CHAPTER FIVE

41 1 0
                                    

[ C H A P T E R F I V E ]


DIEGA'S POV


"AYYY! Sa wakas nadalaw ang maganda!!" Patili kong sabi nang makita ang papalapit na si Vin sa pwesto ko. Ngiting-ngiti siya sa akin na ginantihan ko rin naman ng bongga. "Ngayon ka lang nadalaw." Dagdag kong sabi nang tuluyan na siyang makalapit sa akin.

"Nagkaroon ako ngayon ng oras. Eksaktong day off sa trabaho kaya pumasyal ako dito."

"Ganern! Akala ko pumunta ka rito para singilin na ako sa utang ko."

Natawa siya. "Para kang gaga. Hindi ako pumunta rito para maningil. Grabe ka sa akin. Hindi ba pwedeng gusto ko lang kayong makita ni Joanna."

"Talaga?" Hindi naniniwalang sabi ko. "Sure ka ba dyan sa sinasabi mo? Kasi kung maniningil ka ng utang sa akin wala akong ipambabayad. Naubos ang datung ko."

"Sigurado nga ako," natatawa niyang pakli. "Saka kahit hindi mo na ako bayaran okay lang din sa 'kin. Para namang hindi tayo magkaibigan."

Nayakap ko si Vin sa galak. "Nakakatuwa naman! Salamat, Vin. Hayaan mo kapag nakaluwag-luwag ako ililibre kita pati na rin si Joanna."

"Kahit 'wag na. I-prioritize mo na lang ang dapat i-prioritize."

"Oo na 'te. Pero bakit ka pala napadpad dito sa atin? Hindi naman pwedeng walang rason. Sabihin mo sa 'kin ang true reason." Sabi ko na sinabayan pa ng pagtaas ng aking mga kilay na tila titser na istrikta.

Natawa siya. "Ano ba 'yan, Diega. Kahit kailan talaga hindi ka na nagbago. Nakakaloka ka pa rin."

"Naman! Magulat ka kapag nagbago ako. Pero siyempre imposible iyon. Masaya kayang maging ako. Pero seryoso na nga, Vin. Bakit ka napasyal? Anong pakay mo?"

"Mamaya ko na sasabihin kapag kasama na natin si Joanna. Sa ngayon tulungan na muna kita sa paglalako ng paninda mo."

Akmang kukunin niya ang gulay na naka-display nang ilayo ko iyon sa kanya.

"Bakit?" Takang-tanong sa akin ni Vin.

"Ayokong madumihan ang mga kamay mo. Prinsesa ka na ngayon ni Joen. Baka 'pag nakita o nalaman niya na pinapatinda kita baka malagot ako sa kaniya."

Inismiran siya nito. "Para kang others dyan. Para namang hindi ko ito ginagawa dati. Tinutulungan kaya kita dati dito."

May tama sa sinabi ni Vin. Noon, talagang tumutulong ito sa kanya sa paglalako ng kanyang paninda. Pero iyon ay noong mga panahon na  wala pa itong trabaho at wala pang lalaki sa buhay nito. "Alam ko naman 'yon, ateng, pero iba na ngayon. Hindi na kita maabot."

"Grabe ka sa 'kin. Anong hugot mo?" Natatawa niyang tanong sabay kuha sa nilalayo kong gulay sa kanya. "Ginagawa ko na 'to dati. Walang nagbago, Diega. Ako pa rin ang Vin na kilala mo. Pamatay oras ko na rin 'to kaya go lang tayo."

"Sigurado ka ba dyan?" Paniniyak kong tanong.

"Oo naman!" Masigla niyang sagot.

"Siguraduhin mo lang. Kapag nagalit sa  'kin si Joen sa pinagagawa mo malalagot ka sa 'kin."

"Ba't ka takot na takot sa kanya? Para ka namang others."

Inirapan ko siya. "Sus! Parang hindi mo naman dama ang sobrang pagiging possessive ng asawa mo. Ni ayaw kang pahirapan."

"'Wag ka nga. Hayaan mo si Joen. Wala naman na siyang magagawa kahit makita niya 'to. Saka maiintindihan na rin niyon. Para namang iba 'tong ginagawa mo rito sa palengke sa trabaho ko. Pareho lang naman, Joanna. Pareho akong frontliner at taga-serve.

My Friend, My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon