PROLOGUE

525 27 1
                                    

"ano na?"

"H-hindi ko alam kung ano ang g-gagawin." Takot kong sagot. Habang ang paningin ay nasa mga kaibigan ko.

"Pinasok mo ang gulong ito kaya dapat alam mo din kung paano ka lalabas!" Inis niyang sabi sa akin na kaming dalawa lang ang nakaka-rinig.

"N-natatakot ako."

"Walang lugar ang takot mo oras na ito. Maging matatag ka dahil ikaw ang dahilan kung bakit ka nandito at kung bakit nandito ang mga kaibigan mo." Seryoso niyang sabi.

Hindi na ako nakapag-salita pa sa sinabi niya.

Nawala ang angas at pagiging matapang ko sa nangyayari. Pakiramdam ko ay hinang-hina ako at hindi na kaya pang lumaban. Pakiramdam ko ay gusto ko na lang sumuko at tanggapin ang pagkatalo ko at humandang mamatay.


'Hindi ko na alam ang gagawain ko.'

Mula dito sa pinag tataguan ko ay kitang-kita ko kung paanong naka-upo si Renz, Brent at... kuya Rigel sa silya habang naka-tali ang kanilang mga kamay sa likod.

Hirap-na hirap ang mga ito. Kitang kita ko ang dugo na dumadaloy sa mga muka nila mula sa noo. Pati na ang mga pasa, gulo ang damit at punit-punit... marurumi silang tignan. Lupaypay ang mga balikat at parang nahihirapan pang huminga. Subalit mas malala ang kay Kuya Rigel, parang kada hihinga siya ay may kumikirot sa kanya kaya napapangiwi ito.

Pumatak ang luha ko sa nakita ko. Hindi ko kayang tignan ang mga kaibigan kong ganyan, malakas sila kagaya ko kaya hindi ko lubos maisip na aabutin nila ang sobrang bugbog.

Suminghot ako dahilan upang mapalingon sa akin ang kasama ko.

"Ano? Iiyak ka nalang? Wala kang gagawain? Kung ganoon naman pala ay umalis na lang tayo, nag-aaksaya lang tayo ng oras dito, baka mahuli pa tayo." Sabi niya sa akin kaya agad akong napa-lingon sa kanya.

Akmang aalis siya subalit pinigilan ko. "H-hindi, hindi tayo aalis... i-ipagtatanggol ko ang mga kaibigan ko saka si k-kuya." Sabi ko sa kanya saka nag-punas ng luha na dumaloy sa mga pisngi ko.

"Eh 'yun naman pala eh, halika na." Pag-aya nito sa akin.

Pag kasabi niya niyon ay agad akong tumayo at huminga ng malalim. Tahimik kaming lumakad papasok ng abandonadong bahay na iyon na ginawang hideout.

"Ikaw ang bahala sa pag-pasok sa loob... ako na ang bahala sa pag babantay sa labas. " Sabi niya. Tumango naman ako bilang pag sang-ayon.

Tahimik kaming nag sasalitan ng mga talon at lakad habang malikot ang aming mga mata at alisto sa bawat galaw namin.

Ang ilan sa mga tauhan ay tulog, mga lasing. Agad akong lumapit sa isang naka-higa sa sofa na gawa sa plastic, hawak pa niya ang isang bote ng alak habang tulog na tulog at nag hihilik. Dahan-dahan kong kinuha ang susi at umalis.

"Bilisan mo, baka maabutan tayo ng mga tauhang gising." Bulong niya kaya nag-madali akong buksan ang pinto ng silid na alam kong kinaroroonan nila.

Medyo nahirapan pa ako sapagkat marami ang susi na hawak ko. Nang maka-pasok ako ay tumingin muna ako sa kanya. Tumango naman siya sa akin habang naka-ngiti kaya pumasok na ako.

SHE, IS MY BOYFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon