Louise's POV
I sighed. Medyo nakakapanibago parin pala pag senior high. Pero okay narin kasi kahit na new student ako, approachable naman silang lahat.
Dalawang buwan na rin naman na kaya't ramdam ko na magiging maayos ang taong 'to.
"Uy Louise! Ang tahimik mo ata? May performance tayo sa flag cem ha. Marunong ka ba mag beatbox?" Dere deretsong tanong ni Aaron. He's tall— dobleng tangkad ko ata. Medyo moreno, has this perfect white teeth, and same vibes as mine. Kaya bestfriend ko 'to eh. Ang daling makasundo.
"Ah, oo. Sorry medyo lutang lang." Sagot ko sakanya.
Pinagpatuloy namin ang pag eensayo para sa sa darating na pagtatanghal. Since kaya ko naman magturo at gumawa ng choreo, hinayaan nila na ako na mag take charge dito.
At si Aaron? Lalo kaming naging close.
'Makakasundo din nito si Jilliane.' Bulong ko sa sarili. Kasi naman, pareho lang naman kami ni Jilliane ng tipo at 'tong lalaki ito naman, madaling makasundo. Para ngang di nauubusan ng kwento.
Pagkauwi ng bahay, nagbihis ako agad at dumeretso kila Jilliane. Kilala naman na ako ng mommy niya kaya okay lang na tumambay ako doon madalas.
Nang makarating sa pinto nila, sinalubong naman ako agad ni Jilliane. I always chat her first before going. Nakakahiya parin naman kasi na basta basta nalang pupunta.
"Ma, akyat lang kami ha?" Ani Jilliane kay tita. Tumango lamang ito bilang senyas ng pagpayag.
"Hoy." Banggit ko kay Aaron na nasa facetime kaharap ako habang si Jilliane naman ay naka upo sa kama, nasa likod ko lang. Kumportableng kumpurotable ako sa pagkakaupo pero si Jilliane, halatang hiyang hiya pa.
Sabagay, hindi pa naman kasi niya kilala.
Si Aaron kasi, kinukwentuhan ko na about kay Jilliane. I even send him pictures of her. Infact, crush nga niyang si Aaron si Jilliane. Sadyang di palang talaga sila magkakilala nang lubos.
"Jilliane, cr lang ako ha? Kausapin mo muna si Aaron." Sabi ko sabay alis at deretso cr.
'Sana naman mag usap yung dalawa na yon hay.' Buntong hininga ko sa isip.
Alam ko naman kasi na mahiyain si Jilliane pag hindi niya kilala. Bukod nalang din siguro sakin dahil alam mo 'yun? May nararamdaman ka talagang koneksyon sa tao kahit kakakilala mo lang.
Jilliane's POV
"Hello." Tipid kong sabi sa lalaking bestfriend kuno ni Louise na kaklase niya. He doesn't look that bad though. I mean he looks okay but not really stunning. I just don't know how to start conversations.
'Bakit ba kasi nag cr pa si Louise eh. Ang awkward tuloy.'
Nagsimula na akong kabahan dahil medyo nagtatagal na at wala parin si Louise. Nalunod na ata sa cr.
'Shit this is awkward.' I started to panic a bit because of anxiety that I might piss this guy off by not talking to him.
Few seconds after, he started talking again. "Ako nga pala si Aaron. Kilala na kita. Nakukwento ka ni Louise sakin. Ilang taon ka na pala?" Pag sisimula niya ng pag uusap.
"14 palang. Ikaw ba?" As usual, tipid nanaman. Is it my fault that I can't really open up or broaden up topics? Hell, take me now.
My cheeks are flushing red because of shame. Nakakahiyang hindi ko man lang maayos yung pag uusap namin.
He started making jokes, telling minor things about him. I found out that he's 17 and he took STEM for his senior strand. Magaling naman daw kasi siya sa math at science sabi Louise. Sadyang tamad lang talaga.
"Pwe—" magsisimula pang siya pero biglang naputol at tuluyan na akong napalingon dahil sa pag ingit ng pinto. Andito na pala si Louise.
Patuloy silang nag uusap habang ako, nakikitawa pag may jokes, nakikisali paminsan minsan pag tinatanong o kaya naman pag sinasali ako ni Louise.
Still, I'm sitting in the bed. Ang gulo ng isip ko. I just got to know that guy pero ang lakas ng kutob kong mahuhulog ako sakanya. With his corny and simple jokes, napapatawa niya ako.
He makes me feel overwhelmed. And liking him is not impossible.
BINABASA MO ANG
Playing With Fire
Fiksi RemajaIt wasn't supposed to happen. Sa hindi inaasahang pagkakataon, oras at panahon. Hindi ko alam kung paano sumabay sa alon, kung paano makakaligtas mula sa dagat. Dagat ng pagmamahalan na may malakas na alon na tumatangay sa'kin palayo sayo. Am I goi...
