CHAPTER 4

1.9M 37.1K 11.8K
                                    

CHAPTER 4

ININAT NI Ivy ang mga braso at magaan ang pakiramdam na iminulat niya ang mga mata. Nang masilaw siya ng liwanag na sumisilip sa bahagyang nakaawang na kurtina, bumangon siya saka napatitig sa bulto na nakatayo sa paanan ng kama.

Kumurap-kurap siya saka kinusot ang mga para maging malinaw ang paningin niya saka tiningala ang mukha ng may-ari ng bulto na nakatayo.

It took her a couple of seconds to realize that it was Andrius. And he's looking down at him with annoyance and irritation in his eyes.

"Oh?" She blinked twice. "Bakit ka nakatayo diyan? And why do you look so annoyed?"

Nameywang ito, hindi maipinta ang mukha sa inis habang nakatingin sa kaniya. "Sino ba ang nag-aya ng date, ha? At sino ba ang nagsabi na alas-sais mag-uumpisa ang date natin?"

Ilang segundo siyang nakatitig dito bago nag sink in sa kaniya ang sinabi nito.

"Mierda...Mierda..." she was mumbling 'shit' in her language as she leaves the bed and hurriedly walk towards the bathroom.

Iyon na yata ang pinakamabilis na pagligo na ginawa niya sa tanang buhay niya. At nang makalabas siya sa walk-in closet pagkatapos magbihis, panay pa rin ang mura niya habang nag-aayos ng sarili sa salamin.

Pero natigilan siya ng makita si Andrius sa salamin, nakatayo ito sa likod niya at nakatingin sa kaniya sa salamin.

"What?" She asked, frowning.

Inagaw nito sa kaniya ang hawak na press powder at lipstick saka itinapon iyon sa kama. "Tama na 'yan, halika na. I'm bored."

"But my face—"

"Maganda ka naman na." Wika nito saka tinalikuran siya. "Huwag ka ng maglagay niyan. Mas lalo kang gaganda, baka pag agawan ka pa."

Napatitig siya sa likod ng binata saka napangiti. So he finds her beautiful after all.

Nangingiting mabilis niyang sinuklay ang buhok saka lip tint lang ang inalagay bago sinundan ang binata palabas ng kuwarto. Naabutan niya itong naghihintay na bumukas ang pinto ng elevator.

"Hey." Habol ang hiningang aniya.

Namulsa ang binata, halata ang iristasyon sa mukha. "Alam mo ba kung anong oras na?"

Ilang beses siyang huminga ng malalim. "I over slept."

He tsked then murmured to himself. "Bakit ba kasi gumising ako ng maaga?"

Hinawakan niya sa braso ang binata saka nangungusap ang matang tumingin siya sa mga mata nito. "Sorry na. Napagod lang siguro ako kagabi kaya ganun."

Bumaba ang tingin nito sa kaniya saka pinakatitigan siya bago nagsalita. "Were you stress out?"

So much. "A little." Wika niya na kabaliktaran ng nasa isip niya. Stress siya dahil tumawag ang ama niya.

"Don't stress yourself. It's bad for your health." Anito saka sumakay na ng elevator.

Naiwan naman siyang nakatitig lang dito mula sa labas. And when the door started closing, ihinarang ni Andrius ang kamay sa pinto ng elevator para hindi iyon tuluyang sumara.

"Anong tinatayo-tayo mo diyan?" Sikmat nito sa kaniya. "Pasok na. Move that beautifu— I mean, move that legs of yours."

Tumango siya saka kaagad na sumakay ng elevator. Nang makababa sila at nakalabas ng bahay, hinawakan nito ang kamay niya saka hinila siya patungo sa nakaparadang motor sa labas ng garahe.

POSSESSIVE 20: Andrius SalazarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon