CHAPTER THREE

22 2 0
                                    

[ C H A P T E R T H R E E ]

JOANNA'S POV

DALI-DALI AKONG nagtungo sa barangay hall ng lugar namin. Nagbabakasakali ako na maabutan pa doon si Diega. Kung nandodoon pa siya baka pwede kong pakiusapan ang kapitan ng barangay. Baka madaan sa mahinahon na pag-uusap. Magpapakumbaba ako para sa kaibigan ko. Alam ko naman kasi na si Diega lang ang maaasahan ng mga kapatid nito. Breadwinner ng pamilya kaya hindi dapat mahinto iyon. Kapag hindi na-settle ang mga bagay-bagay ay lagot na talaga.

Nang makarating ako sa barangay hall inilibot ko agad ang aking paningin. Hindi ko nakita si Diega. Pero hindi ako pinanghinaan ng loob. Bagkus tila sumiklab ang hangarin sa aking dibdib sa kaalaman na baka lumaya na ito. After all, nakalimutan ko na medyo close pala si Diega sa kapitan ng barangay. Close kasi iyon sa ama ni Diega at ninong din ng kapatid nito.

Palabas na sana siya ng barangay hall nang eksakto namang nakita ko ang pamilyar na pigura ni Diega. Palabas ito sa isa sa kwarto doon. Galing pala ito sa comfort room. Hindi niya ako napansin kaya agad ko itong nilapitan.

"Diega!"

Napatingin siya sa akin. Bumakas ang gulat sa mukha nito.

"Bakit ka nandidito? Anong ginagawa mo dito?" Balik-tanong niya sa akin.

"Nabalitaan ko kasi na napunta ka dito. Nakipag-away ka raw. Totoo ba 'yon?"

Tumango ito. "Oo, sister. Truelaloo iyon. Paanong hindi ako makikipag-away? Nasira ang mga paninda ko! Nasira ang kabuhayan ko!"

"Sana hindi mo na lang pinatulan."

"How I wish na hindi na sana kaso naimbyerna ako sa kinahinatnan ng mga gulay ko."

"Saan ba nagsimula ang away?"

"Sa otako ng mga chakaness na iyon. Pinag-agawan ba naman ang isang lalaki. Mabuti sana kung sing-gwapo ni Kim Tae-Hyung at Connor Mcdonough ang pinag-aagawan. Paano kung tsaka naman pala?"

Natawa ako sa sinabi niya. Halatang-halata sa mukha ni Diega ang pagkaasar sa dalawang babae. May biglang ideya na sumagi sa isip ko.

"Darating kaya tayo sa punto na mag-aagawan sa isang lalaki?"

Napasimangot si Diega sa tanong ko. "Never atang mangyayari iyon girl. Iba naman ang taste natin sa lalaki. I like Korean and American like guy while you like others. O 'di ba? Napapa-english na ako sa pag-e-explain sa 'yo."

Natawa pa ang bruha na ikinailing ko. "Pero may point ka naman sa sinabi mo. Magkaiba tayo ng tipo sa lalaki. Saka wish lang naman natin iyon. Wish na hindi yata matutupad."

"Wish na hindi matutupad? Bakit naman?"

"Eh, kasi naman, tingnan mo nga kung may magkakagusto sa atin. Mabuti kung katulad tayo ni Vin. Hindi naman."

"Hindi tayo katulad ni Vin kasi iba tayo. We are unique. Saka 'yang lovelife naman na yan unexpected 'yan. Hindi 'yan napaghahandaan. Saka malay mo rin may maharbat tayo na otako." Sabi pa nito saka tumawa.

Sa aming dalawa ni Diega, siya talaga ang naniniwala na may darating para sa amin na tapat na magmamahal. Open ito sa lahat ng posibilidad basta usapin na pampuso. Kabaliktaran niya ito sa aspeto na iyon.

"'Di wala na akong masasabi. Basta hindi ako maghihintay sa ganyan. Magfo-focus na lang ako sa parlor ko para dumami ang pera."

"Speaking of pera." Biglang nagpa-cute sa akin si Diega. Sa tuwing ganoon ang reaksyon ng mukha niya alam ko na ang ibig sabihin niyon.

"Mangungutang ka?"

"Oo. Alam mo naman ang nangyari sa mga paninda ko. Wala pa kaming ulam. Iyong natira ko na pera eksakto lang para sa kanin at ibang anek."

Dumukot ako ng one hundred fifty sa bulsa ko. Iyon ang perang nasa bulsa ko. Naiwan ko kasi ang iba sa parlor. Inabot ko iyon kay Diega na agad naman nitong kinuha.

"Idagdag mo na lang 'to sa utang ko sa 'yo. Pasensya ka na, sa halip na mabawasan mas dumadagdag pa."

