Hindi palang ako ipinapanganak
Ikaw na'y itinakdang maging kabiyak
Kabiyak ng sakit at puot
Kabiyak ng saya at lungkotPero bakit parang si Destiny ay naging kontrabida
Nang makita kitang may kasamang iba
At unti-unting umagos ang mga luha sa aking pisngi
At ni walang isang salita ang lumabas sa aking labiMahal, akala ko ba'y ako'y sayo at ika'y akin lamang
Na hinding-hindi mo ako iiwan
Na handa mong kalabanin kahit si Kamatayan
Pero ang lahat lang pala'y nauwi sa kasinungalinganOo, tayong dalawa ay itinakdang magkita
Itinakdang mahalin ang isa't-isa
Subalit, bakit parang ang salitang MAHAL KITA
Ay naging MAHAL, HANGGANG SA MULING PAGKIKITA!
BINABASA MO ANG
Poems
PoetryIba't ibang tula tungkol sa Pamilya, Pagkakaibigan, Panlipunan at Pagmamahalan. Subukang basahin Pero wag mong kokopyahin At aangkinin! Love yuh!!!!!!