#3 Lorie's True Reason(lovelife)...

10 3 0
                                    

Nagising ako dahil sa ilaw na nanggagaling sa sikat ng araw. Nagunat-unat muna ako at tiningnan ang phone ko.

Bumaba ako upang magluto ng agahan. Maya-maya ay maykumatok sa pintuan ng bahay. Pagkabukas ko ay nakita ko si Lorie na may dalang mga supot ng plastic.

Sobrang lapad ng ngiti niya. "Goodmorning.."bati niya sa akin.

"Para saan ang mga laman ng plastik mo nayan?"agad kong tanong pagkabati niya sa akin. "Grabe Andrea ahhh di mo manlang ako binati muna or pinapasok manlang, tapos magtatanong ka kung para saan tong mga plastik na tohh?"derederetsyo niya sumbat sa akin.

"Sorry naman sige pasok ka muna."haba ng sinabi ehh~

"Hindi parin dumadating ang kuya mo?"tanong ni Lorie. Kinuwento ko na sa kanya ang tungkol sa family ko'kung bakit sila wala at kung bakit ako lang mag-isa'. Noong ikalawang araw nagsabi narin niya kay mama na nadito siya sa pilipinas. Dito narin siya tumutuloy sa bahay ko kapag gusto niya or kapag pinapunta ko siya dito.

"Hindi pa nga ehh~. Pwede wag mo muna sabihin kay mama at papa na wala dito si kuya ahhh?"panunuyo ko kay Lorie. Hindi pwedeng malaman to ng mga parents ko dahil siguradong magagalit sila mama. Siguro tungkol ito sa breakup nila ni Ate Sarah...

"Ahh sige~"

"Gusto mo magluto tayo?"nakakatuwa na kaparehas tin kami ng mga hobi. "Sige..."sagot ko.

"Bakit pala nagustuhan mong magluto ehhh may yaya naman kayo diba?"tanong ni Lorie.

"Uhm...sabi ni papa noong bata daw ako, lagi akong nasakusina para tumulong Yaya Ana. Kaya siguro nakasanayan ko narin dito sa kusina."nalala ko pa ngayun. Namiss kona ang Yaya ko dati. Siya kasi ang yaya na naging sobrang close ko.

"Nasanay ka narinba na ikaw lang mag-isa dito?"tanong ulit ni Lorie. "Pwedeng oo pwedeng hindi..."walang kasiguraduhan ang mga bagay sa mundo. Hindi ko sigurado kung lagi nalang wala sila mama dito, malay mo kasi isang araw hindi na sila aalis at dito na sila mananatili.

"So...hindi ka sigurado?"sasagutin ko na sana ang tanong niya ng marealize ko na lagi nalang siya nagtatanong. "Bakit ba kanina kapa tanong ng tanong diyan, pwede ako naman?".

"Diba sabi mo may family problem kayo doon sa states kaya lumipat ka dito sa pilipinas..."-ako

"Oo bakit?"-Lorie

"Sorry ahh naghinala kasi ako, kilala ko ang papa mo pero hindi ang mama mo. Nakilala ko siya sumama ako kay mama sa isang business trip, kami ni kuya. Sa pagkakakilala ko sa papa mo hindi siya yung taong magkakaroon ng problema tungkol sa pamilya, pero who am I to judge diba? Kasi ang totoo niyan Lorie tinanong ko sa papa mo na kung bakit ka nagmigrate dito sa pilipinas, pero sabi niya sa akin na ikaw nalang daw ang tanungin ko."napakamot ako sa batok habang si Lorie ay napabuga nalang ng hangin.

"Uhm...sorry kung hindi ko sayo to sinabi noong una kasi natatakot na ako na magtiwala. Di naman sa wala akong tuwala sayo, pero dati yun noong nakilala na kita ay alam ko na magiging tunay ka na kaibigan sa akin."nag-pout siya at mas lalo siyang naging cute sa ginawa niyang iyon.

"Alam ko naman na mahirap magtiwala kaya tama lang ang ginawa mo."ngumiti ako para ipakita sa kanya na ayos lang sa akin iyon.

"Tungkol kasi ito sa ex ko. Masyado akong nasaktan kasi mag-iisang taon na kami ng nagdisisyon si mama na paghiwalayin kami. Pinipilit niya ako na makipagbalikan sa kanya, pinagisipan ko iyong mabuti. Noong handa na akong sagutin ang tanong niya na kung pwede pa kaming magkabalikan ay sinabi ko sa kanya na magkita kami sa lagi naming pinupuntahan dati."mangiyak ngiyak na siya ngayon. "Ok lang naman sa akin kung ayaw mo itong pagusapan ehhh..."niyugyog niya ang ulo niya at nagpatuloy.

"Nagmadali akong pumunta doon upang sabihin sa kanya na oo ang sagot ko sa tanong niya. Noong makarating ako doon ay nakita ko ang nakita ko ang isa pa niyang ex na si Agatha. Hindi ko maexplaine kung ano ang magiging reaksyon ko noong pinakita niya sa akin ang picture nila ni Tyler na magkatabi sa higaan habang nakahiga ang ulo ni Agatha sa dib-dib ni Tyler. Naistatwa ako habang kitang kita ko na tuwang tuwa ang mukha ni Agatha."she let out a little cough and continued.

"Ilang saglit ay dumating na si Tyler. Tinatanong niya kung anong nangyari at kung bakit ako umiiyak. Sinampal ko siya a si Agatha. Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya umalis na ako doon at baka hindi ko makontrol ang sarili ko, baka ano pa ang magawa ko sa kanila."bakas sa mukha at pananalita ni Lorie na talagang kinamumuhian niya si Agatha at si Tyler.

"Lorie, di ko kilala kung sino ang Tyler nayan pero pangalan palang parang chickboy na ehhh~"pagpapagaan ko ng loob niya. Natawa siya ng konte at tuluyan nang ngumiti.

"Andrea thank you talaga sa pakikinig sa akin ahh..."pagpapasalamat niya. "Walang ano man basta lagi ka lang magluto para sa akin ayos na ako doon."sabay kami na tumawa.

"Speaking of lovelife, my boyfriend kana ba?"nagulat ako sa tinanong ni Lorie, kaya agad ko siyang sinagot.

"Wala pa ahhh!~"deretsyo kong sagot. "Ha? Bakit naman sa ganda mong yan WALA?"pagdidiin niya ng 'wala'.

"Uhm ayaw kasi ni mama. Noong bata ako ay laging may nakabantay sa akin. Ni hindi nga ako malapitan ng ibang tao ehhh. Lahat ng mga nagiging kaibigan ko ay pinapalayo ni mama."napabuga ako ng hangin pagkatapos ko iyong sabihin.

"Grabe naman yang mama mo."napailing nalang si Lorie. "Pero paano kung magsimulang magmahal yang puso mo? Susundin mo ba o hindi?"bakit niya ba to tinatanong sa akin eh wala nga akong kaalam-alam dito ehhh.

"Hindi ko rin alam ehhh, katulad nga ng sinabi ko kanina, hindi pa ako naiinlove diba? Kahit crush nga wala ehhh~"bakit ko ngarin kasi sinasagot ang tanong niya?

"Pwede ba wag mona pagusapan ang tungkol sa lovelife na iyan, ang mabuti pa ay linisin na natin itong pinagkainab natin."sabay naming nilinis ang mga kalat at mga plato.

Magtatanghali narin pala. Umidlip kami ni Lorie pagkatapos naming magpahinga pagkatapos ng kain.

Mukhang mahimbing ang tulog ni Lorie kaya hindi ko na siya inabala pang gisingin.

Lumabas ako ng bahay upang bumili ng pagkain para sa tanghalian.

Pabalik na ako ng bahay ng may nakita ako na mga grupo ng lalaki na may hinahabol na isang lalaki at papunta sila sa direksyon ko.

"Tabi!!!"sigaw ng lalaki. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya pumikit nalang ako.

Rinig ko na palapit ng palapit ang mga lalaki sa akin ng may biglang............

A/N: dahil sa maganda ang gabi ko kaya nakapagsulat ako. Lagi akong gabi nagsusulat ng story dahil mas tahimik at ang mga kanta lang ang naririnig ko (song of nature). Magiging exciting din ang susunod na chapter😂...abanga. Sa wakas natapos narin.

Perfect Two[An Unforgetable Love]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon