CHAPTER 35

1M 26.8K 11.4K
                                    

CHAPTER 35

"HEY, BABY..." Bati ni Andrius kay Ivy ng makapasok siya sa ICU at makaupo sa stool na katabi ng higaan nito. "Kumusta ka na? It's been four months and two weeks since you went into coma." Bumuntong-hininga siya. "Wala ka bang balak na gumising? Miss na miss na kita."

As usual, there's no response.

He sighed. "Kaya hindi pa ako nababaliw sa sobrang takot at pag-aalala dahil sa pangako mong ipaglalaban mo ang buhay mo para sakin, para samin ng anak natin."

Hinawakan niya ang kamay ng asawa saka ngumiti kahit parang sasabog na ang dibdib niya sa sobrang sakit at pag-aalala. "Baby, may good news ako sayo. Next week na ang Surgery mo. Sabi ng Doctor. Kailangan lang daw hintayin na mag second-trimestral ang tiyan mo para maging ligtas ang anak natin kasi wala naman daw siyang sakit o problema.

"Sabi pa naman ng Doctor mo, hindi maapektuhan si baby ng anaesthesia. An OB will be present in your surgery. Dr. Craig also said that if possible, they will used regional anaesthesia to keep our baby safe and healthy." Pinisil niya ang kamay nito. "Naririnig mo ba ako, baby? Our baby will be okay and they can operate you next week. Dr. Craig promised that he'll do everything he can to keep you safe and alive."

Dapat masanay na siya na walang katugon mula sa asawa niya pero para pa ring sinasakal ang puso niya habang pinagmamasdan ang nakapikit nitong mga mata.

"My baby will be okay... Ivy will be okay..." he was chanting it to himself to keep his hopes up.

He needed it. Kailangan niyang kumapit sa kahit pinakamunting pag-asa na nararamdaman niya. He can't afford to lose hope. He can't.

Hinamig niya ang sarili saka hinalikan ang likod ng kamay ng asawa. "Just hang in there, baby. We'll get through this. Kaya natin 'to. Tayo pa ba. Ang dami na nating pinagdaanan, eh. Ngayon pa ba ako susuko?"

Andrius was struggling not to shed a tear when someone tapped his shoulder. Nang lingunin niya kung sino 'yon, ngumiti siya ng makita si Blaze.

"Bud..."

Blaze did his routine check on Ivy before facing him. "Handa ka na para sa susunod na linggo?"

Nag-aalangan man, tumango siya. "I have to be."

Blaze smiled. "Good."

"Ahm..." he's still worried, "magiging okay lang ba talaga si Ivy at ang baby namin? Sorry. I can't stop worrying. Mag-ina ko ang pinag-uusapan natin dito."

Blaze nodded confidently. "Oo naman. Kinausap ko ang Doctor na mag-o-opera sa kaniya. Wala kang dapat na ipag-alala. Nasa mabuting kamay ang mag-ina mo."

Tumango siya saka bumuga ng marahas na hininga. "I'm trusting you on this, Blaze. At hindi ko gusto na hindi ka kasama sa papasok sa OR."

"Hindi naman kasi ako nagta-trabaho rito." Paliwanag ni Blaze. "We're in the US. Hindi ako puwedeng makialam, ang tanging magagawa ko lang ay mag-obserba. But don't worry, everything will be okay. Maliit na bullet fragment ang nasa ulo niya, hindi buong bala."

That's good enough for him. "Thank you."

Tinapik nito ang balikat niya. "Its gonne be a successful operation." Sabi nito sa kaniya. "So relax."

Andrius sighed. "I'm trying."

"Try harder."

Nang makalabas si Blaze sa ICU, tinitigan niyang ng matagal ang asawa bago pinilit na ngumiti. "Everything will be okay." Sabi niya sa sarili. "Ivy is strong. She can do this."

Andrius blows a loud breath before stepping outside the ICU. Mahirap magpanggap na ayos lang ang lahat kung unti-unting nanghihina at matitibag ang kalooban niya sa araw-araw na lumilipas na hindi nagigising ang asawa niya.

POSSESSIVE 20: Andrius SalazarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon