CR nun. So, linock ko tung pinto sa labas. Ganun naman talaga diba? Kapag umaalis nga sa bahay na walang maiiwan, linolock ng mabuti yung pinto. Ganun lang naman yung ginawa ko. Safety ba. Di ko naman alam na nandoon si Carla.  Diba?

Pagbalik ko sa kwarto, dumiretso ako kay Marie at nagtanong...

"Nakita mo si Carla?" Tanong ko. Nasaan kaya siya? Hmmm.

"Di ko alam eh, pwede ikaw nalang sumama sakin magbanyo?"

"Okay ba. Dun na tayo mag-CR malapit sa canteen, sira ata yung nandyan sa gilid, nakalock eh."

"Okay." Tumayo si Marie.

"I miss you M."

Ngumiti lang siya. I faked a smile again.

Maraming nangyare sa araw na iyon. Nalaman namin na nakulong si Carla sa CR ng mahigit tatlong oras. Grabe diba? Sino kayang baliw ang gumawa nun? Hayyy. Unconscious siya nun kaya dinala siya sa hospital.

Kinabukasan, pinatawag ako sa office. Bakit??? Wala naman akong ginawang masama ah. Hala?

At yun na nga, ako na naman ang sinisi sa kaso ni Carla. Loko yung babaeng yun ah. Sinungaling. Linipat na ako ng section kaya hindi ko na talaga nakita si M.

Simula nun, hindi ko na rin ginulo si Carla. Teka, kelan ko ba siya ginulo?

Basta ang alam ko nun, parati siyang umiiyak. Pakitang gilas! Iyakin!

Kaya ikaw! Wag kang maniniwala dun. Sinungaling talaga yun! Dati pa...

---

#Game OfLies

---

Ooopps. Haha. Musta ang kwento? Ito siguro isa sa favorite kong character, si Marison the Paranoid. Hahaha. Yehet! XD

I dedicate this story to wolf_Kidnapper!

Game Of Lies (The Best Liar ... Wins.) [Haunted]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon