CHAPTER 22

4.5K 117 5
                                    


Clarisse POV

Friday na ngayon

Bwisit

Ano na naman kaya ang nagawa ko nung Tuesday?

Ewan ko ba

Pag kasi unang araw ko sa period ay kung ano ano ang ginagawa kong kalokohan sa sarili ko

Ngayong araw pala ang alis nung kambal para umuwi dahil birthday ni Ruby at Fira bukas, at dahil nga isa silang prinsipe at prinsesa, may party na gaganapin, hindi lang ordinaryong party dahil parang ball narin siya, ay ewan kung anong tawag doon, and also dahil 21 years old na sila bukas.

Sabi ni Fira siya naraw ang bahala sa ball gown ko

Tss

Daming alam=__=

December 30 19** pala ang birthday nila

Nagtataka kayo kung bakit walang Christmas or New Year dito?

Dahil nga ibang mundo ito walang ganon at iba rin yung dyos nila dito

At ngayon pinasuot pa nila ako ng royal blue na dress

(A/N: Yung dress po ay parang kay Jihyo sa mv nila na 'What is Love?')

"Clarisse! Tara na!!" narinig kong sigaw ni Fira kaya lumabas na ako ng kwarto ko at bumaba na

Pagdating ko sa baba ay nakita ko silang kompleto na at ako nalang ang wala

Nagtataka ba kayo kung saan kami pupunta?

At dahil aalis mamaya tong dalawang kambal ay nag aya sila na magpi-picnic kami sa Rainbow Garden, at ewan ko kung saan yon dahil iisa lang naman ang alam kong garden dito at ang tawag naman non ay Paradise Garden

Nakakaloka!

Picnic ba talaga ang pupuntahan namin?

At kailangang nakadress pa?

Nakakaloka talaga!

"Yahh!!"

"Ay nakakaloka!!" gulat na sigaw ko, ikaw na naman ang sigawan sa harap ng mukha mo, at isang mukhang Alien pa....tsk

"Ano?!" pasigaw na tanong ko

"May balak ka bang sumama sa picnic? Nakatunganga ka kasi jan" sabi ni Ruby

Oo si Ruby

"Pshh!" saka na ako naglakad palabas at sinundan naman niya ako

Paglabas ko ay hindi ko na nakita sina Fira

"Oyy Ruby alam mo ba kung saan yung Rainbow Garden?" tanong ko sa katabi ko

"Ewan" bored na sagot niya

"Yung totoo?!"

"Hindi ko sasabihin dahil may pupuntahan tayong dalawa" nakangising sabi niya at hinila ako

Tumigil kami sa....

"Bakit tayo nandito sa may mga pegasus?" tanong ko kay Ruby

"Basta, tara na kay Hot" sabi niya sabay hila saakin sa pegasus niya na si pfft 'Hot' daw


Binuhat niya ako at isinakay sa pegasus niya, pagkasakay ko ay sumakay narin siya, nasa harap niya ako at nasa likod ko siya

The Lost Princess of Hasluck Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon