CHAPTER 22

1M 27.6K 8.4K
                                    

A/N: Sinong magpapabati? Yong mga hindi pa po nababati ha? Comment your names. First 50 comment 💪🏻🤗

Happy Reading.

CHAPTER 22

FIVE FAYS IN Bogotá and nothing is happening in Andrius life. Akala niya may magbabago sa kaniya dahil sa bakasyong 'to, but sadly, nothing has change. He can't still sleep peacefully through out the night, nightmares plague his sleep and he spends his day just walking around Bogotá and thinking that Ivy might have walked on the road he's walking in.

And now, just like any other day in his vacation, he found himself in a café in front of his Hotel, alone. As always.

Napabuntong-hininga si Andrius ng tumunog ang cellphone niya.

Ex-con calling...

Napailing siya saka napipilitang sinagot ang tawag. "What's up? Miss me?" He joked.

"Oh, fuck you." Yrozz replied. "Napag-utusan lang akong tawagan ka para alamin kung buhay ka pa."

He grunted and rolled his eyes. "Yes, bud. I'm still breathing."

"Good. Siya nga pala, sabi ni Velasquez pasalubong daw."

Mahina siyang natawa sa tinuran ng kaibigan. "Itanong mo sa kaniya kung anong gusto niya sa tatlo. Bato, hangin o buhangin? Papiliin mo siya."

Malakas na natawa si Yrozz, "I will definitely tell him that. By the way, kumusta ka diyan? May pagbabago ba?"

Isinandal niya ang katawan sa likod ng kinauupuan saka tumingin sa labas ng café at pinagmasdan ang mga taong dumadaan. "Nothing much. Last time I check, I still can't sleep."

Yrozz sighed. "Umuwi ka nalang kaya. Wala naman palang nangyayari diyan sa'yo eh."

Bumuntong-hininga siya saka nag-iwan ng pera sa mesa saka lumabas ng café. "Wala ngang nangyayari pero kailangan ko pa ring subukan." Aniya saka tumawid ng kalsada habang kausap pa rin si Yrozz. "I'll call you later when I have something new—"

The screeching of the car tire stops him from talking and made him halt on his step. Nang bumaling siya sa pinanggagalingan ng tunog, huli na para makabuwelo siya at makaalis sa kinatatayuan.

Bago pa mag-sink in sa isip niya ang nangyayari, bumangga na sa kaniya ang rumaragasang kotse.

It happened so fast. After the car hit him and the excruciating pain spreading all over his body, the next thing he knew he's body was slammed in the pavement and he instantly lost his consciousness.

"Are you okay, Corazoncito?" Anang boses na pamilyar na pamilyar sa kaniya. "Corazoncito, wake up. Are you okay? Pinag-aalala mo ako."

Ivy? Only she calls him corazoncito.

It's Ivy! It's Ivy! She's here!

Andrius forced his eyes to open even when he's in so much pain. Nang maimulat niya ang mata at nakita ang babaeng nakadungaw sa kaniya at puno ng pag-aalala ang mukha, parang sasabog ang puso niya ng makilala kung sino 'yon.

"Ivy..." mahina niyang bulong sa pangalan ng dalaga. "Ivy... baby... you're here..."

Hinaplos nito ang pisngi niya saka masuyo siyang nginitian. "I'm here. I'm here, corazoncito. Hindi na ako aalis sa tabi mo."

Hinawakan niya ang kamay ng dalaga saka akmang hahagkan iyon ng maramdaman niyang parang may yumuyugyog sa katawan niya.

Kumunot ang nuo niya at napatitig kay Ivy. Kinain ng takot at pangamba ang puso niya ng makitang unti-unting nawawala si Ivy.

POSSESSIVE 20: Andrius SalazarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon