4: IKAW PALA YAN?!😱

6 1 0
                                    


Senry's POV

Pagka-recover ko sa nangyari kanina. Sinigawan ko siya.

"Langya ka! All this time ikaw lang pala yun kasama ko, sira ka talaga! Kahit kailan ka!" Angal ko, punyeta siya may paganon-ganon effect pa! Sikaran ko siya eh!

"Sorry na, nagulat nga din ako, nandito ka din pala haha!" Ayan nanaman yun tawa niya. Kaya pala naiinis ako, sa lahat nang tumatawa, sa kanya ako naiinis, at di ko alam kung bakit.

Bago pa kayo ma-OP (Out of Place) sa moment na 'to. Etong si Mr. Fucker ay classmate ko ng Elementary days. Ang ironic lang kase, kung paano kami nagkakilala kanina, ganun din nung mga bata kami.

FLASHBACK

Grade three ako no'n at first day ng klase. Masayang-masaya ako dahil mag-aaral nanaman ako sa eskwelahan. Kasama ko sila Mama at Papa, pati ang mga kapatid ko. Ako ang unang hinatid nila sa magiging room ko.

"Anak, mag-enjoy ka lang sa school, be friendly ok!" Pag-papalala sakin ni papa

"Si, papa" sagot ko sa wika namin

Ngumiti naman ang Papa, ngayon si Mama naman ang kumausap sakin.

"Ange, be patient ok! And remember, always be presentable huh!" Ngiting pagpapaalala ni Mama.

"Yes, Mama" sagot ko

Lumapit sila kuya sakin, parang may sasabihin.

"Tss, don't talk to boys..." Binalingan ni Kuya sila Ate kambal "Pati kayo, twins" Tinanguan siya nila ate, tapos binalingan ulit ako "Pag nakipag-usap SILA sayo, sabihin mo samin sila dumiretso (understand)" paniniguro ni Kuya Saic sakin, ni 'di ko nga maintindihan yun sinasabi niya eh.

"Kuya, how about us?" Tanong ni ate Ina

"Pati kayo, di kayo pwedeng makipag-usap sa mga lalakeng yun" malumanay pero may halong awtoridad geez! Katakot.

Dagliang namang tumango sila ate.

"So, narinig niyo naman si kuya, so obey, ok girls" paalala naman ni kuya Sirio.

"Yes kuyas" sagot naming tatlo

Napangiti na lang si Mama at Papa. "Aalis na kami, kami ang magsusundo sayo baby girl, (bye)" sabi ni Papa at hinalikan ako sa noo.

I giggled "(yes) papa" nag-wave na sila sakin at tuluyang umalis.

Binati ko ang mga dati kong kaklase ng 'good morning' at bumati naman sila bumalik. Umupo naman ako sa may harap kasi malabo yun mata ko. Maagap ang mga parents ko kaya may salamin na 'ko, ayoko ng contact lens takot ako do'n! Sinuot ko yun salamin ko at nagtingin-tingin sa room namin, so far so good naman siya.

Maaga pa naman bago mag-umpisa ang klase, pumunta ako sa Canteen. Wala akong dalang pera, dahil ayaw ni Mama na masanay kami do'n. Libre naman sa Canteen eh, pag nagbayad ka na nang tuition libre ka na sa pagkain, kaya pwede akong kumain do'n yipie!

Naglakad akong mag-isa, di ko naman pwedeng yayain yung mga kapatid ko, bulyawan pa ko nung mga yun, kaya mag-isa na lang ako.

Nakarating na rin ako at nakita ko si Loctave, nag-signal ako na hihingi ako ng pagkain, tumango naman siya. Pumunta na 'ko dun kay ateng para manghingi.

"Ahm, pwede po bang makahingi ng Ham and Cheese Sandwich, Mineral Water, tsaka po Mamon na strawberry flavor".

"Ok, Coming up, pakurot muna sa pisngi mo ganda, please?" Sabi ni Ateng nagtitinda. Di pa man ako nakakasagot kinurot na niya ko tsk! Anobayan?!

UNFORGETTABLE (ON-GOING)Where stories live. Discover now