CHAPTER 12: The Attack

5K 181 39
                                    

Click!

"Hey, look! Ang dami kong nakuhang invitation! See this. Isang group invitation. Isang invitation as VVIP. Tapos itong invitation as a wife ni Josef.

Nakuha ko itong first invitation sa party kay Dan. It's glaring red . . . and scary. Ibinigay niya sa 'kin yesterday. Nakapangalan kay Jin Findel. Ito ang invitation para kay Jin.

Next is itong invitation as a VVIP na ipinadala ni Sena. She's definitely into it as the auctioneer. It's gold and black and soooo classy. Nakapangalan kay Erajin Hill-Miller, kahapon ko natanggap. Ito ang invitation for you.

Last is itong invitation na for Josef's wife. Nakapangalan kay Jocas Española-Malavega. White and silver. Ito ang invitation para sa 'kin. Yehey!

Ano kaya ang magandang isuot? Ang sabi ni Dan, huwag daw bulgar.

E paano kaya kung—

. . .

"You're taping . . . aren't you, Jocas?"


♦♦♦


Nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Jocas. Lalong tumaas ang kilay niya at maging ang kanyang tingin ay naging napakatalim din. Idineretso niya ang katawan at binigyan ng kakaibang tingin ang mga imbitasyong nasa mesa.

"Let me see this." Dinampot niya ang isang itim na invitation at binasa ang pangalang nakalagay. "Erajin Hill-Miller. VVIP member, huh?" Inilipat niya ang tingin sa iba pang invitation. May isa roon na ang nakalagay ay simpleng JIN lang. "Well, well, well." Nakuha ng atensiyon niya ang itim na imbitasyon kung saan nakalagay ang pangalang matagal-tagal na rin niyang hindi nakikita. "It looks like a good day to kill and deal."

Nabaling ang tingin niya sa videocam at isang mapang-asar na ngiti ang namuo sa kanyang mga labi.

"Oh, Jocas. Alam kong hindi mo pupuntahan ang event na 'to kaso sayang naman." Sandaling nalungkot ang mukha niya ngunit hindi rin iyon nagtagal. Ibinalik din niya ang mala-demonyong ngiti at buong pagmamataas na tiningnan ang videocam. "Subukan mo 'kong pigilan at papatayin ko ang asawa mo."

Tumayo na siya at pinatay ang videocam. Tiningnan niya ang sarili sa malaking salamin na nasa kanto ng kuwarto.

"Oh, well."

Maganda naman ang ayos niya sa suot na puting bestida na hanggang tuhod ang haba. Hindi nga lang iyon ang mga tipo niya ng damit. Hinawi niya ang buhok at lumabas na ng kuwarto. Sandali siyang huminto at tiningnan ang buong bahay.

"Maganda pala 'tong bahay, hindi na masama." Pinasada niya ang hintuturo sa railing ng third floor. Nililibot niya ng tingin ang kabuoan ng bahay habang bumababa ng hagdan. "Nasaan na ba ang asawa ng babaeng 'yon?"

Pagbaba niya ng hagdanan, napansin niya agad si Josef na may ginagawa sa laptop nito habang nakatambay sa sala. Lumapit siya at sinilip ang screen. Napataas ang kilay niya nang makitang naglalaro lang ito ng Solitaire. "Busy, huh?"

Hinawi uli niya ang buhok at dumeretso na sa pintuan. Napansin tuloy siya ni Josef na palabas na ng bahay.

"At saan ka na naman pupunta?" tanong nito.

Hindi niya sinagot si Josef kaya napilitan itong habulin siya para pigilan. Hinatak nito ang kanang braso niya saka siya hinarap.

"Bingi ka ba? Tinatanong ko kung saan ka pupunta?" muling tanong ng lalaki.

"Sa impiyerno, gusto mong sumama?" mataray niyang sagot. Lalakad na sana uli siya kaso pinigilan na naman.

"Ano na namang problema mo?" naiinis nang tanong ng lalaki.

Project RYJO 1: The NewlywedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon