6: INTENSE😉

5 1 0
                                    

Senry's POV

Nakakaloka si Drin, parang di ko siya nakilala kanina. Iba yun pag-aalala niya, parang ikakamatay niya 'pag may nangyari sakin. Ang weird na masarap sa pakiramdam, parang hinaplos ang puso ko dahil do'n, parang kiniliti.

"Oh! Ange, napatigil ka?" Tanong ni Drin. Di ko namalayan ah!

"Ah! Napagod lang"

"Tsk! Anong pagod-pagod?! Baka yun kanina yan eh!"

Tss ka-lalaking tao ang OA -_-

"Oo nga! Kakulit mo din tsk!"

"Hmp! Sabi mo eh!" Naka-nguso niyang sabi, haha! Para siyang bata.

Sasagot na sana ako ng may tumawag sa pangalan ko.

"Ange!"

Sakit sa tainga nun ah! Psh! Kaya pala, si ate Inta eh. Hala! Nandiyan pa rin si Loc! Ba't di pa siya umuwi?

"Ano ba yan Sen?! Sa'n ka ba pumunta? Oras na oh!" Panenermon niya.

"Ahm! Kumain lang sa DQ kasama 'tong friend ko." naka-smile ko pang sabi. Pag-kasabi ko nun parang may mga matang masamang naka-tingin sakin. Nilibot ko ang paningin ko at si... VILDRIN lang pala yun kala ko naman kung sino.

Wait?! Si VILDRIN bakit?! Kahit di ako makapaniwala sa nakita ko! Yung mga mata niya parang sinasabi na 'di tayo friends noh lul mo' parang ganon. Edi wag choosy pa siya hmp!

"Hmm! Friend mo 'yan?" Sabi ni ate sabay turo kay Drin, tumango naman ako. "Diba siya yun kaaway mo kanina? How come friend mo siya?" Nagsusuring tanong ni ate. Tsk! Pa'no ako magpapaliwanag?! Sasabihin ko bang siya yun artista na sikat o yun classmate ko dati or both?

"Ahm 'te, Loc siya si Vildrin Velasco---" napasinghap si ate, like what I expected. "Yeah! Te he's the Actor and siya yun kaklase natin Loc" naka-smile kong pagpapakilala at binalingan ko si Loc. Ang weird ng reaction netong lalakeng 'to, parang galit? But why?

Si ate parang di makapaniwala, yun paraan nang pag-tingin niya kay Drin parang magkakilala na sila at parang nasasaktan? Or nagkakamali lang ako?

Si Loctave naman parang malungkot na masaya sa pagki-kita nila ni Drin.

Si Drin naman masaya siyang ngumiti at tumingin kay ate Inta. Pero pagdating kay Loc ang sama ng tingin, parang papatay nang tao, katakot geez!

Bago pa may mangyaring himagsikan, binasag ko na ang katahimikan.

"Ahm! Guys what's happening? OP ako." pagpa-prangka ko, aba! Eh nakakainis sila may sari-sariling mundo tas ako solo flight!

Si ate ang sumagot. "Nothing Ange haha!" Ay baliw. "Co'z this guy in front of me" binalingan niya si Drin at ngumiti. "Kilalang-kilala ko na, right Vildrin?" Tumango lang si Vil kay ate at ngumiti rin. Parang nag-uusap sila sa mata.

"Its been a long time ate Shainta, haha! I miss you" sabi niya kay ate at niyakap niya ito. Woah! Nakaka-shock guys! This is me like ➡:O

"Yeah me too haha!" Sagot naman ni ate.

"Ate, Drin?" Baling ko sa kanila. "How did you met?" Diretso kong tanong. Walang patumpik-tumpik, diretso, straight to the point, walang keme-keme ganon!

"Ehem!" Sabi ko, tagal nilang mag-salita, putulin ko dila nila diyan!

"Ganito yan sis..." Di makatingin nang diretso si ate sakin. Ano bang meron? "Diba? Classmates kayo dati, that's how we met" kabadong sagot ni ate, I'm not convince.

"Yun lang?!" Di ko makapaniwalang tanong.

