Agad akong bumaba at pinuntahan ang lalaki na nakatambay sa harap ng bahay ko.
Bakit siya bumalik? Kahit nakayuko siya ay makikilala ko parin siya. Dali-dali akong kumuha ng payong at lumabas.
Imposible akala ko hindi na niya ako maalala. Palapit ako ng palapit sa kanya at pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko.
"Leo?"sabi ko sa lalaking na nakayuko parin hanggang ngayon.
Dahan-dahan siyang tumingala at ngumiti sa akin. Sa sobrang tuwa ay nayakap ko siya ng sobrang higpit. Ang tagal ko siyang hinintay.
"Masyado ka yatang nasiyahan Andrea..."sabi ni Leo. Siya lang naman ang naging crush ko since elementary.
"Syempre. Salamat nga at nakabalik kana."sabi ko habang humihiwalay sa pagkakayakap ko sa kanya.
Pumasok na kami ng bahay at pinaghanda ko siya ng makakain. "So dito kana ulit mag-aaral?"tumango siya at ngumiti.
Dapat lang talaga na may mangyaring maganda ngayong gabi dahil buong araw ko ay sira na sira na dahil doon sa lalaki nayun.
"May kasama ka ba dito sa bahay?"napansin siguro niya ang mga gamit ni Lorie na nalagay sa ibabaw ng mga kabinet. "Oo...yung anak ng bestfriend ni mama."napatango nalang siya.
"Hindi narin naman ako magtatagal. Gabi narin kaya uuwi na rin ako."
Aalis siya agad? Sayang...
"Sige hatid na kita sa labas."ano ba yan. Ngayon nanga lang kami ulit nagkita tapos aalis agad siya. Pero dibale na.
"Sige Andrea alis na ako."paalam niya. Nang makalapit na siya sa kotsye ay bigla siyang bumalik.
"Bakit may nakalimutan ka?"
Tumango lang siya. "Sige kuhain ko lang ano ba yun?"tanong ko.
"Ito ohhh..."sabay halik sa cheeks ko. Bigla akong namula. Ang lamig-lamig ng panahon pero bakit pinagpapawisan ako?
"Sige na alis na talaga ako."nginitian niya ako at nag-wave. Hindi prin ako makagalaw sa kinatatayuan ko ngayon. Masyado akong na-shook sa ginawa niya.
Ng hindi ko na makita ang sasakyan niya tyaka palang ako nagsitatalon-talon.
"MyGod ginawa niya ba talaga yun? Hinalikan niya ako? Sa CHEEKS..."tili parin ako ng tili dito sa labas.
Nakaramdam ako ng lamig kaya pumasok narin ako.
"Andrea bakit gising ka pa?"tanong ni Lorie. Nandito parin kasi ako sa salas.
"Ikaw bakit gising ka pa?"pagbabalik ko ng tanong. "Nagising lang ako. Narinig ko kasi na may tili ng tili sa labas akala mo naman hinalikan siya sa cheeks ng crush niya."napayakap nalang ako sa unan na nasa tabi ko.
Di ko alam kung nakita niya na ako yun at pinapatamaan niya ako o baka makatyamba lang siya sa sinabi niya. Sana hindi niya nakita.
Nagbi-virate ang phone ko kaya agad ko itong binuksan.
[Unknown No.]
Andrea... si Leo toh. Sorry pinakeelaman ko kanina yung phone mo habang kumukuha ka ng makakain natin. Nga pala pwede ba tayo magkita bukas kung pwede ka? Namiss ko na kasi yung bonding natin plzzz... Goodnight...
Mabuti nalang at walang password ang phone ko, kung meron di sana nakuha ni Leo ang number ko.
Siya pa ba tatangihan ko? Syempre makikipag meet ako sa kanya bukas. Siya na nga ang nagyaya tatangihan ko pa ba? Syempre hindi na.
Agad ko siyang tinext na makikipagkita ako sa kanya at nag- goodnight.
Natulog na ako at maaga pa ang alis ko bukas. Sa buong araw na minalas ako may swerte paring nangyari sa akin kaya I consider this day as a "Lucky Day" parin.
Next Day
"Andrea?..."
"Andrea?... gumising ka na dali. May naghihintay sayo sa baba."agad akong napabulangkas sa kama at tiningnan ang oras "8:30?" OMG!!! Himdi ko na pinansin si Lorie at tumakbo na papuntang banyo at nag-ayos.
30 minutos lang halos ang nagamit ko na oras upang maghanda. Hindi katulad ng nakasanayan ko na halos dalawang oras ang nagagamit para makapag-ayos.
Pababa na ako ng hagdan at nakita ko si Leo na nakaupo sa Sofa. May halong kaba at excitement ang nararamdaman ko. Matagal na panahon narin dince huli ko siyang makita. Siguradong marami akong itatanong sa kanya mamaya.
"Uyy Leo."tawag ko sa kanya. Tulala kasi siya kaya di niya napansin ang pagdating ko.
"Wow...you look beautiful."nahiya ako sa sinabi niya. Syempre ikaw ba naman sabihan ng maganda ng crush mo.
"Hahaha salamat. So? Tara na?"pag-aaya ko sa kanya. "Sure... nga pala nagpaalam umalis yung kaibigan mo. Di ko alam kung saan pupunta."napatango nalang ako. Saan kaya siya pumunta?
Nag-dadrive si Leo ngayon. Papunta kami sa isang restaurant nila. Namiss ko yung serenity doon, para kasing garden ang lugar tapos ang tahi-tahimik pa.
"Leo, naalala mo yung puno sa park na sinulatan natin ng pangalan gamit ang bato?"yun ang pinaka memorable na ginawa namin.
"Ahh... oo naaalala ko pa nga."sabi niya at ngumiti. Pakiramdam ko may mali sa ngiti ni Leo.
"Leo? May problema ba? Pwede mo naman sabihin sa akin."napatingin siya sa akin. "Ahhh wala naman. Kaya wag kana mag-alala."
Hindi ako kumbinsido sa sinabi niya. Kilala ko si Leo. Lagi niyang sinasarili ang mga problema.
Nakarating na kami ng restaurant. Habang pumipili ako ng makakain nagpaalam si Leo na may pupuntahan lang.
BINABASA MO ANG
Perfect Two[An Unforgetable Love]
RomansLahat ng tao na nakikilala mo ay may parte na sa buhay mo. Ang iba hindi tumatagal pero may alaala o leksyon kayo na matututunan galing sa kanila. Kaya maging masaya ka dahil o para sa mga tao na nakapaligid sayo.