#1 Sing Sing

28 11 0
                                    

"I love u mama, papa, and kuya."bati ko sa kanila doon sa kusina

Binati rin ako ni papa at kuya habang si mama naman ay nginitian lang ako.

Nasanay na ako kay mama. Simula pagkabata ay mga yaya lang namin ang nag-aasikaso sa amin nila kuya.

Masyadong mahigpit si mama dati dahil ultimo mga kaibigan namin ay siya narin ang pumipili. Kaya kami lang ni kuya kadalasan ang magkasama.

Since childhood wala pang tumatagal sakin na kaibigan. Meron akong isang kaibigan na pinakilala sa akin ni mama at hanggang ngayon ay sunod parin siya nang sunod sa akin. Ang pangalan niya ay si Britney. Ayoko talagang naririnig ang pangalan niya.

Masyado siyang maarte. Plastic rin siya, hindi ko siya gusto. Naalala ko pa noong nag-aaway kami tapos nadulas siya at nagkaroon siya nang sugat sa tuhod, ako ang pinagalitan noon dahil ang sumbong ni Britney kay mama ay tinulak ko daw siya kaya siya nadapa at nagkasugat.

"Tita...tito...nandito na po ako."sigaw nang babae sa may pintuan.

Speaking of the bitch-Britney...

"Andrea buksan mo muna ang pintuan"sigaw ni mama.

"Opo."bakit ako pa kasi. Makikita ko lang ulit ang mukha nang babaeng yun.

"Hello my dear beshee..."nang-aasar na bati ni Britney. Inirapan ko lang siya.

Hanggat maari ay hindi ko siya pinapatulan dahil baka ano lang ang magawa ko sa kanya.

Magpapakilala na muna nga ako.

Ako si Andrea Nicole Smith, 17 years old anak ni Andy and Josh Smith and my kuya na si Joshua Ryle Smith.

Meron kaming business company (secret muna ngayon). Hindi ko kayang sabihin na mayaman kami dahil ayoko nang ganoon.

"Andrea kumain na tayo."sigaw ni papa galing kusina.

"Opo papa. Nandiyan na po."sabi ko at pumunta nang kusina.

*
*
*
*
*
*
*

Walang nag-sasalita sa amin, at wala akong balak na kausapin sila lalo na ang Britney nayun.

"So tita dito rin po ba kayo mag-babakasyon?"tanong ni Britney.

"Hindi~meron kasi kaming bussiness trip ng tito mo."sagot ni mama.

"Ahhh ganoon po ba? Paano naman po sila Joshua and Andrea?"ang dal-dal lang?

"Isasama ko sila."kami? Tumingin ako kay kuya at nakatingin rin siya sa akin. Parehas kaming gulat. Niyug-yog ko ang ulo ko senyas na ayaw ko sumama niyugyog rin ni kuya ang ulo niya.

Sabay kaming tumango at humarap kay nila mama.

"Mama hindi kami sasama!"sabay namin na sigaw  ni kuya.

"Eh...saan kayo magbabakasyon?"tanong nanaman ni Britney. Epal talaga.

"Kami dalawa ni kuya. Diba kuya?"senyas ko kay kuya.

"Oo nga mama kaya na namin to ni Andrea."sabi ni kuya at sabay kami ngumiti.

"Ahhh...ok."

Sa ilalim nang lamesa ay nag-fistbump kami ni kuya.

Noong sumama kami ni kuya kay nila mama ay wala rin naman kaming ginawa kung hindi ay ang tumambay at tumambay nang tumambay sa bahay.

"Ikaw Britney gusto mo sumama?"tanong ni mama.

"Ay...wala po akong pamasahi tita ehh. Wag nalang po."asus...gusto rin naman yan ni Britney, pakipot pa ehhh...

"Ako bahal sa pamasahe mo."lumaki ang ngiti ni Britney at napatango nalang.

Perfect Two[An Unforgetable Love]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon