Chapter 11

746 32 7
                                    

Baekhyun's PoV

2 months have past and Chanyeol has been discharged from the hospital.

I still can't move on Jesper's death there are times na naalala ko siya. But when I think of the thought that he is now an angel watching me, it somehow lessen the pain.

"Baekhyun, May lalaki sa labas. Hinahanap ka." Chanyeol popped out of nowhere making me stop from what Im doing. Humilig siya sa mga pintuan at pinagkrus ang kaniyang braso sa dibdib.

His huge frame almost block the way out. Nitong nakakaraan ay napapadalas siya sa gym at pag out of town. Ang sabi niya ay pinaplano niyang magtayo ng resort sa isang beach sa Ilocos. Malay ko ba kung may babae siyang pinupunta puntahan doon.

"Ah, okay. Kilala ko siya." We had an agreement about our situation. Kapag may naaalala na siya ay isasa-publiko na namin ang aming paghihiwalay and we'll part ways.

Im just here to guide him about things.

"He's not the one for you." Napairap ako sa hangin sa kaniyang sinabi.

I've been frequently going out on dates sa mga nagiging business partner namin. Wala namang kaso sa akin iyon dahil wala din naman akong plano na seryosohin ang kahit sino doon.

"Sige nga, Baekhyun. Una ay iyong Kris. Then, Daehyun. Sino naman ito ngayon?" Pumasok ang hangin mula sa balkonahe ng kwarto, ginulo non ang kaniyang buhok.

Gamit ang isang kamay ay hinawi niya iyon. Ang hot niya ngayon with his tanned skin.

"Ano bang pakielam mo ha? Not because we're still having sex ay may masasabi ka na rito. You're just an ex husband." Oh yes, kagabi lang ay umuwi siya ditong lasing na lasing.

Nagkaroon pa nga ako ng dalawang pasa sa braso dahil sa kagaguhan niya nang maihampas niya ko sa pinto.

Ayos lang naman sa akin, ginusto ko rin naman iyon.

At eto na naman siya. Kumunot ang noo at dumilim ang mga mata I saw his jaw moved a few times, tila nainis sa mga sinabi ko.

Dapat lang iyan sa kaniya, dapat alam niya kung saan siya lulugar.

He smirked bago lumayo sa pinto. Iniangat niya ang ilang susi mula sa bulsa.

Matagal pa bago ko nakuha kung ano ang ipinapahiwatig niya. It is too late for me to protest. Narinig ko ang pagclick ng pinto mula sa labas.

"Ano ba ang trip mo Chanyeol?! Let me out!"

"Hindi ka lalabas kasama ang lalaki mo ngayon. We are going somewhere else." Dinig ko ang ilang tapak niya palayo. Kaya nangamba ako.

"S-Saan mo ko dadalhin!?" Kinalampag at sinipa ko ang pinto kahit alam ko naman na walang sinabi ang lakas ko dito.

Akala ko ay umalis na siya dahil saglit na tumahimik siya.

"Today is your father's death anniversary."

Nabaling ang tingin ko sa kalendaryo sa tabi ng bintana. May pulang marka iyon ng ekis.

"Buksan mo na itong pinto. Hindi na ako aalis."

I heard the door clicked twice bago hinila ni Chanyeol ang pinto revealing himself in black pants white shirt and combat boots.

Since when did he have the time to fix himself?

"Asan si Minseok?" Nagmamadali akong bumaba only to see nothing sa harap ng aming bahay.

"Pinaalis ko na." Nangiwi ako roon.
Nanginig ang tuhod ko nang lumapit siya sa akin. My cheeks heated when I felt his breath touched my forehead.

"S-So, anong plano mo?"

"Im taking you to Ilocos. Ipapakita ko sayo ang mga pinagkaka abalahan ko doon. Sinisimulan pa lang ang resort pero mayroon kaming rest house sa malapit. We can stay there overnight." Ibinaba ng maids ang mga bagahe at winagayway sa akin ni Chanyeol ang susi ng kotse.

"Tara na.."

The entire drive was boring. Pinasok ko ang earphones sa aking tenga at nakinig ng ilang tugtugin pero hindi iyon nagtagal dahil hinila ni Chanyeol ang mga iyon sa akin.

"What!?" Ibinalik ko ang isa sa aking tenga bago siya tinitigan ng masama.

"Marunong ka bang lumangoy? Let's try diving when we get there."

"Kahit ano. Hindi ako interesado. Diba death anniversary ni Daddy? Bakit sa Ilocos tayo pupunta? Hindi ba dapat sa sementeryo?"

"Well.. I want to show you something. Pero pwede naman tayo bumalik para dumaan saglit. Gusto mo ba?" Tatlong beses siyang nagbalik ng tingin nang hindi ko siya pansinin.

"Huwag na. Pagbalik na lang."

"May sandwich sa likod kung gusto mo pwede tayong huminto para kumain."

"Shut the fuck up and let me listen to my music! Gusto na kitang sakalin! Ang ingay mo Park Chanyeol!" I was being hysterical at eto siya, tumatawa lang sa reaksyon mo?

"Okay, okay, makinig ka na. Tatahimik na ko."

Tinalikuran ko siya at gumawa ng sariling pagkakaabalahan. I opened my social media to browse.

Natulog ako nang magsawa sa pag- scroll.

Saglit lang ang naging pag idlip ko dahil narinig ko ang boses ni Chanyeol.

It was so low and husky. It seems like he's putting all of his heart to the song. Ramdam ko ang lungkot niyon.

"Cause all of me, loves all of you." I felt tingling sensations sa tuwing kumukulot ang kaniyang boses.

"All your curves and all your edges."

Wait..

Hindi ba recent song lang ito? Well, hindi naman sobrang bago but I know this song is a part of the memories that he lost.

Does this mean!?

"Gising ka na pala."

"C-Chanyeol.. That song.." His face turned dark at dahan dahan siyang nag iwas ng tingin. Hinawi niya ang buhok at dinilaan ang labi.

"What about that song, huh?"

"Are you remembering things already?" I asked.

"No, Pumasok lang iyon sa isip ko. Huwag kang umasa." Bumagsak ang balikat ko dahil doon.

Ganoon pa man ibig sabihin lang nito ay unti unti na siyang nakakaalala. This is good.

Ibig sabihin nalalapit na ang paghihwalay namin. Malapit na kong makawala.

Nagkibit ako ng balikat.

---

10 comments for the next chap..

-dyoderou

The Power Couple (ChanBaek)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon