The Ace

73 6 9
                                    

Sorry late update. Wala kasing ni isang sumagot nung tanong ko last update. XD Open pa rin po yun. Hehe.

---

Lea's POV

Haaaay~ Pasukan na naman. Nakakatamad. Bakit ba kasi kailangan pang mag-aral eh mag-aartista naman ako? Di naman ata required eh? Haayy talaga oh~

Pinilit kong bumangon. Umalis na ba si kuya?

"Kuya..." Walang sumagot. "KUYA!" Umalis na nga.

Pumunta nalang ako sa banyo para mag-toothbrush at maghilamos. Pagkatapos ay lumabas muna ako para kumain. Linock ko yung pinto ng apartment at sinuot ang aking kulay pink na tsinelas. Suot-suot ko yung puting printed na tshirt ni kuya (na medyo malaki.) at shorts na itim. Kung iba siguro magsusuot nito, mungtanga. Eh since na maganda ako, mukha na namang mamahalin ang mga damit na ito.

Okay. Tama na ang pagiging conceited.

On the way pababa, nadaanan ko yung bahay ng witch. Nakakatakot. Ang dilim-dilim. Pero, sino nga ba si "witch?"

Actually, di ko pa rin siya nakikita. Narinig ko lang sa iba na ang naakatira sa room 006 ay isang witch. Hindi daw yun namamansin. At sobrang nakakatakot. Napaka-judgmental naman ng mga tao. Hindi naman siguro siya ganun.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at pumasok na sa canteen ng apartment namin.

"Hi. Lea! Good Morning!"

"Lea. Dito ka na oh."

Sikat na talaga ako. Amg ganda ko kasi eh. Hehehe.

"Sige lang guys. Nagmamadali rin kasi ako eh."

Umupo ako sa pinakagilid na upuan nang mag-isa. Hawak -hawak ko yung plato ko na may sunny-side-up egg, hotdog at fried rice. Typical breakfast.

Salamat sa pagkain!!! Amen!

Isusubo ko na sana ang una kong sinandok sa plato ko nang may lalaking umupo sa harap ko.

"Hoy. Sino ka?" Nagulat ako. Hindi man lang siya nakiusap kung pwede umupo kasama ako. Mukha siyang badboy pero simple lang yung suot niya. Isang plain na white tshirt na maluwag din sa kanya at training pants. Halatang galing sa work-out o practice. Mukha tuloy kaming couple sa suot suot namin. -___-

Hindi siya sumagot at nagpatuloy lang sa pagkain.

"Hindi mo ba ako narinig?"

Di siya namansin...

"Eh kung..." Tumigil na siya.

O______O Naubos niya na agad yung pagkain? P-paano nangyare yun? Agad siyang tumayo at kinuha ang tray niya. Ipinatong niya ito sa kitchen sink at umalis.

"Loko yun ah!! Wala na tuloy akong ganang kumain."

Napansin ko na pinagtitinginan na pala ako.

"Uhhhmmm. Lea. Di mo ba yun kilala?"

At yun na nga. Kwinento nila sa akin kung sino yung lalaking yun.

"Wag niyong sabihing seryoso kayo?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nila.

Bakit ang simple niya? Bakit dito siya kumain? At bakit ko siya inaway eh pamangkin  pala siya ng presidente ng Soul Art Academy?

Nakakahiya ako...

Law's POV

Dahil sobrang lapit lang naman ang apartment namin (University Dorm) sa SAA ay nakarating din ako kaagad. Ang problema, hindi ko alam kung nasaan ang kwarto ko. At medyo malayo na ako sa guard house. Ayoko nang bumalik pa. Imposible namang wala pang tao dito noh.

Dumiretso ako sa main building nang eskwelahan at naghanap nang tao. Wala ata talaga.

Marison's POV

Lilingon ba ako?

"Kung sino ka man, wag kang magtatangkang takutin ako!!!" Bigla akong napasigaw sa sobrang takot. Tatakbo na sana ako pero may nagsalita mula sa likod ko.

"Uhhmmm. Miss. Pwedeng magtanong?" Hayy. Salamat. Lumingon na ako. "Loko ka ah! Alam mo bang kinabahan ako dahil sa'yo!?" Hinampas ko yung kanang kamay ko sa kanya.

"Ooops. Sorry po. Bakit ano bang nangyare?"

Sasabihin ko ba sa kanya? Hindi pwede...

"W-wala naman."

"Ah. Meron ata eh. Ayaw mo lang sabihin. Pero, ayos lang. Ako nga pala si Law. At magtatanong sana ako kung alam mo ba yung Room 301 (English Class)?"

"Ahhh. Oo. Malapit lang ang room ko dun. Drama class ako ngayon eh. Ihahatid nalang kita."

"Nakakahiya naman pero sige. Salamat."

Napahinga ako nang malalim... Buti nalang.

Tulong... Tulong... Hindi ata ako papakalmahin ng konsensya ko.

Carla's POV

Nasaan ako? Bakit ang dilim???

Tulong!!! Hindi ako makasigaw.

Ramdam ko ang higpit nang pagkatali sa akin. Anong ginawa ko?

"Sinungaling..." Yun ang huli kong naaalala. Pagkatapos nun, di ko na alam ang nangyari.

"Gising ka na pala." Narinig ko ang isang misteryosong boses. Wala naman akong nakikita na iba pang tao maliban sakin.

"Sino ka at bakit ako nandito?" Yun sana ang gusto kong sabihin pero di ko magawa dahil nakatali ako.

"Anong sabi mo? Sino ako? At bakit ka andito?" Paano niya nalaman ang laman ng utak ko. Psychometry, tama psychometry. Totoo pala yun? "Malalaman mo rin sa takdang panahon.."

"..Sa ngayon, matulog ka muna."

Naramdaman kong may tumusok sa likuran ko at dumaloy sa aking mga ugat. Ilang saglit lang ay...

"Sweet dreams. The Ace"

???'s POV

---

Liar#2

Unpredictable, undeniable. Never sing a duet with her... ever...

---

Buti ako nakakuha ng info ko. Buti nalang. Bwahahaha!!

Naisahan ko na naman ang mga sinungaling.

---

#GameOfLies

---

Updated na guys. Salamat sa mga bago kong mga readers. Hehe. I dedicate this to you all. Hehe.

Na-iintrigue rin ba kayo? XD

Nasaan na si Xavier? Hmmmm. Lol.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 16, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Game Of Lies (The Best Liar ... Wins.) [Haunted]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon