Chapter 2

1.1K 46 26
                                    

Baekhyun's PoV

"Aray naman! Nasasaktan ako!" Hinawi ko ang kamay ng babaeng aksidenteng natusok ako ng pardible.

Kung hindi dahil kay Chanyeol siguro ay nasa bahay ako ngayon o di kaya'y nasa mall at naglilibang mg sarili. Bakit kasi kailangan pa ng fitting para sa kasal!?

"Pasensya na po." Inirapan ko ito bago iniwan para lumapit sa aking daddy. Isa pa itong matandang ito, palibhasa madaling utuin kaya naloloko.

"Dad, Ayokong magpakasal." Tumawa lang ito sa aking ekspresyon.

"Merging of companies with the Parks will save us, Baekhyun? Gusto mo bang mawala na lang ng ganoon ang pinaghirapan natin?"

"Dad! May ebidensya tayo, pwedeng magsampa ng kaso! Pwede tayo makipag areglo at gamitin yung pera!" I reasoned out, sisirain nito ang mga plano ko sa buhay! I want to remain single until the end of my life!

"Iyang mga lalaki na iyan? Problema lang ang dala niyan!"

"Lalaki ka rin naman anak." Pinamulahan ako sa inis at kahihiyan. "Sige! Tumawa lang kayo!" Dinuro ko isa isa ang mga tao sa loob ng kwarto na, kasama ni daddy sa pagtawa.

"B-But I'm gay!"

"And Park Chanyeol is gay too, son. Hindi ka noon magugustuhan kung purong lalaki siya. Kaya bumalik ka na doon at nang matapos na tayo rito. " I rolled my eyes and stomped my feet in annoyance.

"Pupunta tayo sa bahay ng mga Park pagkatapos."

Sa inis ay ibinalibag ko ang pinto upang maisara.

Mabilis ang lakad ko patungo ng exit nang biglang may humarang sa aking daraan. Humampas ang pisngi ko sa kaniyang dibdib. My nose inhaled the scent of his expensive perfume, Nakakaadik.

Hindi ko namalayan na tumagal pala kami sa ganoong posisyon. "Enjoying down there, huh?" Tunog pa lamang ng boses ay kinilabutan na ako.

"P-Park!" Madali akong nagiwas ng tingin. Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo sa aking ulo.

May ilang paparazzi na nagbaling ng tingin sa amin mula sa entrance ng glass door, siguro ay nabalitaan nila ito matapos mag-update ng aking daddy sa kaniyang social media.

Believe it or not, my dad have thousands of followers at talaga namang nagtetrend ang ilang ootd posts niya. Dinaig pa nga ako.

"Andoon sila!" sigaw ng isa. Mabilis na nagtakbuhan ang mga ito bitbit ang ilang mga camera.

"Tara na, umalis tayo." Hindi ko pa man nadadigest ang pangyayari ay nahila na niya ako.

"S-Saan tayo pupunta?" I asked nervously but also like the feeling of excitement creeping to my body.

Pakiramdam ko ay teen ager ako na tumatakas kasama ang aking boyfriend.

I mentally slapped my face with the thought running through my head.

Tinignan ko ang mga nagkakagulong paparazzi at reporters sa likod, nasilaw ako sa flash ng camera. Paglingon ko ay nakita kong tumatawa si Chanyeol habang tumatakbo.

Pagdating sa parking lot ay pumasok kami sa kaniyang kotse ng tumatawa. Inantay namin na makaalis ang mga ito bago niya pinaandar ang kotse.

Humupa na ang aming tawanan but the grin on our face is still there.

I've seen Park Chanyeol in magazines with different girls and sometimes boys every time.

Kumalat ang pait sa akin nang maisip na maaaring hindi  lang  ako ang inaya niya ng ganito. Hindi lang ako ang nakipag hawak ng kamay sa kaniya at siguro hindi lamang ako ang nakasakay dito sa maganda niyang kotse.

The Power Couple (ChanBaek)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon