*Sharlow Dowsh*⬆⬆
Clarisse POV
Nandito na kami ngayon sa office ni HM
"Ohh mga bata handa na ba kayo?" tanong saamin ni HM kaya tumango kami
Gumawa na ng portal si Lily kaya pumasok na kami
Paglabas namin ay nasa mortal world na kami
"Wahh!! di sinabi ni HM kong saan tayo titira" maktol ni Airo
"Clarisse....diba galing ka dito sa mortal world?" tanong saakin ni Daniel kaya tumango ako
"So may bahay kayo dito diba?" tanong ni Sharlow kaya tumango ulit ako
"Don nalang kaya tayo" sabi ni Rosy
"Ok" sabi ko at sinimulan nang maglakad kaya sumunod sila
Malapit lang naman dito ang bahay namin kaya agad kaming nakarating
"Wow ang laki naman ng bahay niyo Clarisse" namamanghang sabi nilang lahat except siyempre sa dalawa
Pumasok na kaming at hindi nawala ang pagkamangha nila sa bahay namin
"Clarisse may pagkain ba kayo dito nagugutom na ako eh" tanong saakin ni Ethan kaya tinuro ko sakanya yung ref at agad naman siyang tumakbo doon kasama si Airo at Tyron
Kahit naman wala ako dito ay meron naman sigurong linalagay si tita Eliz na kapatid ni mama ng mga pagkain ang ref dahil dito siya minsan tumitira at siguro nagtaka siya dahil wala ako dito at kaya rin siguro malinis na ang bahay na iniwan kong magulo noon ay siya ang nagligpit at sigurado akong nakita rin niya ang mga bangkay nina mama at siguradong tadtad na naman ng tanong mamayang pagdating niya
Umakyat ako sa kwarto ko at maayos na ito at wala narin yung Magical Door
Hayss
I miss my mom
Kahit na hindi niya ako tunay na anak ay minahal niya ako at tinuring na sarili niyang anak at hindi ko namalayan naka tulog na pala ako
Pagkagising ko ay agad na akong dumeretso sa banyi at naligo
Pagkatapos kong mag palit ng damit ay bumaba na ako at nadatnan ko silang may kausap at si tita Eliz lang pala
"Wahh!! My pamangkss!!" sigaw niya nung nakita niya ako at tumakbo palapit saakin at yinakap ako
"Huhuhu pamangkss kumusta ka na buti at hindi ka namatay gaya ng kapatid ko" nag aalalang sabi niya at may bahid ding lungkot
"Ayos lang po ako tita.....ahmm pwede bang sa garden tayo mag usap tita?" sabi ko kaya tumango lang siya at tumungo na kaming garden
"Paano namatay ang kapatid ko?" tanong niya
"According sa nakita kong dark sword ay nakasisigurado akong mga darkenians ang pumatay sakanya" galit na sabi ko
"So alam mo napalang hindi ka pangkaraniwang tao kung hindi ay isang fantasian" sabi niya kaya nagulat ako
"Alam niyo po?" takang tanong ko
"Siyempre magkapatid kami at galing kami sa iisang mundo, pumunta lang kami dito dahil may naganap na digmaan noon sa FMW kaya kami nandito at nagtaka nga ako kung saan ka nanggaling dahil ang pagkakaalam ko ay wala namn siyang nababanggit saakin na naging kasintahan niya" takang sabi......so di niya alam na hindi ako tunay na anak ni mama
BINABASA MO ANG
The Lost Princess of Hasluck
FantasyClarisse Anne Mendez - "Not Just an Ordinary Lost Princess" She is not what you think she is -smoopy