Mga kaibigan, ako'y nandito sa inyong harapan
At tila ba kinakabahan na baka ako'y inyong pagtawanan
Kaya't sana'y pakinggan nyo ang tulang isinulat ko
Dahil ito, ang kauna-unahang haharap ako sa maraming tao
At ng pagtungtong ko sa entabladoKaya't gusto kong balikan nyo ang panahon ng ating mga ninuno
Mga ninunog ipinaglaban ang wikang Filipino
Mga ninunong handang magsakripsyo para sa maraming taoPero bakit?! Bakit? Tila mas magaling pa kayong magsalita ng lenggwahe ng ibang bansa
Maraming mga banyagang salita ang naririnig ko
Kagaya ng Anneyeongsayo Kamsahamnida at marami pang ibaKaya't ako'y biglang napaisip at nagtaka
Kung bakit tila nilamon na tayo ng Kdrama
Bakit nga ba kayo puro Lee Min ho? Sa tingin ko hindi nyo nga man lang kilala si Rizal at ApolinarioHindi naman masama kung paborito niyong pakinggan ay ang BTS AT EXO
Dahil mga kaibigan ang gusto ko lamang ay magbasa kayo ng diksyonaryo at palawakin ang kaalaman sa wikang FilipinoMaari kayong sumulat ng mga akda
Mga akdang nagpapakita ng ttadisyon at kultura ng isang Pilipno
Isang Pilipinong handang ipagmalaki ang wika sa mga banyagaMaraming paraan, paraan kung papano maipapakita ang pagmamahal sa wikang ipinaglaban
Kaya't mga kabataan ikaw, ako, tayo
Tayong lahat ay may magagawa para mapaunlad ang sariling wika.
BINABASA MO ANG
Poems
PoetryIba't ibang tula tungkol sa Pamilya, Pagkakaibigan, Panlipunan at Pagmamahalan. Subukang basahin Pero wag mong kokopyahin At aangkinin! Love yuh!!!!!!