Wag niyo po sanang iwan ang Game Of Lies!!!! Please. Jebal.
©IlielBlack
---
Carla's POV
"May itatanong ako... " Biglang nagseryoso ang mukha niya.
"Ano yun?" Marahan kong sagot.
"Kasali ka rin ba.... sa amin?"
Bigla akong napatahimik sa sinabi niya...
23 minutes and 44 seconds earlier...
"Welcome Novices! Ngayong gabi ay maglalaro tayo ng taguan. Simpleng taguan. Pero may twist. Kalahati sa inyo ay kasabwat na namin."
Nagulat ang lahat. LAHAT talaga. Yung tipong di mo makikilala yung mga kasabwat.
Syempre nagulat din ako. Ang tanong, kasabwat rin ba kaya ako?
Hmmmm. Secret! Hehe.
"Exactly 40 students ang mayroon dito. 19 sa star class. At 21 naman sa special class. 20 sa inyo, kasabwat. 20 naman sa inyo ay mga kawawang inosente." Napatawa ang host na halatang sarcastic. "Simple lang ang rule, palibot sa campus, may nakatagong 10 special golden star medal, kapag mahanap niyo yun. Panalo ang mga kawawang inosente o tawagin na nating taya. Mapaparusahan naman ang mga kasabwat kapag nanalo ang taya."
Huminga muna siya...
"Lahat kayo pwede magtulungan. Pero lahat din kayo, hindi pwedeng pagkatiwalaan."
Lahat kami.... di pwedeng.... pagkatiwalaan.
"Let the games begin!"
"So, butoy. Anong gagawin natin?" Tanong ko kay Alenya.
"Hmmm. Di ko alam."
Nakita kong paparating si Xavier.
"Hi! Ano guys? Maghanap na tayo?"
"Tara!" Sagot ko.
Naglakad kami sa may bandang right side ng field. Mga walong minuto kaming naghanap pero wala. Naririnig kong may mga nakakita na ng SGSM, mga lima na siguro. Kami, wala pa.
19 minutes and 2 seconds left...
Lumipat kami ngunit wala pa rin. Nakakainis na! Napansin ko lang, parang di naman tumutulong masyado si Xavier. Wala ba siyang pakialam?
12 minutes and 58 seconds left...
"Carla, naiihi ako. CR muna tayo?" Biglang sabi ni Alenya.
Takteng yan! Ilang minuto nalang ang natitira! Gusto ko sana siyang sagutin ng Maghanap muna tayo. At kung pwede sana, tumulong ka naman!!!
Pero...
"O... oh sige." Mahina kong sabi.
Humakbang na kami palayo sa pwesto namin, iniwan namin si Xavier. At nang...
"Teka. Mamaya nalang pala."
Watda! Ano ba naman yan Alenya! Kung di lang kita bestfriend. At kung hndi mo lang ako pinagtangol kay Marison dati. Hayyy.
Bumalik kami sa paghahanap.
8 minutes and 1 second left...
"Carla... Naiihi na talaga ako."
Naiinis na talaga ako! Di niya ba toh si siniseryoso? Di ba nila toh pinag-iigihan?
"Ano ba! Hindi niyo ba naiintindihan? Less than ten minutes nalang oh, tayo nalang ata ang hindi pa nakakabalik. Tutulong ka ba Xavier? Sabihin mo kung hindi! Ikaw naman Alenya! Di mo ba kayang umihi mag-isa? Anak ng ano naman. Ayoko sanang sabihin toh pero seryoso ako sa larong ito."
Booooommm...
Nagalit na nga ako. Napatulala sila. Di nila inakalang kaya kung magsabi ng ganun. Sobra ba ang mga sinabi ko? OA ba ako?
Naputol ang pag-iisip ko nang...
"May itatanong ako... " Lumapit si Alenya. Biglang nagseryoso ang mukha niya.
Hindi ako sanay ng ganito. Masayahing tao si butoy. Bakit biglang nag-ganto?
"Ano yun?" Buti hindi ako nautal.
"Kasali ka rin ba.... sa amin?"
Ha? Ano tong sinasabi niya? Di ko maintindihan. Ang gulo. Kasali saan?
Asbert's POV
"Di pa ba tapos itong taguan na ito? Nakakaurat. Ang tagal naman. Haayy."
Carla's POV
Di ko pa rin maintindihan.
Teka...
May mga naalala ako.
Kalahati sa inyo ay kasabwat na namin...
Yung tipong di mo makikilala yung mga kasabwat...
Lahat kami.... di pwedeng.... pagkatiwalaan.
Huminga ako nang malalim. Niloko ba nila ako? Naramdaman kong unti-unting lumuluha ang aking mga mata.
Isa akong kawawang inosente. Isa akong taya.
Mapaparusahan naman ang mga kasabwat kapag nanalo ang taya...
Naintindihan ko na. Tumingin ako sa mga mata ni Alenya.
Nagsinungaling siya sakin. At sinabi niya dati na hinding-hindi siya magsisinungaling dahil masama iyon. Pero, sa mga oras na ito, nagsinungaling siya.
Tumakbo ako nang tumakbo at biglang...
Baaaaammm!
Asbert's POV
Baaaaammm!
---
#GameOfLies
---
Comment please!!!!!! And vote too. Hehe.
Happy more-than -a-hundred reads sa Game Of Lies (The Best Liar... Wins) Yehet! XD
---
Natututo nang magsinungaling si Alenya. Pero paano kaya? Di kaya may pumilit sa kanya? Hmmm. Abangan sa part 2. Hehe.
At ano kaya ang nangyare kina Carla at Asbert? Hmmm. Abangan rin. XD
Sino naman kaya si Marison? Hehe.
Hindi ko na toh itutuloy. (Panalo na siguro ako sa Game Of Lies. XD)
Next time ulit ...
BINABASA MO ANG
Game Of Lies (The Best Liar ... Wins.) [Haunted]
Teen FictionLAHAT SILA, HINDI PWEDENG PAGKATIWALAAN. --- NINE Greatest Liars. In ONE exciting game. "THE GAME of LIES." The Best Liar ..... Wins. --- The less they know, the more you succeed. --- Alenya Marie Cinco. "HINDI AKO MARUNONG MAGSINUNGALING." PERO. Ka...