Jilliane's POV
"Jilliane!"
Narinig ko ang sigaw mula sa labas ng bahay samin. I hurriedly jumped out of my bed.
Tss. Sino ba kasi yun??
I took a look in my window with my feet still bare. Nakita ko ang isang figure ng lalaki. Sa sobrang taranta ko kanina, nakalimutan ko ng mag-suot ng tsinelas.
Dali dali kong tinignan ang sarili ko sa salamin. Not bad. My long hair was tied in a pony tail. Abot bewang na rin yung haba niya. Bumaba narin ako mula sa kwarto. I saw my mom giving me a why-are-you-like-that look.
"Ma, yung kaklase ko po nasa labas. M-mag gagala lang po kami sa village" sabi ko ng mag medyo pag aalinlangan.
Syempre, mahirap na. Lalaki yung nasa labas. Baka mapag kamalan pang manliligaw ko.
"H-hi!" Bati ko kay Wendell pagbukas ng pinto.
'Awkward'
"Ano? Tara na?" Sabi ni Wendell na parang wala lang sakanya.
Feeling close agad ang koya mo
Bahala na. Magiging kaibigan ko rin naman 'to. He's wearing red sando paired with basketball shorts. His hair were neatly fixed. At ngayon ko lang napansin, his nose was narrow. Hindi sya sobrang tangos pero maganda tignan. Makikita rin sa maitim niyang braso ang maliliit na muscles. Though maliit palang sila pero defined na.
May abs kaya sya? Hihi.
Tangina, Jilliane?? Ano yon? Tama na nga sa pagpapantasya sakanya!
"Huy! Jilliane? Punta muna tayo doon ah? May ipapakilala ako sayo." Napatalon ako sa gulat nang biglang magsalita si Wendell sa tabi ko. He has this normal voice; not too deep and not too high. Using his undex finger, tinuro niya sa akin kung saan kami pupunta.
Hindi malayo pero hindi rin malapit. Sakto lang kumbaga. Natunton na namin nitong lalaking 'to yung bahay nung ipapakilala daw niya sakin. Parehas kami ng model ng bahay pero yung kanila, may mga halaman na.
Wow.
Pinasadahan ko ng tingin yung bahay nila. There were so much flowers. May orchids, gumamelas and may white roses pa. Ang sarap tumambay dito pag naayos pa at nagkaroon ng mga upuan.
Makalipas ang ilang sandali, lumabas na rin yung sinasabi ni Wendell na ipapakilala niya sakin. She seems amazed while looking at me.
'Ngayon lang ba sya nakakita ng tao?'
Tumawa ako ng bahagya dahil sa naisip. She's still staring at me. Onti nalang talaga mag wo-walk out na ako dito.
She's not that tall pero mas matangkad siya sakin ng konti. Her body was built better than mine. May pagka chubby sya pero hindi naman mataba talaga. Medyo maitim din sya katulad ni Wendell but she's fairer.
Wearing gray shirt paired with yellow basketball shorts, she still looks simply gorgeous. Her long silky chocolate brown hair touches her back perfectly. Kahit sa malayo, kitang kita yung pagkaka 'V' ng gupit niya.
I'm kinda jealous of her right know.
Lumapit siya samin with a slight smile on her face.
"Uhm Jilliane, siya nga pala si Louise Athena Lei Figuroa. Parehas lang din ng school na pinapasukan natin." Sabi ni Wendell pagkalapit samin.
"Louise, si Jilliane nga pala. Classmate ko. Taga dito lang din sya." Pagpapakilala sakin ni Wendell.
Hindi ko alam kung anong i-re-react ko kaya ngumiti nalang ako at tumngin sa lapag.
Matapos ng maikling pagpapakilala, nag lakad lakad na kami dito sa village. Onti palang ang nakatira dito kaya tahimik. Katulad ng paligid, I also stayed quiet. Parang ang tagal na kasing magkakilala ni Louise and Wendell so medyo awkward para sakin. Though may mga times na nakikitawa ako but I only give them a short, silent laugh with only a slight smile.
Hindi naman talaga kasi ako tahimik. Nasanay ako na ako yung kilala agad ng mga kaibigan ko. I know this one's different kasi nga bago palang ako.
Nauuna sila sa paglalakad habang naghaharutan. I smell something between them.
Hindi kaya—
"Jilliane!" Natigilan ako sa pag iisip nang bigla akong tinawag ni Louise.
Shit, pakiramdam ko lumundag yung puso ko. Bat kasi nanggugulat eh.
I looked at her and gave her a smile. Ngumiti rin sya pabalik.
"B-bakit?"
Jilliane bat ka nag s-stutter? Hindi naman siya mukhang nangangain ng tao eh!
Instead of answering my question, she looked at me in the eye for a second at nilipat ang tingin kay Wendell.
Ang weird naman ng mga taong 'to.
Tinitigan ko sya at hinintay sa kung anong gagawin niya. Sinenyasan niya si Wendell using her hands. Tinapik niya ng likod ng palad niya yung baba niya sabay ngiti. Ngumiti rin sakanya pabalik si Wendell tsaka tumango.
Ano daw? M-maganda daw ako?
BINABASA MO ANG
Playing With Fire
Teen FictionIt wasn't supposed to happen. Sa hindi inaasahang pagkakataon, oras at panahon. Hindi ko alam kung paano sumabay sa alon, kung paano makakaligtas mula sa dagat. Dagat ng pagmamahalan na may malakas na alon na tumatangay sa'kin palayo sayo. Am I goi...