Dear: Sambayanan,
Kilala niyo pa ba ko?
Nakikita niyo pa ba yung halaga ko sa buhay nyo?
Madalas hindi nyo ko napapansin,
Kasi hindi ako ang subject sa sentence nyo,
Hindi rin ako yung predicate,
Kasi ako yung object
Ako yung ginagamit subalit hindi naaappreciate.
Hindi ako yung bida,
Yung bidang madalas hangaan ng madla,
Yung bidang kagaya nina Cassie at Romina,
Kasi ako yung extra, ako yung nakasupporta
Pero ako yung hindi makita kita
Para akong si Bea,
Ako yung na una,
Pero kahit anong ganda
Napalitan pa rin ni Julia
Sa bawat buwan ng Agosto,
Ang wikang Filipino ang laging nakasentro,
Madalas kung marinig ang mga katagang
Wikang Filipino: Mahalin, Pagyamanin, Tangkilikin ang sariling atin
Pang slogan starter pack kumbaga
Kasi nga ang wikang Pambansa ay para syang buwan,
Na kahit anong rami naming mga bituin
Sya pa rin ang nakakaagaw ng pansin
Kasi sya yung bida at ako ang extra
Subalit lagi niyong tatandaan na kung wala ako ay wala rin ang wikang Filipino.
Hindi ko ipagpipilitan na akoy inyong pag-aralan
Hindi ako tutol sa pagiging bida ng wikang Pambansa
Dahil ng dahil sa kanya tayoy nagkakaisa
Kaya okay lng, okay lng na ako ang maging Extra
Kung sya naman yung bida
Subalit akoy may isang kahilingan.
Na kapag nakakita kayo ng Blaan, Aeta at kung ano pa man
Paki usap ko sa inyo, respetuhin niyo sila
Respetuhin niyo sila dahil pare pareho kayong Pilipino
Pilipinong nakatira sa Pilipinas na may wikang pambansang Filipino
Respetuhin niyo sila dahil kaya nilang mahalin ang DAKILANG EXTRANG kagaya ko
Nagmamahal,
Wikang Katutubo
(BUWAN NG WIKA 2019)
BINABASA MO ANG
Poems
PuisiIba't ibang tula tungkol sa Pamilya, Pagkakaibigan, Panlipunan at Pagmamahalan. Subukang basahin Pero wag mong kokopyahin At aangkinin! Love yuh!!!!!!