"(Yeah Sen yun lang)" paniniguro ni ate at dahil do'n natahimik na 'ko.

"(Ok if you say so)" sagot ko na lang.

Biglang nagsalita si Loctave "Hi Vildrin, nice to see you... Again" naka-ngiti niyang pagkakasabi kay Drin na naka-lahad ang kamay. In fairness medyo gumwapo siya.

"Yeah you too Loc" sabi ni Drin at nakipag-kamay kay Loc. Habang nakikipag-kamay siya, naka-tingin sila sa isa't isa, bromance na this haha! Joke! Balik tayo, nakatingin nga sila sa isa't isa, tapos para silang nag-uusap sa mga mata nila, ang sasama ng tingin at alam niyo ba yun parang may kidlat sa gitna nung mga tingin nila parang ganon. Bakit naman? Anong pinag-aawayan nila?

"Guys pwede niyo nang bitawan ang kamay ng isa't isa hehe!" Pag-aawat ni ate sa namumuong away? Parang alam ni ate yun dahilan ah? Matanong nga mamaya.

Binitawan na nung dalawa yung mga kamay nila at sabay na tumingin sakin. Ok! This is a fuck up situation, my goodness!

Iwinasiwas ko ang kamay ko sa harapan nilang dalawa. Para mag-tigil sila sa pagtingin sakin? Pagtapos ko gawin yun nagsalita ako. "Ok lang ba kayong dalawa? Di yata kayo in good terms." Sabi ko pero nagkatinginan nanaman ulit sila. This time mas masama na yun tingin nila sa isa't isa. Halatang nagpipigil lang sila nang galit at gusto na nilang magsapakan.

Binalingan ko si ate at parang di rin niya alam ang gagawin sa dalawang lalaking to. So, ako na lang ang gagawa ng paraan. Para matanggal ang tensiyon.

Pumunta ako sa gita nilang dalawa at sumabit sa mga braso nila. "Kung may problema man kayo, ahm, talk about it guys. Pag-usapan niyo para no hard feelings right ate?" Sinasabi ko 'yon habang palipat-lipat ng tingin sa dalawang lalake na 'to at bumaling din ako kay ate. Nag-thumbs up lang siya at alanganing ngumigiti. Mukha siyang tungaw haha!

"Di 'yon pinag-uusapan Ange." sabi ni Loc pero nakatingin pa rin kay Drin.

"Yeah he's right Ange, co'z our problem is obviously, not easy." sagot ni Drin na naka-tingin na sakin.

"You know what, Vildrin, I want to ask you something?" Maangas na tanong ni Loc

"Ok! Spill it man" maangas ding sagot ni Drin. Hehe! Nandito pa rin ako sa gitna nila. Maka-alis nga muna. Aalisin ko na sana yung braso kong nakasabit sa mga braso nila. Kaso sabay din nilang binalik kaya ang ending na-stuck ako sa gitna psh! Lagot kayo sakin fuckers!

"Why are you here?" Madiing tanong ni Loc halatang naghahamon.

"Why do you want to know?" Naka-ngisi namamg tanong pabalik ni Drin. Nao-OP na talaga ako 'yaw ko na hmp! Tiningnan ko si ate kaso umiwas lang siya ng tingin, lokong kapatid 'to ah walang silbi haha! Char!

"Co'z I need to know" sagot naman pabalik ni Loc.

"You really want to know?" Nang hahamon na tanong ni Drin.

"Yeah."

"I want my girl back, Loctave Smith" sagot ni Vildrin.

Kaya pala intense dito, babae yun pinag-aawayan nila, now I know. Ang swerte naman nung gagitang yun. Sino kaya siya?

WORD FOR THIS CHAPTER:

*INTENSE
-SERIOUS MODE
-MAKAPIGIL-HININGANG BAKBAKAN (HAHA! JOKE!)
-NAKAKAINIS NA SITWASYON (PARA KAY SEN)
-DI KA MAKAKAGALAW NANG MAAYOS

CAUSE: TWO PERSON, SPECIFICALLY BOYS.

UNFORGETTABLE (ON-GOING)Where stories live. Discover now