CHAPTER 36

1.3M 28.3K 6.9K
                                    

PLEASE READ 👇🏻👇🏻👇🏻

Ang daming nagsasabi na poor si Andrius. So here's the explanation pero na explain ko na naman 'to sa kuwento. Mayaman ang Papa ni Ivy pero illegal naman. Mayaman ang pamilya ni Andrius pero illegal din naman. At pareho sila ni Ivy na ayaw gumamit ng Dirty money.

Andrius is a soldier. Sabihin na nating may rank siya pero yong sahod niya, kasya lang para sa single. May ipon siya at may share of stocks sa kompaniya ng mga kaibigan niya pero yon lang 'yon. ... Hindi ho biro ang magpagamot sa US. Lalo na't halos isang taon sila sa Hospital. Tapos Brain Surgery pa. At dahil gusto nila ng clean money kaya hindi sila tumanggap ng tulong mula sa mga magulang niya.

Wala sa business world si Andrius. He doesn't own a company at walang pinamana sa kaniya unlike sa mga kaibigan niya. Yong pera niya, sa kaniya talaga 'yon at pinaghirapan niya. Ang mayaman ay ang Mama niya 😂 hindi siya. Just like what Calyx said, ang mayaman ang parents niya. And since its clean money at siya lang ang taga-pagmana, nalipat sa kaniya ang kayamang 'yon. Si Andrius ay waley. Dugo't pawis talaga niya ang pera na mayroon siya 💪🏻 kaya nga diba ayaw ng mga kaibigan niya na gamitin 'yon kasi alam nila ang hirap ni Andrius 🙂

Yon lang po 😊 Kung may na-miss po akong info o hindi po nabasa sa last chapters ang mga nabanggit ko sa taas, just tell me. Thank you for reading.

CHAPTER 36

8 MONTHS LATER...

"CHEERS!" SABAY-SABAY na sigaw ng mga kaibigan ni Andrius habang kumakain ang mga ito ng barbecue at umiinom ng Beer sa tindahan na nasa labas ng BV.

Napangiti nalang si Ivy ng mapagmasdan ang masayang mukha ng asawa niya habang kinukulit ng mga kaibigan na maglabas pa ng isang libo para sa Barbecue na over due na raw.

Kung hindi lang niya kilala na may mga kaya ang mga ito, iisipin niyang tambay sa kanto ang mga lalaking 'to.

"Andrius! Over due is over due!" Dinuro pa ni Sanford ang asawa. "Akala mo nakalimutan namin? Ang tagal naming naghintay!"

Umingos lang ang asawa niya pero nagbigay kay Thorn ng isang libo.

"Manang!" Kaagad na tawag ni Thorn sa nagbabantay ng tindahan. "Pabili pa po ng beer at barbecue."

Kaagad namang tumalima ang may edad ng babae.

"Manang." Tawag ni Knight sa atensiyon ng ginang. "May lakad pa ako, eh. Puwede bang ilagay 'tong beer ko sa cellophane ng ice water at palagyan na rin ng straw."

Napangiwi nalang ang magkakaibigan sa sinabi ni Knight at hinayaan ito. Mukhang nasanay na ang mga ito.

"Saan ba ang punta mo?" Tanong ni Valerian pagkatapos uminom ng beer.

"Sa bahay." Sagot ni Knight sabay tanggap sa beer nitong nakalagay sa cellophane ng ice water at naka-straw. "Malapit ng mag alas-syete. Oras na para paligayahin ko ang asawa ko."

Napuno ng biruan at tawanan ang buong tindahan na ikinailing niya.

Kung may ibang tao man na nagpapasaya sa asawa niya maliban sa kaniya at sa anak nila, iyon ay ang mga kaibigan nito.

And he deserve that happiness. He deserve these crazy lunatic men.

Wala sa sariling napahawak siya sa ulo niya at tipid na napangiti ng mahawakan ang dulo ng maikling buhok. Hindi pa rin siya sanay na wala siyang tinataling buhok. Pero di bale na, hahaba naman ulit ang buhok niya.

POSSESSIVE 20: Andrius SalazarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon