The Master's Son.

110 7 3
                                    

Sa mga nagbabasa! (Kung meron man. XD)

---

Xavier's POV

Butoy. Haha. Nakakatawang palayaw. XD

Nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa banyo. Ilang saglit lang ay nakarating na rin ako. Nakasira ang pinto. Sinubukan kong buksan ito.

Naka-lock.

Kakatok na sana ako nang may biglang nag-salita.

"Oh! Bakit ka nandito?" Isang boses ng binata.

"Sir Asbert ... Pinapasabi nang iyong papa na ...."

"Wag ka ngang maingay. Baka may makarinig."

Di nila alam na mayroon nga.

"Sorry po."

"Ano nang pinapasabi ni papa?"

"Galingan niyo daw po sa laro."

"Ha!" Tumawa siya na parang sarcastic. "Di niya man lang ako ma-kamusta, busing-busy sa pagsubaybay sa laro. Wag siyang mag-alala, mananalo ako dito nang mapansin niya naman ako."

"Siya nga pala, wag niyong ipagkakalat na anak ako ng Game Master."

Isa sa mga kalaban ko? ANAK NG GAME MASTER? Anong kadayaan ito? Hindi toh pwede.

Narinig kong may palabas, dali-dali akong tumakbo at nagkunwaring papunta palang sa banyo.

May lumabas nga.

Isang medyo matandang lalaking naka-black suit. At isang binata. Mukha siyang performer, nag-aaral rin siya siguro dito. Naka-bad boy look siya. Dirty-looking black hair. Gray shirt na may nakapatong na leather jacket at fitted na black na pantalon. Katamtaman lang ang kulay niya pero pumuti siyang tingnan dahol sa suot niya. Naka-light make-up din siya. Halos lahat naman kami eh. Required.

Asbert. Kakampi o kalaban?

Mr. Secretary's POV

Inunahan ko nang lumabas si Asbert para kung sakaling may makakita samin eh di nila mahahalata. Guro ako sa eskwelahang ito. Music department. Secretary din ako nang Game Master sa larong Game Of Lies.

Sa akin lang sinasabi nang Game Master ang mga gusto niyang iparating. Isang bagay lang ang di niya pa nailalantad sa akin. Yun ay kung para saan ang laro.

Basta ang alam ko lang ay may kinalaman ito sa isang contestant. Isang babaeng contestant.

May nakasalubong kami ni Asbert pag labas namin sa banyo.

Parang pamilyar toh sakin.

Pulang buhok.

Chinito.

Maputi.

Saan ko nga ba toh nakilala?

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Natandaan ko na!

"Sir Asbert ... Yung nakasalubong po natin ay ..."

Asbert's POV

Nagulat ako sa sinabi niya. Nakakainis!

Third Person's POV

"Welcome Freshmen!" Nagpalakpakan lahat ng estudyante. Maraming nag-introduce na speakers. Mga guro. Mga alumni. Pagkatapos, nagsimula muling magsalita ang Master of Ceremonies. "Marami pa tayong gagawin ngayong araw. Kaya tayo'y magsimula na ..."

Pero, may umakyat ns lalaking naka-black suit at may binulong sa Emcee. Ngumisi ito at nagsalita din sa wakas.

"Babaguhin natin ang sched ngayong araw. No performances. No presentations. I-ready niyo lang ang inyong mga sarili dahil mamayang gabi ...

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

maglalaro tayo ng taguan."

---

#GameOfLies

---

Kayo na bahala sa gagawin niyo. XD Just COMMENT ABOUT WHAT YOU THINK. Saka ano kaya ang sinabi ni Mr. Secretary kay Asbert? Hmmmh.

Ano rin kaya ano mangyayari sa taguan?

Game Of Lies (The Best Liar ... Wins.) [Haunted]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon