Chapter 35 SAY SOMETHING I'M GIVING UP ON YOU

2.7K 53 0
                                    

*Achilles' Point of view*.

Pagkatapos ng hindi ko inaasahang pag halik sa akin ni Hermione ay naglakad lakad ako sa loob ng tent

"Dude nakakahilo ka."saad ni Aaron na kanina pa din ako pinagmamasdan.

"Anong gagawin ko?"tanong ko.

"Saan?"tanong ni Aaron.

"Anong meron dito? May problema ba? Nalugi ba ang negosyo?"dating ni Aram.

"WALA!"sigaw ko.

"Aba! Mabuti naman eh bakit parang hindi masilihan yang pwet mo? Bakit hindi ka mapakali?"tanong pa ni Aram.

"Paano eh hinalikan lang naman siya ni Hermione."sagot ni Aaron.

Tinignan ko ng masama si Aaron pero nagkibit balikat lang ito.

"Oh? Swerte mo naman!"saad ni Aram.

"Gusto mo ba si Hermione?"tanong ni Leui ng dumating din ito.

"Kailangan ko bang sagutin iyan?"tanong ko.

Tumango lang si Leui.

Gusto?

"Gusto ko si Hermione."sagot ko.

*Thalia's Point of view*

Medyo okay na ako kaya bumalik na kami ni Eros.

Pero pagpasok namin...

"Gusto ko si Hermione."saad ni Achilles.

Sabi niya noon gusto niya ako tapos ngayon gusto niya si Hermione??

ANo bang totoo?

*Achilles' Point of view*

"Excuse me. Si Talia?"tanong ni Ino ng pumasok ito sa tent namin.

"Thalia? Nasaan nga si Thalia?"tanong ko naman sa iba.

"Kalalabas lang niya."sagot ni Eros.

"Kalalabas lang?"saad ko.

Narinig ba niya ang sinabi ko kanina?

"Nandito ako!"pasok naman ni Thalia mula sa kabilang pinto.

Inheritors AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon