Jilliane's POV
Ano daw? M-maganda daw ako?
Hindi naman sa pag e-expect pero yun kasi yung pag kakaintindi ko sa sinenyas niya.
Tumingin ulit pabalik sakin si Louise.
"Gets mo?" Tanong niya ng may nakakalokong ngiti sa labi.
Dahan dahan akong tumango.
Bahala na kung mali yung pag kakaintindi ko. Naintindihan ko parin naman eh.
Tumawa sya ng malakas na syang pinagtaka ko. I raised my right brow on her.
"Hehe, sorry ah? Ang cute mo kasi talaga eh." Sabi ni Louise sakin.
Napayuko ako dahil naramdaman kong unti unting umiinit yung pisngi ko. Hindi dahil sa kilig kundi dahil sa gulat. Kahit marami na akong naririnig na ganon, hindi ko talaga inaasahan na mag mula yun sa taong kakakilala ko lang.
At isa pa, hindi ako kagandahan. Maputi ako pero super payat ko. May mga maliliit na pimples rin ako sa mukha pero halatang halata naman.
"Anong grade ka na po ba?" Tanong ko kay Louise. Na-curious din kasi ako kung paano sila nag ka kilala ni Wendell. Hindi ko rin naman kasi sya nakita sa pila ng Grade 9 nung first day.
"Grade 11 na ako. Siguro nagtataka ka kung paano kami nagkakilala nito noh?" Sagot ni Louise sabay turo kay Wendell. Ay mali, ate pala.
Dahan dahan muli akong tumango.
"Sa bus." Tanging sagot niya kaya hindi na muli akong nagtanong pa.
Louise's POV
Palabas na ako ng bahay dahil tinatawag ako ni Wendell. Schoolmate ko at busmate na rin. Parehas lang naman kasi kami ng subdivision tsaka ng school kaya lagi kaming sabay papasok ng school.
Tinaas ko ang salamin ko na nahuhulog na at lumabas na ng bahay.
Natigilan ako nang makitang may kasamang babae si Wendell.
Ang ganda niya.
Sakto pa ng matapat sa araw ang buhok niya. Brown na brown at mukhang tanso. Maayos rin ang pagkakatali ng mahabang buhok niya.
Lumapit ako sakanila at binigyan ng maliit na ngiti.
"Uhm Jilliane, siya nga pala si Louise Athena Lei Figuroa. Parehas lang din ng school na pinapasukan natin" Pagpapakilala sakin ni Wendell.
Buong pangalan talaga? Di ba pwedeng nickname lang,ganon? Kotongan ko kaya 'to ngayon? Ay, joke, wag na pala. Baka sugurin ako nung babae eh.
Di kaya... girlfriend 'to ni Wendell? Pero paanong—?
"Louise, si Jilliane nga pala. Classmate ko. Taga dito lang din sya" Natigil ako sa pag-iisip nang mag salita nanaman si Wendell.
Di talaga matigil bunganga nito. Kalalaking tao ang ingay ingay eh. Pasalamat siya gwapo siya kundi, baka matagal ko ng kinick out 'to sa bus.
"Jilliane!" Tawag ko sakanya.
Teka, bat ko nga ba siya tinawag? Si Wendell dapat kakausapin ko eh. Bahala na nga. Napansin ko ring medyo nagulat sya sa tawag ko
Pfft. Hehe. Parang kabadong kabado naman siya, hindi naman ako nangangain ng tao, ah?
"B-bakit?" Tanong ni Jilliane pero di ko na sya pinansin. Sumenyas ako kay Wendell ng 'may itsura sya' sign. Well, totoo naman kasi.
Bwisit na 'to. Sinabihan ko lang na may itsura si Jilliane tapos kung makangiti naman pasimple pa. Suuuus!
Hindi ko alam kung saan nanggaling pero bakit parang nainis ako sa reaksyon nung lalaking yon?
May naramdaman akong titig kaya naman napatingin ako muli kay Jilliane.
Namumula siya
Napansin kong medyo dumidilim na rin kaya naman napagpasyahan na rin ni Jilliane na umuwi.
Hinatid namin siya ni Wendell tutal malapit lang naman sa tinambayan namin sa tabi. Hindi ko alam pero bakit parang hindi ko pa yata gustong umuwi? Kung tutuusin kasi gabi na.
Mapapagalitan ako neto.
Hm, pero kung kapalit naman nito ay makasama si Wendell kahit saglit lang, edi go! Tsaka, may gusto rin naman kasi akong sabihin sakanya.
"Uy! Natahimik ka diyan?" Sabi sakin si Wendell sabay tapik ng mahina sa braso ko.
Tiningnan ko siya. Mula buhok, hanggang sa mga mata niyang para bang kumikinang at sa mahabang lilikmata niya. Sa ilong na hindi katangusan pero nakakaakit tingnan. At sa mga labi—
Teka, mali 'tong iniisip ko! Erase, erase.
Nababaliw ka na, Louise.
Napa-iling nalang ako sa naisip. Halatang halata sa mukha ni Wendell ang pagtataka.
Umupo muna kami sa sidewalk malapit sa bahay nila Jilliane. Tanaw na tanaw mula rito ang bintana sa kwarto niya. Hindi naman niya siguro kami mapapansin.
Nanatili ang saglit na katahimikan kaya naman napasulyap ako kay Wendell. Nakatingin lang siya sa malayo. Ang lalim ng iniisip.
Pasensya ka na sa sasabihin ko. Sana makayanan mo.

BINABASA MO ANG
Playing With Fire
Teen FictionIt wasn't supposed to happen. Sa hindi inaasahang pagkakataon, oras at panahon. Hindi ko alam kung paano sumabay sa alon, kung paano makakaligtas mula sa dagat. Dagat ng pagmamahalan na may malakas na alon na tumatangay sa'kin palayo sayo. Am I goi...