Chapter 12

751 33 17
                                    

Sa mga nagtatanong thru pm at nagsasabi na walang divorce sa Pilipinas. Please remember that this is just a fan fiction and everything in this story is just created by the imagination of the author.

Thank you! :)

------

Baekhyun's PoV

"Eat your breakfast may aasikasuhin lang ako." Basa ko sa note na iniwan ni Chanyeol sa table kasama ang isang sandwich at orange juice.

Sinilip ko sa bintana, maganda siguro kung maglibot ako ng konti dahil mabuburyo lang ako dito kung hindi ako lalabas.

Naligo ako at nagbihis ng isang white shirt at black cycling shorts. Kinuha ko ang isa kong sling bag at salamin.

"Ugh, damo na naman." Iniwanan ko na lang ang sandwich at juice doon. Hahanap na lang ako ng ibang mas matinong pagkain mamaya.

Paglabas ko ay sinalubong ako ng kakaibang simoy ng hangin. Nakakarefresh ang lugar na ito. Kaya siguro bumabalik balik si Chanyeol at naisipan pa na magtayo ng resort dito.

Tinungo ko ang rock formation at kumuha ng ilang litrato doon.

I took a picture of my feet burried in the sand.

"Hi there hot stuff!" A tall blonde male slowly approached me. Noong una ay inakala kong hindi ako ang tinutukoy niya pero nakumpirma ko iyon matapos niya akong lapitan at hawakan sa balita.

"Get your hands of me." Hinawi ko iyon at tumayo paalis pero hindi tumigil ang lalaki. Sinundan niya ako at nang nakakuha ng pagkakataon ay hinawakan ang likuran ko.

Nakaramdam ako ng takot at kaba pero kung magpapanic ako ngayon ay baka lalong lumala ang sitwasyon.

"Woah." Bulong niya sa tainga ko hindi parin inaalis ang kamay roon. "Kung gusto mo pwede tayong pumunta sa lugar na tayong dalawa lang.." Hindi ko na napigil ang sarili at sinampal siya sa pisngi.

"Anong nangyayari dito?" Chanyeol's angry voice filled my ears, I felt safe.

Habang abala siya sa pakikipag diskusyon sa lalaki ay napansin ko ang pagbabago sa kulay ng kaniyang buhok. He look hot with his red hair.

Pinagdikit ko ang hita ko nang makaramdam ng kakaiba roon. Pakiramdam ko ay pulang pula ang pisngi ko sa pagkapahiya sa sarili.

Hindi na kayo mag asawa, Baekhyun! Hindi na!

"So, you must be Baekhyun?" Lumapit ang babaeng naglalakad sa likuran ni Chanyeol kanina. She seems familiar to me. May hawak siyang sigarilyo sa kaliwang kamay, pinitik niya ang daliri para mabitiwan iyon.

"Sorry.. I'm Sandara, pinsan ako ng unggoy na iyon." Nanlaki ang mga mata ko at agad na inabot ang kamay upang makipag hand shake.

Pinanood namin ang lalaki at si Chanyeol na nangtuturuan at nag aaway. Chanyeol is fuming mad ramdam ko na kanina niya pa gustong sapakin ang lalaking lango sa alak, kung anu ano ang pinagsasasabi nito.

"Chanyeol, ano ba!? Sana inireport mo na lang! O kaya i-black list mo! Ikaw naman ang may ari nito." Pinigilan na ni Sandara ang pinsan dahil lumalala na ang sitwasyon. Ang mukha ng banyagang lalaki ay namamaga at dumudugo din ang ilong nito.

Hindi ako makapag salita hanggang ngayon dahil sa gulat, and in addition to that Park Chanyeol's appeal to my eyes right now is over flowing.

My legs feel wobbly ngayong nakatitig siya sa akin, scanning if I was hurt any where.

"May masakit ba sa iyo?" Hinawakan niya ako sa balikat.

"W-Wala.. I-It's just that... He t-touched my...my.." Hindi ko matuloy ang sasabihin. Ngayon pa lang rumerehistro sa akin ang lahat. I could've been raped!

"Alin? Alin ang hinawakan niya sa iyo?" Sandara is just standing there, amused of Chanyeol's reaction.

"M-My butt." Napayuko ako sa hiya. Natawa ang pinsan ni Chanyeol doon.

"Walang nakakatawa, Sandara."

"Fine! Fine! Chanyeol, your husband is good looking! Dapat inexpect mo na ito! Nangyari na ba ito dati? Kaya ganyan ka mag-react?" Patuloy parin ang pagtawa ng babae kahit wala namang dapat pagtawanan.

Lalong nagiging awkward ang sitwasyon dahil sa kaniya.

"Baekhyun, bakit ba hindi ka matuto!? Diba nangyari na ito sa'yo noon!? Sinabi ko na mag-stay ka sa kuwarto!"

"If you knew that this would happen bakit mo pa ako iniwa-- Teka, anong sinasabi mo na nangyari na ito dati?" His brows furrowed and looked away. Tumikhim siya at hinawakan ako sa siko.

"Bumalit na tayo sa kuwarto natin. Kumain na lang tayo." Hinila ko pabalik ang siko ko mula sa kaniya.

"Ulitin mo yung sinabi mo. Do you remember everything now, Chanyeol?"

"Hindi, those are just fragments from my lost memories." Tumitig siya sakin. Hindi ko mabasa ang mga mata niya, blangko ang ekspresyon na ibinibigay niya sa akin. Ganoon pa man ay napaka gwapo niya parin sa paningin ko.

Stop! This is not the right time to think about that! Park Chanyeol is fooling you, Baekhyun! Tinatanga ka na! Remember the song that he is singing in the car! Siya din ang naka isip na pumunta rito ngayon dahil sa death anniversary ni Daddy!

He is just using me! Kunyari ay wala siyang naaalala just so he can exercise his power at gawin ka na sunud- sunuran niya! He must be so angry to you dahil hindi na sila nakakapag kita ni Nana ngayon!

Maybe, he changed his mind!

"Liar!" Kung naaalala niya na nga ang lahat ibig sabihin maghihiwalay na kami.

Hinanda ko na ang sarili ko para dito hindi ba? Then, why do I still feel like this? Bakit masakit?

Pinahid ko ang isang luha sa aking pisngi. "Tell me the truth, Chanyeol."

"Your facade is all blown up now. Umamin ka na lang." Sandara tapped Chanyeol's shoulder before leaving us.

"Baek, baby.. Please.. Pag usapan natin ito sa kuwarto natin. Huwag mo muna akong iwan. I can explain."

Umiling ako at pinahid pa ang ilang luha.

Now that he is the CEO of both BYUN and PARK companies, I have nothing left in me but pride.

Siguro ay bahagi din ito ng plano niya.

The Power Couple (ChanBaek)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon