F i r s t ● C h a p t e r

831 21 2
                                    

"Cath. Pa'no yan? Wala nanaman tayong customer. Wala nanaman tayong kinita ngayong araw, lagot tayo kay boss." bakas sa mukha ni Maddie ang pag-aalala.


"Di bale. May bukas pa naman, babawi tayo. Bukas, may plano ako. Siguradong dadami ang customers natin, magtiwala ka." ngumiti ako sa kanya.


Waitress ako. Isang di hamak na waitress sa isang café. Pero kahit ganito lang ang trabaho ko at maliit lang ang kinikita ko dito ay masaya ako sa ginagawa ko. Kuntento ako sa trabaho ko, MAHAL ko ang trabaho ko.


"Talaga? Eh ano naman ang plano mo?" naging masigla na ang tono niya.


"Bakit hindi tayo magcosplay? Diba mas eye catching 'yon?" ngumiti ako ng mas malapad.


Sa totoo lang, hindi naman talaga sa'kin galing ang ideyang 'yon. Kundi sa nobyo kong si Sky Ashton Sinclair, o mas kilala ngayon sa pangalang Scythe. Gusto niya kasi akong makita na nagsusuot ng cute na outfit kaya naman naisipan niyang i-suggest 'yon sa'kin.


*Flashback*


"Why not wear something stylish next time? Like cosplaying? It's really trendy nowadays. With the wig and stuff. Besides, I'd like to see how It'd look in you. I wanna see how sexy my baby will look. But I prefer your hair right now, it's better like that."


Napaisip ako. Oo nga no? Bakit nga ba hindi ko 'yon naisip noon? Ito talagang si Sky, kung anu-ano ang pumapasok sa utak. Pero..


"Paano yung gastos? Diba magastos 'yon?" ang tanong na namutawi sa labi ko.


"Then I'll buy you an outfit. It's never an issue." simple niyang sabi.


"H'wag. Alam mong ayaw ko niyan. Hindi mo—"


"Kung bakit ba kasi ayaw mong tulungan kita. I can even—"


"Pinag-usapan na natin to Sky." seryoso kong sabi, pero malambing parin ang boses ko.


Ayaw na ayaw ko kasing nagpapapunta siya ng fake customers sa café, pakiramdam ko hindi tama. Nang malaman ko dati ang tungkol dun, nag-away kami. Pero napag-usapan na namin 'yon, at simula non ay hindi na niya ginawa.


"Fine." pagsuko niya, "Magrerent nalang ako ng cosplaying outfit para sa'yo, okay ba 'yon?"


"Okay!" ngumiti pa ko sa kanya ng malapad, sa sobrang tuwa ko ay ginulo ko ang buhok niya.


"Geez, not my hair." inayos pa niya ang buhok niya.


"Eh? Pahawak lang naman." nagtatampo kong sabi.


Tinitigan niya ang mukha ko, "Okay then, you can touch it."


"Di na." ngumuso ako.


"Yah, stop acting like a child." kinuha niya ang kamay ko at hinalikan 'yon.

A Relationship With An Idol [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon