MENSAHE NG PAKBET (Unspoken word)

674 11 2
                                    

Worth it po ito basahin
I performed this piece during
the culmination of the NUTRITION MONTH in our school
Para sa mga ayaw kumain ng gulay ^_^

Isinulat ko ang tulang ito para marinig mo ang sinasabi ng puso ko
Isinulat ko ang storyang to para malaman mo kung gaano kasakit ang balewalain at kung paanong di ka kayang unawain ng taong pinili mong mahalin

"Ayoko sayo"
"Hindi kita gusto"
"Hindi ikaw ang hinahanap ko"
Yan yung mga katagang binibitawan mo kapag ako na ang kaharap mo
Bakit mo ba ako pinapalayo?
Bakit mo ba ako itinutulak papunta sa lugar na hindi ko alam kung saan patungo?
Wala naman akong gusto kundi ang mapabuti ka
Mapabuti at mas mabuhay pa ng mahaba

May parte ba sa katawan ko na hindi mo gusto?
Mabuti pa yang syota mo
Minamahal kahit itinutulak ka na palayo
Nagmumukha ka ng tanga
Baka kailangan mo ng kumain ng ampalaya
Para bumitter ka naman konti
Para tumigil ka muna sa pagmamahal kahit sandali

Sandali
Baka kailangan mo ring kumain ng kalabasa
Para mas makita ng iyong mga mata
Kung gaano ka nagpapakahibang sa kanya
Para mas luminaw ang iyong pananaw
Na in this world full of MAKAHIGUGMA didto jd ka sa LAMI nga himoon ra kag ika duha
Ngano udong ka?

Alam kong nasasaktan ka na subalit hindi mo lang ipinapahalata dahil ayaw mong sa kanya mismo manggaling na tama na, na Ayoko na, na tama na,
Sos! Kung magbuwag man galing mo
Ay'g kabalaka NIDO man gani nagbalik kamo pa kaha
Kung nasasaktan ka man
kumain ka ng sitaw
Sitaw na ang sabi nagpapabuti sa daloy ng dugo
Hayaan mong punuin ko ulit ng pagmamahal iyang puso mo

Kapag sumobra na sa pagmamahal o di kaya'y sumobra na sa taba
Ipapakain ko sayo ang talong na pampabata
Hindi ko alam kung ito'y totoo o haka-haka
Pero ayon sa google ito raw ay nakakabawas ng taba
Pero bakit ganon paborito ko naman ang talong
Wala namang nangyayari
Mas lalo pa yata akong humehealthy

Mayroon din akong okra
Gusto mong kumain?
Sige pagbibigyan kita
Ang talong at okra ay parehas sa antas ng halaga
Mabuti pa yong gulay may halaga,
Eh ikaw kaya?
May halaga ka rin ba sa kanya?

Hindi man ako ang hinahanap hanap mo
Hindi man ako ang hangad ng panlasa mo
Hindi man ako ang ulam na nais mong kainin
O di mo man ako kayang mahalin
Hindi mo man kayang sabihin sa akin na "pak na pak ka kasi bet na bet kita"

Okay lang2x! Buhay mo naman yan
Hindi ko ipipilit ang sarili ko sayo
Hindi ko ipagpipilitan ang pakbet na katulad ko sa isang taong walang pake alam kahit mawala pa sya sa mundo
Di mo man ako kayang mahalin
Di mo man ako kayang hanaphanapin
Sige okay lang!
Subalit ipapaalala ko lang sayo
That Life is short but humba with lots of taba makes it shorter
Ipapaalala sayo na
Umiwas sa pagkain ng matatamis
Para iwas diabetes
Sleep, Eat, Exercise
Repeat it again
And start were it all begins

Aminin mo ma't sa hindi
"YOU NEED ME MORE THAN I NEED YOU"
Hindi lang ako isang ordinaryong pakbet na kailangan ng katawan mo
Sapagkat ako'y isang pakbet na hinubog ng iyong ina
Kay imong mama, imong mama
Imong mama ang naglisod ug slice sa ampalaya ug kalabasa
Imong mama giluto ko tungod sa dakong gugma niya para kanimo
Mao ng
Kung tatanggihan mo man ako
It's like saying "I CAN'T"when your mom says "I LOVE YOU"

PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon