CHAPTER ONE

91 2 0
                                    


[C H A P T E R O N E]

Diega's POV

"Oh my God! Oh my God!" Malakas ang sigaw ko habang nanonood ng dalawang babae na nagsasabunutan in a broad day light.

Nakakaloka naman kasi ng sobra ang rambulan ng dalawa. Dalawang babae. Dalawang babae na hindi naman kagandahan ang nag-aaway sa gitna ng mataong lugar. Siyempre. Mataong lugar dahil palengke. Araw pa naman ng palengke ngayon. Araw kung saan bumababa ang mga produkto ng mga taong nagtatanim at nakatira sa upper na bahagi ng lugar namin.

Pero bago saan-saan pumunta ang utak ko. Ishe-share ko lang sa inyo kung paano ba nagsimula ang sagutan, sampalan, sabunutan, dyumbagan at kung ano-ano pang kaeklatan ng dalawang babae.

Well, base sa narinig ko sa mga tsismosa ng bayan. Nagsimula ang sabunutan ng dalawang panget na babae dahil sa lalaki. Pareho raw boyfriend ng mga ito ang naturang lalaki. Well, hindi ko lang alam kung kagwapuhan ba ang pinag-aawayan ng dalawa. Hindi ako sure kung ano ba ang hitsura dahil wala naman ang involve na lalaki sa eksena. Basta na lang nag-away ang dalawa. Nagkita lang yata dito sa palengke. Hindi natiis ang presensya ng isa't-isa kaya nag-clash ang mga bruha.

OMG lang talaga sila! Sa sobrang pagsasakitan nila pati ang mga tinda ko nagkalat na. Marami pa namang naka-display na panindang gulay doon. Pero ang kinahinatnan ng mga pobreng gulay, sira. Nadurog at nagkaluray-luray.

Pero bakit ba naman kasi nag-aaway ang mga babaeng ito. Nabulag na ba sa pag-ibig dahil sa lalaking iyon. Hindi man lang ba naisip ng mga ito na ang lalaki ang puno't-dulo ng lahat. Dapat ang lalaki ang ginugulpi nila dahil pareho silang natuhog. Babaero kasing lalaki. Kahit na nakakaloka ang dalawang ito ay hindi ko naman maiwasan ang maawa. Mga panget na nga niloko pa. Nasaan naman ang hustisya para sa kanila? Wala naman na yata akong magagawa dahil kapag nagmahal ang isang tao ay sadyang mabubulag at nawawala ang lohikal na pag-iisip. May gawd lang! Ngunit sa kabila ng awa na nararamdaman ko hindi ko naman maiwasan ang makadama ng inggit. Inggit dahil totoong babae sila. May kepyas. Kahit na panget may boyfriend. Samantalang ako. Bakla na nga hindi naman kapangitan pero hindi pa nagkakaroon ng lovelife. Siguro dahil kapag out and proud gay ka hindi ka pansinin dahil para sa iilan ay nakakahiya.

Sus! Kung alam lang ng mga lalaking hinayupak na hindi nakakapansin sa beauty ko. Ang mga katulad ko totoong magmahal. Minamahal na may ATM pa. Pero siyempre wala ako ng huli. Hindi naman kasi ako madatung. Hindi ako lapitin. Kahit nga mga lalaking tambay sa kanto ay hindi ako pinupuntahan kapag gipit dahil mukha akong walang datung.

Sige. Aaminin ko na. Wala naman talaga akong pera. Ang kita ko sa pagtitinda ay sapat lang para sa pamilya ko. Ako kasi ang breadwinner ng pamilya. Sa akin nakasalalay ang lahat ng kailangan sa bahay. Ako rin ang nagpapaaral sa tatlo kong kapatid. Isa sa high school at dalawang elementary. Kung tatanungin niyo naman ako tungkol sa mga magulang ko. Well, hindi naman ako malungkot na wala na sila. Actually, may times nga na pabor sa akin. Siyempre sa side lang na wala na ang padir ko. Wala na kasing pupuna sa kabaklaan ko. Wala ng pipigil sa kalandian ko at sa paglabas ng inner beauty ko na mala-Pia Wurtzbach. Minsan nalulungkot ako kapag naaalala ko ang madir ko. Si madir kasi ang laging naka-support sa kagagahan ko sa buhay.

So, tama na ang brief summary ng kwento ng aking buhay. Balik tayo sa dalawang nagsasabunutan. Hanggang ngayon napapaligiran pa rin ng mga usisyero ang dalawang babaita. Walang nagtatangkang pumagitna. Siyempre naman kapag ganitong rambulan enjoy talaga ang mga miron na walang magawa sa buhay.

Sa parte ko naman. Hayst! Hindi ako masaya. Naloloka na ako ng sobra! Lahat ng paninda ko sira na! Hindi na mapapakinabangan. Kahit sa bahay hindi na pwedeng lutuin. Ang mga baboy na lang ang pwedeng kumain. Mabuti kung may baboy kami sa likuran ng bahay namin. Wala naman. Bawal kasi mangangamoy. Maseselan pa naman ang ilong ng mga kapitbahay namin na akala mo naman mayaman. Pareho lang naman namin naghihirap. Pero hindi ko rin yata keri na mag-alaga ng baboy dahil wala rin akong pambili at pang maintenance.

My Friend, My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon