CHAPTER 29

5.2K 112 49
                                    



Dali dali kong kinuha ang kwentas ng mahal na reynang si Kira at ilinagay ko ito sa basket katabi ni Selena at agad agad akong lumabas sa kaharian ay dumeretso papuntang mundo ng mga mortal

Habang naglalakad ako ay may nakita akong taga FMW, at wari kong siya ay isa ring katulong sa Elemental Kingdom dahil sa logo na nasa bandang dibdib niya

Napatingin naman ako sa isang basket rin na gaya ng akin ng tumingin siya doon at parang may kinausap kaya naman nagteleport ako sa katabi niyang puno

"Pasensya ka na mahal na prinsesa kung ako muna ang tatayo bilang ina mo, nanganganib na ngayon ang inyong kaharian dahil sa kapatid ng ama mo" narinig kong sabi niya

Napatingin naman ako sa loob non at nakita ko ang isa ring sanggol na tiyak ko ay ang prinsesa ng Elemental Kingdom

Dahil gusto kong mailigtas si Selena ay agad kong tinusok saglit ng pampatulog ang babae at dali dali kong pinagpalit ng hawak kong basket si Selena at ang sanggol na ito

Ngayon ay si Selena na ang magiging ligtas sa kamay ng babaeng ito at ang sanggol naman na ito ay ang magiging prinsesa muna ng Dark Kingdom

Ginawa ko lamang ito dahil alam kong sisihin ni Dreck si Selena dahil sa pagkamatay ng mahal na reyna

Bago pa magising ang babaeng ito ay agad na akong nagbalik sa kaharian dala dala ang sanggol na ito

Sana ay mapatawad nila ako sa ginawa ko, nagawa ko lang ito dahil gusto kong maging ligtas si Selena

End of flashback

Helia POV

Lahat kami ay nagulat dahil sa kwento ni Helen na isang mayordoma sa kaharian ng Dark Kingdom

"K-kung ganon, ako nga ang tunay na prinsesa ng Elemental Kingdom?" hindi makapaniwalang tanong ni Calyssa, tumango naman si Helen

"Ikaw.... Ikaw ang dahilan kung bakit ako naghirap sa kamay ni Dreck" umiiyak na sabi ni Calyssa

"Pasensya ka na, nais ko lang naman na maligtas si Selena dahil ayokong mapahamak ang anak ng kaibigan ko" nakayukong sabi ni Helen at tumingin kay Anne na kanina pa tulala

"Selena....." mahinang sabi ni Anne

"Selena Dianne Hanabi Hasluck ang totoo kong pangalan" sabi ni Anne/Selena habang may tumutulong luha sa mata niya

"All this time, alam mo naman pala ang totoo. Kaya ba nung nalaman mong galing ako sa mundo ng mga mortal at taglay ko rin ang lahat ng elemento ay lagi ka nalang mabait saakin kahit na ang sama sama ko sayo?" naluluhang tanong ni Selena na agad ding tinanguhan ni Helen

Naguguluhan na ako sa mga nangyayari

Bakit ba kasi toh nangyayari?

"Mabuti at nalaman niyo rin ang totoo" isang nakakakilabot na boses ang narinig namin sa bandang pintuan

"Sa tingin mo ba ay hindi ko alam?" may bahid na galit na sabi ni Dreck kay Helen

"Mahal na hari" Helen

"Kung hindi ko pa sana tinanong noong nakaraang buwan kung ano ang totoong pagkatao ni Clarisse Anne Mendez ay malamang napatay ko na ang sarili kong anak!" galit na sigaw ni Dreck at binatuhan ng dark ball si Helen

"Helen!!" sigaw ng mga Elders at agad na nilapitan si Helen na ngayon ay nanghihina na dahil sa kapangyarihan ni Dreck

"Umalis na tayo Selena anak" aya niya kay Clarisse/Anne/Selena o kung ano man ang dapat na ipangalan sa kanya

The Lost Princess of Hasluck Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon