5: BONDING?😛

5 1 0
                                    

Vildrin's POV

Hahaha!! Nakakatawa naman ang mukha nitong kasama ko, parang inagawan lang ng laruan. Haha! Nakabusangot masyado. Naka-akbay pa rin ako sa kanya medyo na-miss ko 'tong babaitang 'to eh. Ngayon lang ulit kami nagkita o ngayon ko lang siya nakasama?

"Sa'n mo ba gusto Drin?" Tanong nitong batang kasama ko.

"Sa DQ na lang, para lumamig naman yun ulo mo haha!" Pang-aasar ko.

"Langya ka! Porket natalo ako gumaganiyan ka, ipagsigawan ko kayang ikaw si---" di niya na natapos ang sasabihin niya, kasi tinakpan ko na yun bibig niyang madada, tangina! ipapahamak pa 'ko nito, tumakas lang nga ako, para sa kanya tsk!

Dahil sa ginawa ko napunta ako sa harapan niya, sobrang lapit na nang mga mukha namin, putcha! Di pa rin pala nagbago yun mukha niya, mukhang anghel na ibinaba sa langit--- teka, ano bang sinasabi ko? Gutom na nga yata ako, buhay oh!

"Hmm, mwuy mrix myun mimig ko" pagsasalita niya habang nakatakip pa rin yun kamay ko, tsk! Istorbo eh, nakitang nag-eenjoy pa 'ko eh tsk!

"Ikaw kase, h'wag kang maingay, kundi bubusalan talaga kita" may pagka-seryoso yun boses ko, pero may biro pa rin, epic nanaman siya haha!

Tinanggal niya na yun kamay ko sa bibig niya at dagliang tumango.

"That's my girl!" sabi ko habang pina-pat yun ulo niya.

"Tss, kuya ba kita?" Iritado niyang tanong

"Anong kuya naman? Kadiri naman nang iniisip mo!" Angal ko sa lahat nang naisip niya kuya! Anong klaseng utak 'yan?!, ang gwapo ko namang kuya niya tsk! Isip naman oh!

"Syempre! Kadiri yun nasa harapan ko, kaya ganun din yun lumabas" ganti naman niya, matindeng angkan ni Eba 'to ah!

"Wow! Nasa'n ang kadiri ha? Hanapin mo nga?" Angal ko naman.

"Haya'n oh! yang ugali mo nakakadiri, nakakasuka yuck!" Dinuro niya pa yun ulo ko, parang sinasabing yun na ang  pinaka-kadiring bagay na nakita niya. Grabe siya! Bigwasan ko kaya?

"Kung ako ugali, ikaw yang mukha mo! Mahiya ka nga, lakas ng loob mong sabihin sakin yan!"

"Ba't ako mahihiya? Totoo kaya!"

"Tsk! Kung totoo yon edi sana di ako sikat! Pinagkakaguluhan yata ako ng mga babaeng tulad mo!"

"Nye nye nye, whatever, pupunta na nga lang ako sa DQ, d'yan ka na nga." sabi niya at ayun nag walk-out na. Iiba na rin sana ako ng way, kaso naalala ko ililibre niya nga pala ako.

"Hoy! Ange bumalik ka nga dito ililibre mo pa 'ko." sigaw ko, nilingon naman niya ko at sinenyasan na bilisan ko, tss bad mood, may dalaw 'ata.

Nang maabutan ko na siya dire-diretso nanaman siya naglakad.  Tsk! Unpredictable woman.

"Ang bilis mo maglakad ah! Pinagod mo pa 'ko" angal ko, loko-lokong 'tong babaeng 'to, kaartehan pinapairal.

"Dapat lang! Bilisan mo pumili ka na! Nang makalayas na 'ko" tsk! Ang taray naman neto, sigawan ba naman ako. Siya at siya lang ang nakakagawa niyan.

"Wag ka na ngang masungit diyan." sinasabi ko yun habang kinukurot yun magkabilang pisngi niya, maka-ganti lang haha! Mukha tuloy siyang bunny. "Sige na ako na lang, ililibre kita, ok? Anong gusto mong flavor?" Suhestiyon ko, kahinaan niya ang freebie. Yun na nga yata ikinabubuhay niya. May pera naman siya, kuripot lang?

"Weh?" Tanong niya at tumango ako. "Oh sige Strawberry Blizzard yun sakin, thank you!" Ngiti-ngiti siya ngayon. Libre lang pala ang susi sa pagka-bipolar niya haha!

UNFORGETTABLE (ON-GOING)Where stories live. Discover now