"Wala iyon. Ano ka ba? Magkaibigan tayo kaya dadamayan kita. Saka hindi naman ako naniningil. Kapag nakaluwag-luwag ka na saka ka na magbayad."

"Sana nga magkapera na ako. Mahaba-haba na rin ang babayaran ko sa 'yo."

"Oo nga." Natatawa kong pagsang-ayon.

DIEGA'S POV

MALAKI ang pasasalamat ko na may kaibigan ako na katulad ni Joanna. Maaasahan ko kasi siya sa mga panahon na kulang ako sa pera at sa iilan na materyal na bagay. Nasa tabi ko lang siya palagi at inuunawa ako sa bawat pagkukulang ko.

"Ano ba ang nangyari? Nabalitaan ko na lang na may nakaaway ka."

"Sinira nila ang mga paninda ko. Nag-away ang mga potek dahil sa isang lalaki. Kung makaarte akala mo mawawalan ng lalaki. Tinalo pa ang katulad natin. Nakakaasar lang 'yon. Nadamay pa tuloy ako."

"Dapat hinayaan mo na lang," aniya.

"Hindi pwedeng hayaan ang mga 'yon." Sagot ko na may pagkakunsumi sa boses.

"Mabuti na lang at hindi ka nagka-atraso sa barangay."

"Mabuti na nga lang kamo at kilala ko ang kapitan dahil kung hindi baka nasa loob na ako ng presinto."

Umiling-iling na lang si Joanna. "Sa susunod na may ganyan na nag-aaway lumayo ka na. Napaaaway ka lang, eh."

"Oo na. Kamahalan," sagot ko natatawa. "May pagkain ka ba? Nagugutom na ako. Hindi ako nakakain dahil sa nangyari."

"Ililibre na lang kita sa karinderya."

Ayon nga ang nangyari, magkaagapay kami na nagtungo sa karinderya. Pagkarating doon marami na ang mga tao at halos wala ng maupuan. Pasalamat na lang kaming dalawa ni Joanna na kilala na kami doon kaya kahit papaano ay may pribilehiyo kami. Agad kaming pinagsilbihan ng waitress doon.

Marami akong nakain. Nagpahinga muna kami ng kaunti. Siyempre, habang nagpapahinga, hindi maiiwasan na mag-sight seeing ako ng mga boys at fafable. Hindi na iyon maiiwasan sa isang katulad ko pero siyempre hind iyong masyadong lantaran. Kailangan pasimple at kimi lang ala Maria Clara. Busog ang mata ko dahil maraming kumakain na construction worker. Ang iba sa mga iyon ay hubad baro pa. May iilan na magaganda ang katawan. Pak na pak ngunit iyong iba ay malaking plak. May mga hitsura iyong iilan. Pero iyong iba tapon ulo kain katawan. Pero siyempre hindi na ako cho-choosy pa. Pangkaraniwan naman ang kagandahan ko kaya keribels na.

Sa mesang malayo naman sa kanila may mga naka-unipormeng mga estudyante. Hindi ko lang know kung mga high schooler o college student na ba ang mga iyon. Mga looking fresh. Mga kiddie meal.

May iilan din na nakapang-office ang attire at mga mukhang mamahalin pero iyong iba sa kanila nafi-feel ko ang kulay. Naaamoy ko rin. Mga paminta ang mga hitad. Pero kadalasan ang mga katulad nila ang palaging may ganap, may score sa love life at hindi nababakante. Ganoon naman kasi ang laban. Ang mga katulad nila ay sa katulad din nila pumapatol upang mapagkamalan na magbarkada lang. Para hindi mabigyan ng malisya. Napaismid na lang ako ng punasan ng isang lalaki ang gilid ng labi ng isa. Kasabay ng pag-ismid ang inggit. Inirapan ko tuloy sila.

"Ang mata mo naman, Diega." Pamumuna sa akin ni Joanna.

"Ay. Napansin mo! Akala ko busy ka sa paglafang, Ateng. Wala kang pakialam sa paligid mo kanina."

"Gutom kasi ako. Pero 'wag ka, kanina pa kita napansin. Iyong mga tingin mo malala."

Inirapan ko siya. "If I know, ginagawa mo ang gawain ko. 'Wag kang ano dyan, Joanna."

Natawa siya sa sinabi ko. "Ay! Kilalang-kilala mo talaga ako, Diega. Siyempre naman! Hindi maiiwasan 'yan. So, ano? May napili ka na ba?"

Natawa ako sa sinabi niya. "Oo. Meron na! Pwede ko nang pag-tiyagaan at pagpantasyahan!"

"Ay bet ko 'yan!" Impit niyang tili.

Ang mga sumunod na sandali ay puro simpleng kalandian at pasulyap-sulyap na lang. Pinagsawa naming pareho ang aming mata sa mga approve at disapprove.

My Friend, My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon