CHAPTER 24

4.4K 103 19
                                    

*Calyssa Anne Perez/Princess Scarlette Kashmir Hasluck*⬆️⬆️

Someone POV

Nandito ako ngayon sa kwarto ko ng pintawag ako ng amang hari

"Pinapatawag niyo raw po ako ama" yumuko bilang tanda ng pagrespeto

Kahit ama ko siya ay dapat ko siyang respetohin

"Panahon na" sabi niya kaya napalaki yung mata ko at tumingin sa kanya

"Pero ama, alam mong hindi ko kayang gawin yon!!" sigaw ko

"Wala kang utang na loob!! Pinalaki kita at pinalakas para dito at sasabihin mong hindi mo kaya?!!!" galit na sigaw niya kaya napayuko ako

"Pero ama..."

"Kung gusto mong ituring kita bilang anak ko, gawin mo to" ngayon ay kalamadong sabi niya kaya pilit akong napatango

Matagal ko ng hinihiling ang pagmamahal ng isang ama sa isang anak

Dahil mula bata pa lang ako, puro pag aaral at pag eensayo kung paano ko gamitin ang kapangyarihan ko, na para naman sa isang walang kwentang bagay, bagay na kailan ma'y diko kayang gawin. Pero dahil sa sinabi ni ama, mapipilitan akong gawin yon.

Sana mapatawad nila ako sa gagawin ko, lalo na siya

Someone POV

Humanda kayo dahil malapit ko ng mapapasakamay ang mahal niyong mundo

At sinisigurado ko na mamamatay ang prinsesa niyo para wala ng makapagliligtas pa sainyo

Hahahaha hahahaha hahahahahaha











*cough*









"Tu-tubig"

Clarisse POV

It's been a week since kami na ni Ruby

At linggo ngayon

Hindi naman siya nagsinungaling dahil araw araw lagi niya akong binibigyan ng flowers, kung hindi naman flowers, chocolates or teddy bears.

Swerte ko talaga sakanya

He never fails to amuse me

"Clarisse!!!"

"Ay! Palakang nagitlog!" gulat na sabi ko dahil nahulog lang naman ako sa kama ko dahilsa sigaw nung tatlo

Agad naman akong bumangon at bumababa

"Ano bang kailangan niyo?!!" sigaw ko

"Ahh...hehehe...kasi naman po, gutom na po kami at tinatamad kaming pumuntang cafeteria dahil medyo malayo ehh, tsaka tirik na tirik ang araw oh dahil 2:30pm palang" sabi ni Fira sabay kamoy sa batok, may kuto ata ehh

"Please Clarisse, meryenda na tayo" sabay na sabi naman nina Lily at Linda

"Tsk..." yan nalang ang lumabas sa bibig ko

Naglakad na ako papuntang kusina para ipagluto ang mga prinsesa

After a minutes

Ayan tapos na!

Nagluto ako ng carbonara dahil favorite ko to

Bahala na kung sinong may ayaw, basta masarap to

Nagtimpla rin ako ng Apple juice dahil ayaw ko sa ibang flavor

The Lost Princess of Hasluck Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon