2: MANLILIGAW?🙅

13 1 0
                                    

Senry's POV

After 30 minutes, nandito na rin kami sa mall. Nagpaalam na kami kay Mang Roberto, siya yun driver namin at sabi ni ate tatawagan na lang namin siya.

"Oh! tara na sisteret" excited na sabi nitong unggoy na to

"Malamang alangan umuwi na tayo, utak din noh!"

"Whatever." Haha! Walang masabi.

Lakad lang kami ng lakad sa walang katapusang lugar na ito Na para bang kami lang ang tao dito.

Sorry nabobored na kasi ako napa-tula na lang. Anyway nandito na kami sa store ng Sketchers fave namin nila ate 'to na brand ang tibay, maganda at pang-matagalan pa. Nag-promote na ako eh noh! Haha 'di 'to tulad ng mga ex niyo na ang BILIS nawala sa buhay niyo haha!

"Ano te may napili ka na?"

"Ah oo! hintayin na lang natin may gusto ka pa bang gawin ang aga pa naman?"

Wow! bumait yata siya haha!

"Kain tayo sa red ribbon (ate please)"

"Oh sige parang trip ko din yan tapos take out tayo para kila papa"

Tumango na lang ako na parang bata.

Nagtataka kayo siguro kung ba't nagiis-spanish kami noh? May lahi kasi kaming Espanol legit yan. Ang lolo ko kase sa father side is pure kastila. So bale kaming mga apo niya may 1/4 na lang siguro nung pagka-spanish. Pero kahit ganon tinuruan niya pa rin kami magsalita ng spanish, per generation.

Natapos nang balutin yun sapatos ni ate, dumiretso na kami sa Red Ribbon. Na-miss ko 'to ilang linggo na kong di nakakain ng cake. Finally my true love is here.

"Ba't ganyan yun mata mo pumupuso na ha! adik ba you?"

"Tse! tara na nga natatakam na ako may mga bagong flavor na yata eh"

Hinila ko na nang tuluyan ang ate ko papasok dun sa shop. Hay! na miss ko 'to, tagal kong di nakakain dito, ngayon lang ulit.

"Te hanap ka na nang pwesto, ako na mag-oorder" tinulak ko na nga siya paalis eh hehe! Excited much.

"Di ka naman atat noh, tss isip-bata!" umiiling-iling pa siya

Tss maka-ganyan siya gusto niya rin naman. Di ko na lang siya sinagot at umorder na ako.

Buti di marami yun tao naka-order agad ako yey! Nag-order lang naman ako nang chocolate and mousse cake limang ganyan tag-isa kami ni ate, yun natira naman dun sa bahay.

Dadalin ko na sana yun kakainin namin ni ate dito,  sinabi ko dun sa cashier na mamaya ko na lang kukunin yun tatlo. Buti pumayag. 

"Sen ako na lang magbubuhat diyan"

Nagtaka ako sa katabi ko, dahil bigla na lang siyang nagsalita.  Pero parang pamilyar yun boses niya, so nilingon ko siya. Nagulat naman ako ng bahagya, promise bahagya lang. Dahil si Loctave pala 'to ang manliligaw ko.

You heard it right, kahit lalake ako manamit may mga nag-TRY na manligaw sakin. Dahil mas gusto ko ang young wild & free na buhay! And hilig ko ang pag-aaral totoo yan ha! kaya dinedma ko. Kaso siya ang pinakamakulit sa lahat, 'di ko kinaya kaya hinayaan ko. Last year pa DAW siya nanliligaw, pero tulad nga nang sinabi ko DEDMA.

UNFORGETTABLE (ON-GOING)Where stories live. Discover now