EPILOGUE

1.2K 39 31
                                    

Thank you for making it this far! This is the end. It will be written in Baekhyun's PoV.

-dyoderou

----


Baekhyun's PoV

"Lu, kamusta kayo ni Sehun? Ayos na ba kayo?" Nakalipas na ang dalawang linggo mula nang kami ay umuwi ni Chanyeol ng Pilipinas.

Kinagabihan non ay dumating muli ang jet upang sunduin si Chanyeol para sa kaniyang business trip.

"Oo, Nagkamali lang ako. Binili niya pala iyong lingerie para sa akin." Yumuko si Luhan at namula ang pisngi sa hiya.

Natawa na lang ako.

"Samahan mo nga pala ako mamaya sa doctor ko." Humawak ako sa aking tiyan at humigop sa aking kape.

"Bakit?" Bumalatay ang pangamba sa kaniyang mukha.

Kakaiba kasi ang pakiramdam ko. Mabigat at palagi kong napag iinitan si Chanyeol sa tuwing nag-skype at text kaming dalawa.

"OMG! Seryoso ba iyan!? Sinabi mo na ba kay Chanyeol?"

"Hinala ko pa lang naman! Kung sakaling totoo, edi sa pag uwi na niya.."

Tinapos namin ang aming meryenda bago tumungo sa doctor. Umalis kami doon ng may malaking ngiti sa labi.

"So, ano? Ganon gumawa kayo sa ano?" Tumawa si Luhan habang hawak hawak ang PT results at mga papel na ibinigay ng doctor.

"Grabe, iba kayo. Gawa sa ibang bansa ang bata ha. In fairness." Inirapan ko siya sa inis.

"Magiging kuya na si Jesper." Napatingin ako sa tiyan ko. Mukhang hindi ko na maiintay si Chanyeol dahil gusto ko na ibalita ito sa kaniya..

"Nga pala, Baek." Sinipa sipa ni Luhan ang mga bato sa dinaraanan namin.

"Ano?"

"Si Nana nga pala? May balita ka ba sa kaniya?" Kumunot ang noo ko. Why open up that topic ngayong masaya na ako?

Pero naisip ko din, ano na kaya ang balita sa babaeng iyon? Buhay pa kaya?

Ang huli niyang sabi ay may taning na ang buhay niya kaya hindi na siya magtatagal e. Hindi naman sa hinihiling ko na mamatay na siya pero sana tahimik na ang buhay niya kung nasaan man siya.

"Wala na. Bakit?" Nagkibit siya ng balikat.

"Natanong ko lang." Maya maya pa ay nagpaalam na siya dahil hinahanap na siya ni Sehun.

Kumakain ako nang bigla akong nakatanggap ng text mula kay Chanyeol.

Binuksan ko ang aking laptop at agad na sinabi kay Chanyeol ang magandang balita.

"That's a great news, baby." Wala siyang suot na damit pang itaas. Naka dapa siya sa kama at tila kagigising lang.

I am so happy for the both of us. Nagsisimula pa lang kami sa pagbuo ng pamilya namin at eto agad.

Nag usap pa kami saglit, aniya'y wala daw siyang gaanong trabaho ngayon.

"Kailan ka nga ulit uuwi, Chan?" His face became blank. Hinilamos niya ang palad sa mukha. Napakagat ako sa aking labi.

My tummy hurt a little at parang may kung ano sa aking dibdib.

"Babe? Hindi ka pa ba babangon?" A girl entered a room. Nang titigan ko ay si Nana iyon.

She survived?! She's alive?! How come? Ang sabi niya ay may taning na ang buhay niya!

There was an arrogant look on her face.

"Oh? You're talking to your soon-to-be ex husband?" Yumakap pa si Nana kay Chanyeol."Chanyeol have finally come to his senses! Iiwan ka na din niya sa wakas! At pananagutan niya ako. Buntis ako, Baekhyun! At si Chanyeol ang ama!"

"Get out!" Sinigawan siya ni Chanyeol at marahan na itulak palayo.

Her baby bump is very obvious at tingin ko ay halos manganganak na nga ito.

"Wait! Chanyeol! Hindi pa ako tapos!" Inalis niya ang hawak ni Chanyeol sa siko niya bago muling tumutok sa screen. "This is our plan! Matagal na kayong divorced! The papers that wasn't signed?! I'm happy to tell you that they are fake! Kinasal kami!"

"Baekhyun, I can explain! Uuwi ako agad bukas!" Hindi ko na inintay pa ang mga sasabihin niya.

Nana said everything and that's all I need. He is a liar.

Tinanggal ko sa saksakan ang wifi at sinara ang laptop.

Nanlalata ako. You're such a fool, Baekhyun! You should've trusted your instincts! Hindi ka na natuto!

I packed my things with a heavy heart. Tumulo ang luha ko habang minamasdan sa huling pagkakataon ang bahay na ito.

I called for a taxi. Dumaan kami sa isang bangko. I withdrew all my remaining balance in my account. I threw my phone away.

Again, there was a slight pain on my tummy. Hinimas ko iyon at pilit na kinalma ang sarili mula sa walang humpay na pag iyak.

Ilang sandali akong namalagi sa gilid ng simbahan. Nagkaupo ako doon at nagpapahinga.

Sigurado na ako ngayon. Hinding hindi na ako magpapakita kay Chanyeol. Dito ko na tutuldukan ang lahat ng kalokohan na pinagsamahan naming dalawa.

After all si Nana parin pala. Pagkatapos ng lahat ng habulan at away.

Sa tinagal tagal ng panahon, dapat alam ko na kung kailan siya nagsasabi ng totoo. I'm such an idiot to feel loved when he takes care of me.

May pa-iyak iyak pa siya noon sa bar. Sana hindi na niya ako sinundo! Sana

"Baby, I'm sorry. Hindi kita mabibigyan ng buong pamilya. But everything that I'm doing right now is for you."

Nilakad ko ang kahabaan ng high way at huminto sa tapat ng isang gate.

This is the last house that is not transferred to Chanyeol's name when we are married.

This will be our new home, baby.

------

Thank you for reading!

-dyoderou

The Power Couple (ChanBaek)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon