Chapter Five: First Snow

22 0 0
                                    

< Kyle's POV >

I still like Gabby but I know she's not the girl for me. I admit, masakit sa'kin ng konti ang pagkabalikan nila. But it's okay. I'm still happy for both of them. Besides, kaibigan ko yung dalawa. She is really one of a kind. Kaya kung sasaktan pa siya uli ni Luke, I won't hesitate to take her away from him.

So for now, ito na lang muna ang pagkakaabalahan ko. Ang issue ni Rick sa EXO group. Kung bakit niya ginawa yun?

"Ano ba?! Bitiwan niyo ko!" maingay na sabi ni Rick habang pinapapasok siya ng grupo dito sa loob ng students council office.

"Ano ba ang kasalanan ko?" tanong nito nang makaupo na siya.

"Napaka-pathetic naman kung hindi mo alam? Wag ka na ngang magmaangmaangan Rick. You're already busted." Sabi ni Sander na nakaupo sa lamesa niya.

"Tell us, bakit ka nagcreate ng student's rule na hindi naman approve ng mga head?" tanong ko.

"Wala akong alam sa sinasabi niyo."

"Oh really?" sabi ni Cristoff saka bumalik sa'kin. "Baka kailangan to ng motivation dude." Ngumiti naman siya ng nakakaloko kaya nagets ko yung sinabi niya.

I chuckled. Saka tumingin kay Dexter. "Dex, ilabas nga yung pinaka-ayaw niya sa lahat."

Tumango naman si Dex at dali-daling kinuha ang palaka na nakalagay sa aquarium. Bakla siguro ito. Ka lalaking tao takot sa mga ganyan. Psh...

Mukhang alam na nito ang kukunin ni Dexter kaya naging balisa ito.

"Ano na? kakanta ka ba o hindi?" tanong naman ni Ian sa kanya na parang matatawa na sa hitsura nito.

"O-oo n-na! Oo na sasabihin ko na lahat! Just don't get that thing!"

Lahat kami dito pinipigilan ang pagtawa. Napakabading naman kasing tignan nito.

"Sige, speak." Utos na sabi ni Sander.

"Kaya ko yun ginawa dahil naiinggit ako kay Luke." Panimula nito.

"Huh? At bakit naman?" hindi makapaniwalang tanong ko. Ako nga na naging karival niya never naiinggit sa taong yun.

Sinaway naman nila ako. "Tumahimik ka nga muna diyan Kyle. Ang ingay mo." si Cristoff

"Ay sorry naman ha." Sarcastic kong sabi saka pinatuloy si Rick.

"Naiinggit ako dahil lahat na lang ng atensiyon nasa kanya na. Pati nga parents ko nakuha na niya ang pansin. Noon, pinipilit kong binabalewala. Pero habang pinipilit ko, mas lalo akong tinetest ng temptasyon. Kaya tuluyan na akong nagalit sa kanya. Para makapaghiganti, gumawa ako nung student's rule na yun at pinalabas na kayo nga ang gumawa noon. Para lahat ng galit ng mga schoolmates at classmates natin, sa inyo mapupunta. At siyempre si Luke ang mas maypagka -leader sa inyo kaya siya ang mas grabe na buntungan ng galit. Pero believe me, hindi ko alam na si Gabby ang last na mabibiktima."

"Pero sinali mo pa din si Gabby sa plano mo." seryosong sabi ni Sander.

Umiling ito. "No. Never ko ininvolve si Gabby. She's always been nice to me. Kaya nagulat talaga ako sa ginawa nila sa kanya. Wala na akong ibang magawa kundi magtago na lang. Pero yun nga, nahanap niyo pa din ako. Pero mula't sapol, yun lang talaga ang plano ko. I have no big evil scheme. Hindi ko kayang pumatay ng tao." Paliwanag nito.

Wala munang nagsalita. Pero magsasalita na sana si Sander ng biglang bumukas ang pinto ng pagkalakas at pumasok si Luke na tila hinahangos pa.

"Luke? What are you doing here?" nagtatakang tanong ni Sander.

First Snow - Merry Merry Christmas (EXO edition)**Short storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon