7: HEART TO HEART TALK💖

2 1 0
                                    


Nasa kama na 'ko, nakahiga iniisip pa rin yun nangyari nung isang araw. Grabe! Sobrang nakaka-loka! Pagtapos sabihin ni Drin yun pamatay niyang linya. Napa-ngiti na lang ng malungkot si Loc at sinabi niyang "That is not easy Vildrin" tapos sabi naman ni Drin "We'll see" pagkasabi niya no'n bigla niya 'kong hinalikan sa noo, nagulat naman ako ng bongga do'n. Hindi lang 'yon kinuha niya ang phone ko sa bag ko at kinuha niya yun number ko. Di ko nga napigilan ang bilis nang pangyayari. Pakatapos sinabi niya sakin "I'll be back, Ange" at hinalikan nanaman ako sa noo. Naglalad na siya palayo non.

Nung umalis na siya d'on ko lang na-realized na hinalikan niya 'ko. Kaso nakatakas na ang damokal di ko tuloy nasapak kainis! Nasa stage ako ng pagka-inis ko nang bigla akong niyakap ni Loc, gumawa rin siya ng eksena niya. Malamang nagulat nanaman ako tas sabi niya "Bye Ange, see you sa pasukan!" At umalis na rin siya. Grabe nakaka-drain ng utak yun mga happenings na gan'on!

Nasa stage pa 'ko ng pagka-gulat ko nang biglang tumili si ate Inta at inalog-alog pa ang balikat ko. Kinikilig ang lola niyo no'n sarap hambalusin ng palakol eh! Dahil do'n sa nangyari umuwi na rin kami pagkatapos.

Nung umuwi kami saktong nando'n na rin ang Mama't Papa. Onting chika-chika lang with them tapos kumain, then ako diretso na sa kwarto. Iniisip yun.

Ba't kailangan nila gawin yun? Para saan ba yun? Kailangan talaga gawin yun? Yun Fucker na Vildrin na yon! Akala niya natutuwa ako sa ginawa niya? Hinde noh! That's a big NO! Gagu yun! May pahalik-halik pa sa noo, pahalik ko siya sa sa Cobra eh! Tingnan natin kung mabuhay pa siya! Tapos... tapos kinuha pa yun number ko! Magnanakaw! Di man lang nga nagpaalam eh! Pakulong ko kaya! Pwede bang kasuhan 'yon nang robbery?! Argh! Nakakainis!

Hay! Wala na rin naman akong magagawa, nangyari na. Hay nako!

Sinabi ko na 'to kay Mama kanina lang. Habang kinekwento ko ang mga nangyari. Nakaka-gulat lang kasi imbes na magalit siya natutuwa pa! Kinikilig pa nga si Mama na opposite nung nararamdaman ko. Ang sabi niya lang sakin hayaan ko lang daw yung mga lalaking 'yon, kase daw sa susunod na magkwekwento daw ako sa kanya. Mamimili na daw ako. Di ko gets si Mother n'on. Ang sabi ko, bakit? Tapos sabi niya lang (just wait my dear) at ayun nilayasan na 'ko.

Dahil do'n sa mga sinabi ni Mother napapa-isip tuloy ako. I'm not stupid to know what my mother just say. Alam ko yun pinu-punto niya na magkaka-gusto sakin yun dalawa. But that will be the funniest joke of all time hahaha! Napaka-imposible naman yata n'on. Pero mothers are definitely right 99% all the time. Ugh! Nakaka-sakit ng ulo, stop thinking muna nga ako. Masira beauty ko niyan haha! Char.

Its 9 o'clock in the evening and still nakahiga pa rin ako sa kama. Biglang may kumatok, napatayo ako at binuksan yun pinto. Si papa lang pala.

"Hi Pa!" Magiliw kong bati. Tinanguan lang ako ni Papa at pinatuloy ko na siya sa loob. "What's the matter Pa?" Tanong ko

"Wala naman, I just want to talk to you, your mother told me, na may gumugulo yata sayo" naka-ngiti niyang sambit. Tsk! Mama talaga ang daldal.

"Yes Pa! Ahm did Mama told you?" Natatakot kong tanong, baka mamaya kasi anong isipin ni Father Dear, mahirap na.

"Yeah! Kasi naman anak di mo kasi kinain yun strawberry fudge na binili ko eh!" Nagtatampong sabi ni papa, para siyang bata haha! "So I thought na may problema ka, it's about boys am I right?" Naniniguro niyang tanong. Kaya pala eh, never kasi akong tumatanggi sa mga strawberry flavored na pagkain. Haha! My father really knows me, I'm flattered.

"Yeah Pa! Kase naman ang weird nung MGA ginagawa nila, I don't get it Pa?!---" di ko natuloy ang sinasabi ko dahil nag-react si papa.

"Wait! Mga? So anak, BOYS yun, haha! May pinagmanahan ka talaga haha! And it's me of course hahaha!" Proud na proud na sabi ni papa if mama could hear this, nasabunutan na si papa tch!

"Pa! Tama ka po BOYSSSS! Nga, alam ko naman po yun meaning nung pinapakita nila. But I don't want to assume. What if Pa? I'm wrong, I'm really worried." Malungkot kong sabi.

"Hmm, so 'yan ang iniisip mo I understand anak. But why don't you ask them? By that you can clear your mind" suhestiyon ni papa, my father has a point. "Or you can wait for them to confess their feelings, just don't stress to much anak, and sa susunod 'wag mo idadamay ang fudge" haha! Napatawa ako do'n sa sinabi papa. "Goodnight sweetie, I hope na nakatulong ako. May pasok na bukas, better have a good sleep." By that iniwan na 'ko ni papa.

Siguro susundin ko na lang si papa I won't stress out. Yeah! 'Yon na lang ang gagawin ko.

Matutulog na sana ako nang makaramdam ako nang gutom. No choice ako kailangan ko sundin ang aking belly-belly. Dumiretso ako sa kusina, pumunta sa ref at kumuha ako ng black forest cake, cookies tsaka yun fudge. Umupo ako dun sa sala. Nilibot ko ang paningin ko sa sala namin. Sa paglilibot ng paningin ko nakita ko si kuya Sirion, naka-upo siya d'on sa may pintuan parang may malalim na iniisip, gaano kaya kalalim? Haha! Char. Tumayo na siya at nung nakita niya 'ko bigla siyang nag-smile sakin.

"Oh ba't gising ka pa?" Tanong niya at umupo sa tabi ko at kumuha ng cookie.

"Eh sa gising pa 'ko----"

"Tch! Pilosopo" sabi ni kuya at sinapok ako. Gagu talaga siya, rot in hell hmp!

"Aray ko!" Sambit ko at ginantihan ko din siya. Hmp! Kala niya ah! Napa-mura siya at parang sinusumpa na rin ako sa isip niya haha! We're really are siblings. "I'm awake, because I'm hungry. Eh ikaw ba't nagi-emo ka do'n?" Tanong ko.

"Tch! You don't care." Taray ng lolo niyo, daig pa yong babaeng may mens. "I heard you have suitors. Haha! I can't believe it. Si bunso?! May manliligaw?! What a joke?! Bwahaha!" Bumulalas na siya ng tawa. Yun tawa niya parang 'yon na ang pinaka-nakakatawang joke na narinig niya. Tangina neto! Mas ok na pala yun masungit siya.

"Tsk! Makiki-balita ka na lang mali-mali pa." Umiiling ako habang sinasabi ko 'yon. Mali naman talaga siya eh. "They're not SUITORS! Nagpapakita lang sila nang motibo IDIOT!" Yeah! Naka-ganti rin it's time to laugh. Hahahahaha! Di siya makapaniwala haha!

"(Is that so?)" Tanong niya sakin, tumango naman ako. "Well..." Mukhang manenermon siya, naku! "Bring those boys to me, I need to talk to them---" pinigil ko si kuya. "But kuya, I'm not sure. Baka mamaya mali lang ako. You don't need to do that" suggest ko, di naman talaga dapat.

"Hmm ok, but if they still doing those silly things, I will talk to them (understand?)" Pagpa-paliwanag niya. Tumango naman ako kagaad.

"Good its settled then. Tara na matulog na tayo." Naka-ngiti na niyang sabi. Kanina lang seryoso siya, then ngayon naka-smile na. Whaattt the hell?!

"Oo na! Tch! Weirdo" sabi ko na lang, ang baluga tumawa lang. Kailangan ko na nga yata matulog. Bye world! Need to rest.

WORD FOR THIS CHAPTER:

*MOTIBO
-GAWAING NAKAKAPAGPA-GULO KAY SENRY.
-UMAASA SIYA TULOY
-DI PA RIN SIYA MAKATULOG.
(SENRY: TULOG NA 'KO NOH! ZZZZZ!)

(A/N: TULOG NA DAW SIYA MATULOG NA RIN KAYO!)

UNFORGETTABLE (ON-GOING)Where stories live. Discover now