CHAPTER TWO

60 3 0
                                    

[C H A P T E R T W O]

DIEGA'S POV

NAKAYUKO SI Diega habang nakaupo sa pahabang upuan sa loob ng barangay hall, sa opisina ng kapitan. Dito ako dinala -- kasama ng mga babae -- pagkatapos rumesponde ng mga tanod kanina. Katabi ko ang mga babaeng nakayuko rin. Napapagitnaan nila ako. Kung kanina ang kakapal ng mga apog namin na magpisikalan, ngayon ang kakapalan na iyon ay naglahong parang bula. Para kaming mga basang sisiw na iniwan ng inahin nang dalhin kami ng mga tanod dito.

Take note pa, ah. Habang papunta kami dito may tigdalawa kaming escort na tanod. Mukhang nanigurado sila na hindi kami makakawala. Na didiretso kami sa barangay hall.

Sa totoo lang nang marinig ko ang pagpito at nang dumating ang mga tanod kanina, bigla akong kinabahan ng bongga. Akala ko talaga dadalhin kami ng mga kumuha sa amin sa pulis, sa presinto at diretso na ikukulong. Mabuti na lang talaga at dito lang sa barangay hall. Pasalamat na lang ako na kilala ko ang kapitan ng barangay namin. Kahit papaano abswelto at nawala ang kaba ko ng kaunti. Kaunti lang kasi alam ko naman na ayaw na ayaw ng kapitan ng kaguluhan.

Napatingin ako sa pintuan nang marinig ko ang mga yabag. Siyempre pati ang dalawang babae napatingin din doon. Pumasok ang kapitan. Halos mapanot na. Malaki ang tiyan na akala mo puputok na dala ng pag-inom. Kahit na ganoon ang pisikal na anyo ng kapitan makikita naman sa mukha niya ang kabaitan. At nang makita ako lumarawan sa mukha niya ang pamilyaridad.

Kiming ngumiti ako. Pa-demure para may effect.

Of course naman mga ateng kailangan ko iyon. Siyempre magtataka siya kung bakit nakasama ako sa gulo.

But before that, paano ba ako nakilala ng kapitan ng barangay? Well, simple lang naman. Kaibigan kasi siya ng itay ko. Sumalangit nawa. Siya ang laging kainuman at tropapits ni itay. At bilang kaibigan siya ni itay at kumpare na rin dahil inaanak niya ang kapatid ko. Si Kapitan din ang tumulong sa pamilya ko sa oras ng kagipitan. Siya nga rin ang nagpahiram sa akin ng puhunan. Kaya malaking tulong talaga si kapitan.

"Paano kang nasangkot sa gulong 'to, Diego?" Tanong niya.

Napangiwi ako. Okay lang naman na magtanong siya pero kailangan ba talagang ang trulaloo na name ko ang banggitin?

Dahil sa interrogation na ako kailangan kong maging pormal. Baka mabatukan pa ako ng wala sa oras.

"Sinira ng mga babaeng ito ang paninda ko. Mag-aaway na lang isinama pa ang kabuhayan ko. Hindi ko napigilan ang sarili ko kaya sumugod na rin ako. Kaya ako nakipagsabunutan."

"Bakit ka sumali? Dapat mas nagtimpi ka pa. Dapat hinabaan mo pa ang pasensya mo. Pang-ilang beses mo na ba rito sa opisina ko?"

Gulat akong napatingin kay Kapitan. Seryoso ang mukha niya. Naghihintay ng tanong.

"Unang beses ko pa lang 'to dito, Kapitan. Hindi ako pumupunta dito. 'Wag kang ano dyan."

Sumilay ang ngiti sa labi nito. "Hindi pala ikaw 'yon. Baka ang kaibigan mo."

"Wala na ho akong pakialam." Pabalang kong sagot. "Saka hindi naman nagpupunta dito si Joanna. Mabait kaya iyon."

Talagang mabait ang kaibigan ko na si Joanna. Sa aming dalawa ako ang mas pasaway. Lagi rin akong nasasangkot sa gulo. Si Joanna nakakaladkad ko lang. Siyempre kaibigan ko kaya resbak ko palagi.

"Alam ko." Anito. Tuluyan ng ngumiti.

Ngayon na nakita ko na ang ngiti sa labi niya ibig sabihin niyon ay abswelto na ako. Na nakuha na niya ang sagot na gustong marinig mula sa akin. Meaning niyon pwede na akong magliwaliw at sumagot ng pabalang. Hay naku! Iba na talaga kapag may kapit. Hindi ka sasabit.

My Friend, My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon