*NATHANAEL'S POINT OF VIEW*
Hindi pa ako nakakatulog ng kahit isang segundo man lang.
Ngayon nga nasa salas na ako ng bahay ni Gabriel.
"Anong tulong ba ang kailangan mo?"tanong ko.
"I need assistant. Kailangan ko ng makakasama at magpaplano para sa darating na
audition."sagot ni Gabriel na busy kakatype ng kung anuman sa laptop nito.
"Para sa Voices?"
"Oo. Ano matutulungan mo ba ako?"
"Paano kung ayoko?"
Tumingin ito sa akin.
"Kung ayaw mo sasabihin ko kay Ares na naging girlfriend mo ang ex-girlfriend niya
habang sila pa at ikaw ang dahilan kaya sila naghiwalay. Gusto mo bang uminit ang
ulo ni Ares?"sabi ni Gabriel.
Pshh..Nakakainis. Bakit ba niya nalalaman ang mga ito.
"FIne. Gagawin ko na pero pwede patulugin mo naman ako kahit isang oras lang?"sabi
ko na lang.
"Okay. Dito ka na matulog."sabi nito.
Siguro isang oras na akong nakakatulog ng gisingin ako ni Gabriel.
"Come on. I need to sleep."angal ko.
"Sabi mo isang oras lang. May naisip na ako na gagawin natin."sabi ni gabriel.
Buwisit. Masyado siyang literal.
Umupo na ako ng maayos.
Nagtitipa pa din ito sa kanyang laptop.
"Ano?"tanong ko.
"Magkakaroon tayo ng commercial kasama ang buong Glitterati Boys para madami ang mag
audition sa atin."sagot nito.
"Sa tingin mo papayag sila lalo na si Achilles?"tanong ko.
"Ako na bahala kay Achilles."nakangiting sagot nito.
"HUwag mong sabihin na may alas ka din kay Achilles?"tanong ko.
"Sabihin na nating may alam akong ayaw niya malaman."sabi nito.
BINABASA MO ANG
Inheritors Academy
FanfictionDear Young Inheritors, Welcome to Inheritors Academy! Do you have always felt apart, different, as though you didn't belong in the society? You attend in a prestigious academy, and found a place where you could live wasting your money and wasting...
