3: MR. F*CKER😠

6 1 0
                                    


(A/N: Sorry for the word.)

Senry's POV

Ngayon nasa tapat na kami  ng counter ng Quantum para i-claim yun card ni Loc. Heto ako nagbubunyi! habang naghihintay. Come to me, you tokens, mama's waiting haha!!

"Good afternoon! Ma'am and Sir, ano pong kailangan nila?" Nakangiting bati ni Ate sa'min

"Miss pwede na ba namin i-claim tong card?" Nagtanong na si Loc dun sa babae

"Yes sir, scan lang po natin yun card niyo"

"Ok" ngiting tugon naman ni Loc

Habang naghihintay kami dun sa card. Biglang may lalakeng naka-mask na naka-shades ang nakabunggo sa may tabi ko. At itong poncio pilatong to, aba! Di man lang nag-sorry! Loko to ah!

"Sorry kuya ha! natamaan ka eh" punong-puno ng sarcasm kong pagpaparinig, dun sa lalakeng I-don't-care-about-his-FUCKING-name.

"Oh! Thank you miss" ngiting-ngiti sabi ni Mr.Fucker tss.

Tinapunan niya pa ako ng tingin pagkatapos niya sabihin sakin yun. Grabeee!! Sobraaannggggg!! Gentleman!! Dahil bastusan! ang gusto niya edi ibibigay ko, binunggo ko din siya. Kung paano niya ko binunggo! Kala niya! At binigyan ko siya ng magandang/nakakalokong ngiti.

"You're Welcome" pilit na ngiti kong sagot.

Haha!! The Victory is mine mwahahaha!! Sinamaan niya lang ako ng tingin, tss as if I care on his stare.

Buti malayo ako kila ate, kung di baka sinita na 'ko nun phew! Tinawag na ako ni Loc dahil nagyaya na siya. Pero bago ko iwan tong FUCKER na to sinabihan ko siya nang...

"So long, FUCKER" pinakadiinan ko yun salitang yun, dahil bagay na bagay lang sa kanya yun. Sasagot pa sana siya kaso iniwan ko na.

"Uy Sen, parang may kausap ka dun ah?" Nagtatakang tanong ni ate

"Ah! Oo nakakainis kase, yun lalake dun, 'di marunong mag-sorry (sarap isampal sa kanya yun salitang yun)" nakakainis na pagkakasabi ko kay ate, dahil sa lalakeng yun hmp! Panira siya ng GV! Ko. (Good Vibes)

"Yun bang naka, cap na naka-shades na naka-mask?" Tanong ni ate

"Oo, puñeta! siya hmp!"

"Oh! Easy hayaan mo na lang makakarma din yun" paniniguro niya

"Dapat lang!"

Tinawag na kami ni Loc at binigyan ng sangkatutak na tokens na dobrang ikinagulat ko! And this is me like :O whooo!! Hahaha!!

"Oy Ange! yun mata mo lumuluwa na haha!" Pang-aasar ni Loc

"Sira 'di noh!" Asik ko naman, bakit? Di naman talaga ah! Onti lang.

"Palusot pa, tara na itodo na natin to!" Pagchi-cheer ni ate, ngumiti na lang ako nag-thank you ako kay Loc at ayun nilayasan ko na sila bahala sila dyan haha!

Una akong pumunta sa Race Car at naghulog ng dalawang token, dahil yun ang kailangan ng game na yun. Tapos pumili ako ng kotse at naglaro na ako. Feel na feel ko maglaro, kahit hanggang third place lang haha! At least nag-eenjoy ako. Magiging first place na sana.... Nang may bumangga sa siko ko. Dahil busy ako sa paglalaro hinayaan ko na lang baka di naman sinasadya eh. Aabot na sana ako sa finish line nang may tumama nanaman sa siko ko! Ayun naging second place lang tuloy ako.

Tiningnan ko yun nagbunggo sakin, nagulat ako at the same time nainis dahil si MR. FUCKER nanaman yun. Argh! Nabwibwiset na talaga ako! Isang-isa na lang! Ang mas kinainis ko, ngumisi pa talaga siya. Pinapahiwatig lang nun na sinadya niya talaga. Kaya pala di marunong mag-SORRY putek!Sige lang ngumiti ka diyan, tingnan natin kung magagawa mo pa 'yan, Tatayo na sana ako ng bigla siyang magsalita.

"Hi." Tinanggal niya pa yun mask niya at ngiti-ngiting bumati sakin si FUCKER, Alam kong nang iinis siya binati ko rin siya.

"Hello" naka-smile ko ding sabi.

"Sorry nga pala, nabunggo kita kanina" tss akala mo paniniwalaan kita?!?

"Wala yun, ginawa mo lang naman akong second place sa paglalaro ko tss" puno ng sarkasmo kong pagkakasabi, straight to his fucking face.

"Hmm, ganun ba sorry ulit" natatawa niya pang sabi sakin, sira ba ulo nito?!? O talagang sira talaga? Lakas niyang makipag-usap eh, di ko naman siya kilala FC? "Alam ko na! Para mag-first ka naman, maglaro tayo dun sa may basket shooter!" Para siyang bata kung makipag usap sakin. Ang laki-laki niyang tao, di akma si Koyang tsk! "Siguro marunong ka naman?" Sasagot na sana ako nang bigla niya kong hilahin papunta dun. Close ba kami? Ba't di ako na inform? Kanina lang nang aano siya diyan, tapos nang hihila na siya! Ano to?!

"Oy! Mister, kaya ko maglakad noh! Di mo kailangan mang-hila, huy! Ano ba?!" Naiinis na talaga ako dito, pero napaisip ako parang magkakilala yata kami?

Sa wakas nakarating na din kami. Tutal nandito na rin ako maglalaro na lang ako, bahala siya sa buhay niya. Nang-aabala siya, nag-eenjoy na nga ako dun sa Race Car haist!

"Uy, wait lang sabay tayo" sabi niya, pinigilan pa niya yun kamay ko. FC be like tsk! Tsk! Tsk! (Feeling Close). Ni 'di ko nga alam pangalan nitong kasama ko eh!

"Pwede ba! Maghuhulog ako kung kailan ka gusto, tsaka wag ka ngang feeling, na CLOSE tayo, ni 'di nga kita kilala!" Naiinis kong sabi sa kanya

Tinawanan niya lang ako, ang weird niya talaga. Wala ba siyang alam gawin kung di tumawa?!?

"Haist! Ewan ko sayo." Nagsimula na akong maglaro, do'n ko binuhos ang AWKWARDNESS na nagaganap ngayon.

"Tsk! Tsk! Tsk! Maikli pa rin ang pasenya mo, Ange"

May narinig akong bumulong, siya yata 'yon.

"May sinasabi ka ba?" Tanong ko sa kanya.

"Wala naman," naka-ngiti nanaman niyang sabi. Naaalidbaran na 'ko sa kanya hay!

"Mawalang galang na ha! Ano bang pangalan mo?" Rude kong pagtatanong sa kanya, eh sa naiinis ako! Bakit ba?

"Ikaw muna, ladies first" naka-ngiti nanaman niyang tanong pabalik.

"Ayoko nga! Ako unang nagtanong, kaya dapat ikaw ang unang sumagot"

"Sasagutin ko yun tanong mo, pag nanalo ka sakin sasagutin kita, game?" Pagpipilit niya sakin, ano ba yan? Nagtatanong lang eh! Pa-importante, VIP ang putek?!? Ano pa bang magagawa ko? Di niya yata kilala yun kinalaban niya.

"Oh sige ba!" Sagot ko

"Ok maghulog na tayo ng tokens" naka-ngiting sambit niya.

"K." Malamya kong sagot at ayun tumawa siya, tss wirdo.

Naghulog na nga kami ng tokens at natanggal na yun harang sa mga bola, nagsalita na rin yun audio nang "GO!" Nag-umpisa na akong mag-shoot, dalawang puntos kada hulog sa basket. Nakaka-tatlong hulog na ako, kaso yun kalaban ko nakaka-apat na. Kaya ayun binilisan ko mag-shoot, yes! Ahead na ako sa kanya ng two points all right! Tenen! Tumunog yun bell hudyat na natapos na, and guess what guys NANALO AKO! Yehey!! Sabi ko naman sa inyo MEDYO magaling talaga ako haha!! Captain pa lang ako ng Basketball sa 'min bwahaha!!

"Bravo! Magaling ka ha!" Puri niya sakin

"Salamat, señor" pagpapasalamat ko sa kanya, kahit hindi bukal haha!

"So I guess, let's seal the deal?"

"Yeah, just say your name" iritado kong sabi, pabitin pa tss

Hindi ako makapaniwala, siya si...

Tinanggal na niya ang shades niya "Sorry to be rude, a while ago Ange.." Ang boses niya, 'di na parang bata. Parang totoong lalake na, yun pagiingles niya alam na alam ko. "I'm Vildrin Velasco, remember me Ange?"

Ano daw? Ba't di ko naalala? Because of this moment, it leave me speechless and shock.

WORD FOR THIS CHAPTER:

*FUCKER
(PARA KAY SENRY)
- LALAKE/BABAENG WALANG MODO.

UNFORGETTABLE (ON-GOING)Where stories live. Discover now