Hindi ako normal.
At simula ngayon hindi ka na din normal.
Simula ng pumasok ka sa mundo ko.
Hindi naman kita tinatakot, binabalaan lang kita na sa pagpasok mo sa academiang ito, magbabago na ang buhay mo.
Ang mga estudyante dito ay may tinitingala sa lahat, ang GLITTERATI BOYS.
Sila ay Gwapo, sikat, mayaman at maangas.
Yan ang masasabi ko sa grupo ng lalaki sa academy.
Ako? Simple lang pero nagbago ako dahil sa isa sa kanila.
Pero makakahanap pa kaya ako ng taong magbabalik sa akin sa totoong ako?
May magmamahal pa ba sa akin kung lahat ng nasa isip ko ay maghiganti?
Sabi nga nila, HIndi naman masama magmahal.
Ang masama ay ang magalit sa taong hindi mo naman lubusang kakilala.
Masama maghiganti.
Masama manggamit.
Pero kung ako ikaw, anong gagawin mo kung nahulog na ang damdamin mo sa taong pinaghihigantihan mo?
Kakalimutan mo na lang ba ang nakaraan o ipagpapatuloy mo ang plano mo?
-ThaliaIsa na akong sikat na writer.
Sikat kasi mabenta na ang mga sinusulat ko.
Pero bago ko ito marating, pumasok muna ako sa Inheritors Academy.
Ganito nga ang nangyari...
"Cally!"tawag sa akin ni nay.
Ganda ng pangalan ko noh?
Ako nga pala si Cally Dela Vega, 12 years old.
Pero Thalia Andromeda Walker ang real name ko.
Astig ba? Astig talaga.
Dual ba naman ang name ko.
Pinalaki akong Dela Vega pero isa akong Walker.
Right. Baby palang ako ay pinaalaga na ako sa katiwala ng totoo kong magulang dahil may mga taong gusto daw akong ipapatay.
Grabe naman sila, baby pa lang nasa danger na ako.
Pero hindi ko pa nakikilala ang mga totoo kong magulang.
Kwento lang sa akin ni nay na may kapatid daw ako.
Anak daw ito ng totoo kong ama sa una nitong asawa.
Well, wala na akong pakialam doon.
Mukha namang wala na silang pakialam sa akin.
Nakalimutan na ata nila ako.
Ni hindi na nila ako kinakamusta o dinadalaw.
Psh.
Bata pa ko, 12 nga eh. Pero sabi nila mature na daw ako mag-isip pero sa tingin ko sabisabi lang iyon.
"Bakit po?"tanong ko ng makalapit na ako kay nay.
Nahampas na naman ako sa pwet gamit ang walis.
"Aray nay!"angal ko.
Nakasimangot na naman ito. Pwede na ngang sabitan ng mga sandok ang nguso ni inay eh.
Nagpamaywang pa. >__________<
"Nasira mo na naman ang door knob natin."saad nito.
Patay nakita na nila.
"Hindi ko naman sinasadya nay!"sagot ko.
"At ngayon sumasagot ka na."sabi nito.
Huh?
"Nay naman."
"Simula ngayon hindi ka na hahawak sa door knob!"sigaw nito.
"Eh nay paano ko mabubuksan ang aking kwarto?"tanong ko.
Ang babaw ba? Ganyan talaga kasi limang beses ko na atang nasira ang door knob namin.
"Hindi ka pa ba papasok?"tanong sa akin ni tay.
Nay at Tay nga pala ang tawag ko sa mga magulang ko.
Sa pubic school ako nag-aaral.
Kasama ko dito ang mayaman kong best friend na si Ariadne.
So? Eh di ako ng poor pero maganda naman ang turo sa paaralan namin.
Nagpahatid na ako kay tay.
"Bessy! Pangit mo!"salubong sa akin ni Irish.
Panira ng araw oh.
Ako pangit? Agad-agad?
"Girl, alam niyo ba na darating daw ang Glitterati boys dito sa school para sa school tour nila?"saad ni Irish.
"Sino naman iyon?"tanong ko.
Glitterati?
Parang makati lang ang tunog.
"Ano ka ba? Sikat sila noh? Mayayaman pa."irit ni Carla, isa naming kaklase.
