Jilliane's POV
Pagdating ng bahay, umakyat na ulit ako sa kwarto tutal wala rin namang tao sa baba.
Hindi pa rin naman ako nagugutom kaya dito muna ako sa kwarto. Ni lock ko yung pinto at dumiretso muli sa bintana. Hindi ko alam kung anong meron pero naging parte na 'to ng buhay ko;
Ang pag tingin sa mga tala tuwing gabi.
Ang sarap nilang pagmasdan. Nakakakalma.
Paano kaya kung dumating na yung taong para saakin? Makakayanan ko ba? Hays, ewan.
Kung ano ano nanaman ang pumapasok sa isip ko. Tuwing tumitingin kasi ako sa mga bituin, nakakalma ako pero ang dami kong naiisip. Mga what ifs. Siguro dahil na rin 'to sa masyadong pag babasa ng mga pocket books na kina-a-adikan ko.
Dumidilim na kaya nama'y lalong lumulutang ang liwanag ng buwan at ng mga bituin. Pinasadahan ko ang paligid. Maganda, malinis at maaliwalas pa.
Sa pagtiti tingin ko sa paligid may nakita akong anino. Dali dali kong sinara ang kurtina sa sobrang takot.
My heart keeps on beating as if it's coming out of my chest. Nanginginig na yung tuhod at labi ko. Pakiramdam ko'y namumutla na rin ako. Nalalamig ang mga kamay at paa.
Ang duwag ko. Dapat kong palakasin ang loob ko.
Dahan dahan, sumilip muli ako sa bintana at hinawi ang kurtina. Tumingin ako sa banda kung saan ko nakita ang dalawang anino kanina.
Hindi sila multo.
Pinilit kong aninagin ang mukha ng dalawang aninong nakikita ko pero pa unti unti palang ang pag proseso nito.
And when my eyes got the right focus, naaninag ko na ang mukha nila. They look familiar from afar.
Teka, si ate Louise at Wendell yun ah?! Ano kayang gunagawa nila dun sa mga gantong oras?
Siguro...
Louise's POV
Pasensya ka na sa sasabihin ko. Sana makayanan mo.
Hindi ko alam mung paano ko sisimulang sabihin sakanya.
Nakatitig parin ako sakanya habang nakatanaw siya sa malayo.
Lalo siya guma gwapo pag naka side view.
Shit! Ano nanaman bang iniisip mo,Louise?!
Kitang kita sa kanyang nga mata ang unti unting pag pugay nito.
Lumalalim na ang gabi. Kailangan ko nang sabihin 'to.
I cleared my throat to catch his attention. At hindi naman ako nabigo. Napatingin siya muli sa'kin.
"M-may sasabihin sana a-ako." Kabado kong sabi sakanya. Pano ko ba sisimulan?!
"Ano yon?" Ngingiti ngiti niyang sagot.
Pano ko naman sasabihin sakanya kung ganyan siya makangiti?! Umuurong yung dila ko eh!
Bumuntong hininga ako at pinilit kong ngumiti pero nabigo ako. Napayuko ako at unti unting namuo ang luha sa mga mata ko.
Kailangan ko na talagang sabihin.
Bago pa bumagsak ang luha ko, inangat ko ang tingin ko sakanya at pinalakas ang loob ko. Tiningnan ko siya ng deretso sa mata.
Isa, dalawa—
"Pwede bang manligaw?"
"Itigil na natin 'to."
Sabay naming sabi ni Wendell.
Teka.. ano daw?
Unti unting namilog ang mata ko nang mag proseso sa utak ko ang sinabi niya.
Takte naman oh! Lalo akong naiiyak eh.
"S-sorry." Tanging salitang lumabas sa bibig ko.
Nagkaroon ng saglit na katahimikan sa pagitan naming dalawa.
"Bakit?" Deretsong tanong niya. He's keeping his face straight pero kitang kita mo sa mga mata niya yung sakit.
"May iba ba?" Dagdag niya pa.
Hindi na ako makatingin sakanya ng deretso.
Oo, meron. At ayokong aminin sayo. Ayokong malaman mo.
Ngayon palang, nasasaktan na ako para sayo.
Nanatiling akong tahimik. I can feel my tears rolling down my cheeks. Agad ko itong pinunasan pero hindi ko na kaya. Humagulgol na ako ng iyak at sinubsob ang mukha ko sa tuhod ko.
Pasensya ka na.
Hinayaan ko ang sarili ko na himagulgol sa tabi niya. Basang basa na rin yung salamin ko.
Nararamdaman ko ang hampas ng hangin sa braso ko at talaga namang nanunuot sa balat ko ang lamig. Napatalon ako ng bahagya nang maramdaman ang init ng palad. He gently hugged me from the side.
It gives me comfort.
"I understand. Kung hanggang dito lang muna tayo, papayag ako. Pero ayokong mawala yung friendship natin. Sana magtagal kayo."Mahinang sambit niya gamit ang malumanay at medyo mamalat-malat na boses. Walang bahid na pait sa boses nung sinabi niya ang mga katagang, 'sana magtagal kayo.'
Sincere na sincere ang pagkakasabi niya noon. Parang... parang huling salita na niya yun saakin.
Ayoko. Ayoko, please. Kahit kaibigan lang.
Nagbigay siya ng malungkot na ngiti at nagpaalam na.
He didn't even bother to ask me para ihatid ako.
Parehas kaming nahihirapan sa sitwasyon.
Tiningnan ko siya habang humahakbang palayo. Parang bang umaalis na sya... sa buhay ko.
BINABASA MO ANG
Playing With Fire
Teen FictionIt wasn't supposed to happen. Sa hindi inaasahang pagkakataon, oras at panahon. Hindi ko alam kung paano sumabay sa alon, kung paano makakaligtas mula sa dagat. Dagat ng pagmamahalan na may malakas na alon na tumatangay sa'kin palayo sayo. Am I goi...