Sorry dahil slow update lang toh guys, I planned na hanggang 30 Chapters nalang at Epilogue na
Ang konti ba?
Well ganon talaga hahaha
~~*~~
Clarisse POV
It's been a week since dumating ang prinsesa. Minsan nga naiinis na ako, hindi na nga ako masyadong pinapansin ng mga kaibigan ko pati ba naman si Ruby, kung makangiti kay Scarlette parang wala siyang GIRLFRIEND.
"Clarisse, anong gusto mong kainin?" tanong saakin ni Helia
Si Helia lang ang kasama ko ngayon at nandito kami sa pinakagilid na mesa ng cafeteria. Ewan ko rin sa isang toh eh, imbes na yung mga Royalties ang samahan niya eh ako pa, pero nagpapasalamat ako dahil kakampi ko siya
"Clarisse!"
Nagulat ako nang sigawan ako ni Helia
"What?" malamig na tanong ko
"Err ...your so cold naman, tinatanong ko lang naman po kung ano yung gusto mong pagkain" sabi niya
"Chocolate cake and iced tea" sabi ko
"Ok" sabi naman niya at pumunta ng counter
"Bakit kaya di niya kasama yung Royalties?"
"Siguro dahil kay Princess Scarlette"
"Balita ko nga sila na daw ni Prince Firon, pero alam mo girl nakita ko sina Princess Scarlette at Prince Firon na magkasama sa garden at ang sweet sweet nila kyahh!"
"Poor her, dapat lang yan sakanya noh, di naman siya kaylangan ng Royalties because she's weak"
Tsk
Kung magbulungan kala mo di ko rinig. Tumayo nalang ako dahil ayoko ng makarinig ng kung ano ano pa, at bahala na si Helia don
Pagdaan ko sa harap nila Ruby ay narinig ko yung tawanan nila na parang hangin lang akong dumaan sa harap nila
Napatingin naman ako kay Ruby na ngayon ay katabi si Scarlette at.....
Fck!
Bakit niya hinalikan si Scarlette?
Naramdaman kong may mainit na likidong umagos sa pisngi ko kaya agad ko itong pinunasan at tumakbo palabas dahil sa nakakarinding tilian nila
Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa di ko namalayang nandito na pala ako sa likod ng academy. Umakyat ako sa puno at don ibinuhos lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon
Isang oras na ako dito sa taas ng puno ng may marinig akong naguusap
"Magaling mahal kong anak, napaniwala mo silang lahat" narinig kong sabi ng isang mala demonyong boses kaya napatingin ako sa baba
"Ano po ang susunod kung gagawin ama?" napatingin ako sa babaeng nagsalita at tinawag na ama yung lalakeng di ko makita dahil naka hood ito, parang pamilyar yung babae.
"Gawin mo ang lahat mapabagsak lang ang babaeng nag ngangalang Clarisse Anne Mendez at syempre pati na rin ang Royalties" sabi nung lalake na ikinagulat ko
Ako?
Bakit naman ako?
"Po?! ...p-pero.."
"Wala ng pero pero, basta gawin mo ang pinapagawa ko sayo kung gusto mong ituring kita bilang anak ko!!" sigaw nung lalake at bigla nalang naglaho
BINABASA MO ANG
The Lost Princess of Hasluck
FantasyClarisse Anne Mendez - "Not Just an Ordinary Lost Princess" She is not what you think she is -smoopy