"Talaga? Eh ano naman kung dadating sila dito?"tanong ko.
HIndi ko alam kung bakit hindi ako interesado sa mga lalaking mayayaman.
Pero siguro kasi hindi naman ako mayaman at isa pa hindi ako magboboyfriend ng mayaman.
Mahirap iyon!
Baka kapag nagkaroon ako ng boyfriend na mayaman paghiwalayin din kami ng nanay nun na malupit.
Para pa namang tigre ang mga mayayamang nanay.
Lumalaki ang ilong nila kapag nagagalit.
Kulang na nga lang may lumabas na usok mula sa ilong at tenga nila.
"Tignan natin!"saad ng mga ito.
"Kayo na lang!"saad ko.
Titignan ko pa baka mamaya madisappoint ako baka madisappoint ako sa makikita ko.
Baka pangit sila hindi tulad ng nasa isip ng mga kaklase kong malalandi.
"Nandyan na sila!"sigaw ng mga kaklase ko.
Heto na, alam ko na ang mangyayari.
Parang napanood ko na ito sa Boys Over flowers eh..
Mauubos ang laman ng bawat classroom at sasalubungin nila ang mga sikat na boys.
Psh.
"Kyaaaaaaaaah!"
Sabi na, nagtakbuhan na sila.
Nagpaiwan na lang ako.
Baka mangalay pa ang leeg ko doon.
Matapakan pa ang paa ko kakasiksik.
Kaya huwag na lang.
Magbabasa na lang ako ng Percy Jackson and the Lightning Thief.
Ilang oras lang ay nagsipasukan din ang mga ito.
"Oh bakit ganyan ang mga mukha niyo?"tanong ko.
Mukha silang mga natuklaw ng ahas, nanlalaki pa ang mga mata.
"Ang masasabi ko lang, OMG! ANG GWAPO NILA!"biglang irit ni Ariadne, ang best friend ko.
"Psh. Gwapo? Malamang walang laman mga utak ng mga iyon."komento ko.
Biglang tumingin lahat ng kaklase ko sa akin ng masama.
>______< Ooopsss wrong move.
"Sorry. Sorry."saad ko na lang.
Nahiya naman ako.
"Cally!" tumabi sa akin si Ariadne.
"Bakit?"
"Lilipat na tayo ng school,remember?"saad nito.
"Shh. Huwag ka maingay."saad ko.
Tama kayo ng basa, aalis na ako ng public school sa makalawa.
Tumawag kasi nung isang gabi ang dad ko daw at sinabi na kukunin na ako.
Nung una hindi ako pumayag pero wala din akong nagawa.
Nang sinabi ko iyon kay Ariadne ay sasama daw ito sa lilipatan kong school.
Just so lucky to have her.
Pagkatapos ng lahat ng klase ko ay maaga na akong umuwi.
Baka kasi may magkidnap pa sa akin. Ang ganda ko pa naman.
Pagdating ko sa bahay, "Thalia."
Sinalubong ako ng isang magandang nilalang.
Nasa heaven na ba ako?
"Sino po kayo?"tanong ko.
Umiiyak ito katabi ng isa pang batang babae.
"Siya ang mommy mo, Cally."saad naman ni nay.
O________O
Shocked.
I don't know what to do.
Hindi ko ito napaghandaan.
"Kukunin ka na namin ngayon,Thalia."sabi ng dad ko daw.
"Akala ko po ba sa makalawa pa?"tanong ko.
"Sumama ka na sa kanila. "sabi ni tay.
"Tay, nay ipamimigay niyo na lang ba ako? Hindi niyo na ba ako love?"naiiyak kong sabi.
"Nak hindi naman. Pero sila kasi ang totoo mong magulang."sabi ni tay.
"Lets go,sweetie."hila sa akin ni dad.
Pumayag na lang ako.
Wala naman din akong magagawa.
Ano na kayang mangyayari sa akin?
Sa bagong mundong papasukin ko.
Goodluck!
BINABASA MO ANG
Inheritors Academy
FanfictionDear Young Inheritors, Welcome to Inheritors Academy! Do you have always felt apart, different, as though you didn't belong in the society? You attend in a prestigious academy, and found a place where you could live wasting your money and wasting...