Nakaraang ating kinalimutan
Dapat pa bang balikan
Panahon ay lumipas
Kultura'y kumupas
Pati magula'y nililigawan
Makamit lang ang kinabukasan
Pagsisibak, panghaharana
Makamit lang ang kamay ng dalaga
Sulat ay kay tagal
Sa babaeng minamahal
Mga pusong malulungkot
Sa facebook humuhugot
Bakas ng kahapon
Kinalimutan ngayon
Tila hindi pinapahalagahan
Ang kulturang kinagisnan
Kalabaw ang sasakyan
Papuntang kahit saan
Montero ang gamit
Kahit nasa malapit
Pagsasaka ng palay
Pangangaso't pangingisda
Ang kanilang pamumuhay
Para mabuhay
Lahat ay nagbabago
Sa bawat ikot ng mundo
Pero wag mong kakalimutan
Ang kulturang pinagmulan
BINABASA MO ANG
Poems
PoetryIba't ibang tula tungkol sa Pamilya, Pagkakaibigan, Panlipunan at Pagmamahalan. Subukang basahin Pero wag mong kokopyahin At aangkinin! Love yuh!!!!!!
